Chapter 4

71 1 0
                                    

"BALAK ko sana, si Ryder nalang ang gawin kong bestman ko."

Napatingin si Adi sa nobyo.

"B-bakit siya?"

Saglit na sinulyapan sya nang nobyo at muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Papunta sila sa bahay nito. Inimbitahan siya nang mga magulang nito na doon kumain ng hapunan.

"You know I don't have a brother, Adi" anito. "And Ryder, he was once like a brother to me."

"P-pero, marami ka naman kaibigan di ba? O mga pinsan."

"Yeah. But I was never close to them like how close I was with Ryder. And I really wanted him to be my best man." muli siyang sinulyapan ni Jim. "What's wrong, Adi? You seemed to don't like the idea."

Napipilan siya. Hindi niya alam kubg paano sasagutin ang tanong na iyon ni Jim.

"Hon?" pukaw nito sa kanya.

"H-hindi naman sa ganon..." aniya

"Ayaw mo ba kay Ryder? Napansin ko lang na parang hindi ka at ease sa kanya."

Paano ba niya sasabihin sa nobyo ang tungkol sa kanila ni Ryder? O dapat pa ba nitong malaman ang bagay na iyon? Nakaraan na iyon at hindi na dapat inuungkat pa.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang mapansin niyang pumapasok na sa gate nang bahay nila Jim ang sasakyan nito.

Ipinagbukas siya nito ng pintuan. Inalalayan siya nito sa pagbaba.

Sinalubong sila ng ina nito.

"Teacher Adi," bati nito sa kanya.

"Good evening po, Ma'am." bati niya. Humalik siya sa pisngi nito.

"Ma, masyado atang pormal ang tawagan ninyo ni Adi. She is after all, your future daughter in law."

Natawa nang bahagya ang matandang babae.

"Oo nga naman." anito "From now on, I will call you Adi and you'll call me Mama. Is that fine with you, iha?"

"S-sige po...ma... Mama."

"Pumasok na tayo sa loob. Nakahanda na ang hapunan. Kanina ko pa kayo hinihintay."

Iginiya siya ni Jim patungo sa dining room. Hinila ito ang isang upuan at pinaupo siya doon. Naupo ito sa tabi niya.

Magsisimula na sana silang kumain nang makarinig sila ng busina.

Isang kasambahay nito ang nagmamadaling lumabas upang marahil ay pagbuksan ng gate ang kung sino man na may ari ng sasakyan na bumbusina.

"Were you expecting a visitor, Ma?" tanong ni Jim sa ina.

"I invited someone over, son." anito.

"Good evening everybody!"

Nanlamig si Adi. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Lihim niyang ipinagdasal na sana ay dinadaya lamang siya ng kanyang pandinig.

"Ryder!" tuwang sabi ni Jim.

Nanlumo si Adi. Napayuko. Bakit nandito ang lalaki?

"Am I late for dinner?" tanong nito matapos humalik sa pisngi ng ina ni Jim.

"You're just in time, iho. Take a seat."

Inokupa ni Ryder ang upuan sa harap nya.

"Hello." bati nito sa kanya.

Napilitan siyang magtaas ng tingin.

"H-hi...." bati din niya.

"Nice to see you again, Adrienne." anito.

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon