3

392 21 0
                                    

" You look like a crap Gabbie" what the heck?? Nandito kami ngayon sa bahay nina Trey kasama na namin si Jay na lumalamon ngayon sa kitchen.

" Shut the fck up Trey" pinaningkitan ko sya ng mata. Kainis talaga.

"Seriously Gab, mukha kang stress na ewan" dagdag niya pa. Di na ko umimik. Napahugot ako ng hininga. Totoo naman talaga na stressed ako. Hindi lang dahil sa kakaisip ng way para mas lalong mapalapit kay Lou. Well I can say na mas naging malapit nga kami pero may mga oras talagang natutulala na lamang ito. Isa pang dahilan ng stressed ko ay dahil na rin kay Trish. Yung babae sa Bar. Lagi niya akong kinukulit at nilalandi. Ayaw akong tantanan ng babaeng yun eh. Two weeks na rin ang lumipas nang mangyari yun. Ganun ba talaga ako ka galing? Hahaha

*beep

Napasmile ako ng makita ko ang reply ni Lou. I texted her kasi kung pwede ba kaming magkita ngayon sa favorite coffee shop ko.

Lou : hmm, okay  free naman ako today.

Me : nice, sunduin kita sa inyo
mamayang 3pm.

Lou : okay ikaw bahala

Di ko tuloy maiwasang di mapangiti, kasi naman kahit paunti-unti man lang nakakakilos na ako.

" Hoy! Anu na?!" pukaw sa akin ni Trey

" Anu ba Trey! Kanina ka pa " naiinis na ako

"Anung nangyayari dito?" sabat ni Jay na kagagaling lang sa kusina.

" Yang si Gabbie parang naka-drugs " si Trey. Tangengot talaga eh.

"Ha?" si Jay

"Ha-hangin!! Bwesit ka talagang bakla ka! Bumalik ka na sa kitchen! Ngayon din!! " Sigaw ni Trey. Oops! Mukhang bwesit na rin sya hahaha

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako bakla pangit ka! Dyan ka na nga tse!! Nahahaggard beauty ko sayo hmm! " sabat ni Jay sabay irap. Nagtungo ulit ito sa kusina gaya ng sabi ni Trey sa kanya.

"omygod.! Hindi pa ba siya bakla sa lagay na yun?! Si Trey habang tumatawa. Bwesit rin ang tawa nitong babae na to.

" Mukhang hindi pa nga " sagot ko sa kanya sabay ngisi.

Natatawa na lang ako sa kakulitan nila. Lagi kasi itong niloloko ni Trey. Panu ba naman kasi itong si Jay halata na nga denial pa din. Siguro takot pa siyang umamin kaya sya ganun. Pero kahit anu pa siya tanggap at mahal pa rin namin sya ni Trey.

" Oi update mo naman ako tungkol sa inyo ni Ate Lou. Masyado ka nang secretive besh. " nag pout pa talaga. Ampanget hahaha

" Stop that Trey lalo kang pumapangit!" HAHAHA

" Ah ganun!!" akmang susuntukin niya na sana ako kaso pinigil ko sya.

"H-hey! Ito na mag-kekwento na."
Mabuti na lang di niya tinuloy. I tell her everything about dun sa pagkikita namin sa park at yung pagkain ko ng isaw na hindi niya sukat akalaing magagawa ko, hanggang ngayon sa pag-aya ko kay Lou na mag coffee.  Ang gaga parang kiti-kiti na kinikilig hahaha.

"Mas magiging masaya ako pag naging kayo na talaga Gabbie." Aww na tats namen eke. Hahaha

"Thank you Trey kasi lagi kang anjan para sumuporta" sabay hug ko sa kanya.

" Oi! Oi! Sali me!!" tili ni Jay at dinamba kami ni Trey

Napatawa na lang kaming tatlo sa kabaliwan namin. I'm so grateful to my friends kasi di nila ako iniwan kahit minsan napapasobra na ako sa mga banat ko sa kanila. Pilit pa rin nila akong iniintindi at sinusuportahan sa kabaliwan ko.

----

"Upo po muna kayo, hintayin niyo na lang po si Ma'am Lou pababa na rin po yun" nakangiting turan ng kasambahay nina Lou.

" Okay salamat po manang " pasalamat ko sa katulong nila. Ngumiti ulit ito bago ako iwan sa living room nina Lou. Maganda ang bahay nila malaki rin naman pero mas malaki yung bahay namin pero malungkot nga lang.

"Ui Gabbie!" masiglang bati ni kuya Lance older brother ni Lou. Niyakap ako nito. Matagal na kaming magkakilala ni Kuya Lance dahil na rin sa mga business gatherings that I had attended.

"Hi kuya! Long time no see"

" Kaya nga na miss kita kulit" sabay gulo sa buhok kong shoulder length ang haba.

"kuya naman not my hair" pagmamaktol ko

"di bagay sayo Gabbie hahaha " Tinawanan pa talaga ako. Kung di ka lang talaga kapatid ng mahal ko.

"So what brought you here?" tanong ni Kuya Lance.

"A-ah k-kasi kuya an-" di ko natuloy kung anu ang sasabihin ko nang biglang mag ring ang phone nito.

"Teka lang Gab ha" sabi niya bago sagutin ang tawag at lumabas. Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamasid sa mga nadisplay sa bahay nila.

"Sorry natagalan ako  kanina ka pa?" Pumihit ako paharap sa taong nag sasalita ngayon. Napatulala ako sa kagandahan niya kahit simpleng damit nagmumukha pa rin siyang modelo sa paningin ko.

"Ahmm Gabbie" pukaw sakin ni Lou.

"A-ai sorry" kamot batok kong sabi sa kanya. Kahiya naman nahuli pa tuloy akong nakatulala sa kanya. Mabuti na lang hindi tumulo ang laway ko.

"Oh! San punta mo bunso? " si kuya Lance habang papalapit sa pwesto namin.

" Sa coffee shop lang kuya" sabat naman ni Lou.

" I see, sige ingat kayo, Gabbie take care of my sister okay" si kuya talaga. Kahit di mo sabihin Kuya gagawin ko yun.

"O-opo kuya" nauutal kong sagot

----

We're here sa coffee shop malapit sa school. Gustong-gusto ko talagang tumambay dito dahil sa relaxing na yung ambiance masarap pa yung coffee nila dito.

Magkaharap kami ni Lou pero yung tingin niya nasa labas ng coffee shop. Haiii..

"Ang layo naman ata ng tingin mo" pukaw ko sa kanya. Ngumiti ito pero hindi abot sa mga mata niya.

"May iniisip lang"

"Siya ba? " referring to his ex

"Ha?" naguguluhang tanong niya

"Siya ba yung iniisip mo?"  tila nakuha naman nito ang gusto kong ipahiwatig. Tumitig ito sakin bago yumuko.

" yeah"

"L-lou"

" I can't get him out of my head specially here" turo niya sa puso niya. This time ako naman yung napayuko. Huminga muna ako bago nag-angat ng ulo

"P-please kayanin mo Lou" Napa-angat ito ng tingin at sinalubong ang mga titig ko.

"G-gabbie" nagtataka ang mga mata nito.

" Namimiss ko na ang masayahing Lou. Yung totoong saya na nakikita ko sa mga mata mo tuwing ngumingiti ka. I can't stand seeing you like this anymore Lou. Nasasaktan ako "  di ko na napigil ang emosyon ko.

"W-why are you saying this Gab?"  Naguguluhang tanong nito sakin.

" K-kasi" kinakabahang sabi ko

" What?" Si Lou. Pano ko ba to sisimulan??

"A-ano k-kasi" nakapikit na ako ayokong salubungin ang tingin niya

"Ano?" Tila na iinis na ito

"L-lou ano k-kasi" ito na ba talaga ang oras para umamin ako sa feelings ko sa kanya? Hindi ba masyadong madali naman ata? Haiii. Bahala na...

Never Too LateWhere stories live. Discover now