Chapter 5

64 0 0
                                    

"A-ANONG ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ano pa ba sa tingin mo?" tila yamot na sabi ni Ryder.

"Ikaw ang pinakiusapan ni Jim na samahan ako pauwi sa probinsya para sa kasal ni Magda?"

"Yeah. Can I come in? Kagigising ko lang ng tawagan ako ni Jim para pakiusapan na ihatid kita. Hindi pa ako nag-aalmusal. Would you mind if I ask you to offer me a cup of coffee at least?"

Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang binata.

"Maupo ka. Ititimpla lang kita ng kape." Itinuro niya ang sofa. Hindi na niya hinintay na makaupo ang binata. Tinalikuran na niya ito at dumiretso na sa kusina.

Habang nagtitimpla nang kape ay pilit niyang kinakalma ang sarili. Bakit ba lagi na lamang siyang ninenerbyos sa tuwing kaharap ang lalaki.

"How long have you been staying here?"

Muntik na siyang mapatili nang magsalita si Ryder buhat sa kanyang likuran.

"B-bakit ka andito?"

"Naiinip ako doon. You are not a good company, Adrienne. Basta mo na lamang iniwan ang bisita mo na walang kausap."

Hindi siya kumibo.

"So, gaano katagal ka na dito?" ulit nito sa tanong.

"Six years."

"Kasama mo si Magda?" tanong nito. Tumango siya. "Mataray pa rin ba siya? Madalas niya akong tinatarayan dati pag nakikita nya tayong magkasama."

"Hindi mataray si Magda," pagtatanggol niya sa kaibigan. "She is like that to you only. Because she wants to protect me from the likes of you."

"Likes of me?" gagad nito. "What are the likes of me, Adrienne?"

"Mga tulad mo na manloloko!"

"Manloloko? Paano ako naging manloloko?"

"Wag na tayo maglokohan pa, Ryder. Alam ko ang panlolokong ginawa mo sa akin."

"Gaano ka kasigurado na niloko nga kita Adrienne? Dahil sa mga pictures na ipinakita sayo ni Lucia?"

"Oo! Kitang-kita nang dalawang mata ko ang panloloko mo sa akin, Ryder. Kaya wag ka umasal na para bang malinis ang konsensya mo!" galit na bulyaw niya dito.

"Because it is!" giit ni Ryder. "Damn it, Adi! If only you have listened to me, if only you gave me a chance to explain, we could've fixed things right there and then! But you never did. You simply believed Lucia's lies. You never trusted me!" sumbat nito.

Umiling-iling siya.

"Hanggang ngayon, ayaw mo pa din aminin ang ginawa mo. You are the same stubborn Ryder from ten years ago. You never admit your mistakes."

"Because there wasn't any!"

"Tama na," pakiusap niya "What's the use of reminiscing the past?"

"Because I still love you, Adrienne!"

Nagulat siya sa sinabi nito. Nabitawan niya ang tasa nang kape at tumapon ang laman niyon sa paa niya.

"Shit!" bulalas ni Ryder. Agad nitong nilabas ang panyo nito. Binasa nito iyon at ipinunas sa paa niya.

Hindi na napigilan ni Adi ang luha. Ewan nya kung dahil iyon sa sakit na dulot ng pagkakatapon ng mainit na kape sa kanyang paa o sa pagsasabi sa kanya ni Ryder na mahal pa din siya nito.

Napahagulgol na siya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Ryder.

"I love you, Adi." anito habang nakayakap ng mahigpit sa kanya. "I never stopped loving you. Kahit nasa malayo akong lugar, ikaw ang iniisip ko. I came back because I wanted to find you. I wanted to fix things between us and start over again. Just imagine what I felt when Jim introduced you to me as his future wife."

I'll Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon