SHN9Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling beses kumain at lumabas ng kwarto. Basta ang alam ko lang..
Ayoko na nitong nararamdaman ko.
"Gab anak please open the door. You need to eat dear." si Mom.
Alam kong kanina pa siya nakatayo sa labas ngunit hindi ko ito binibigyan ng pansin
Patuloy lamang ako sa pagtitig sa kawalan.
"Gabbie please Nag-aalala na kami sayo ng Daddy mo. Please anak si Mommy to" Halata sa boses ni Mom ang sobrang pag-aalala,lungkot at pagod. Kaya I tried to stand and headed to the door at pinagbuksan siya. Dali-dali niya akong niyakap at nagsimula ulit maglandas ang mga luha ko.
"M-mom" I felt so helpless in the arms of my mother.
I need her...I badly need her.
"Shhhh Mom is here baby." pag-aalo niya sakin "Anong nangyari?" tanong ni Mom
Kumalas ako sa yakap niya at tumungo sa kama ko. Umupo ako doon habang siya nama'y umupo rin sa tabi ko. I told her everything. She knew about my feelings for Lou silang dalawa ni Dad. Kaya okay lang sabihin sa kanya lahat.
" Baka nabigla lang si Lou sa nangyari anak siguro mas mabuting bigyan niyo muna ng time ang isat-isa para naman if ever na magkita kayo makapag-usap kayo ng maayos"
Napatango lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kong gugustohin ko pa bang magkrus ang landas naming dalawa.
"Magiging okay rin ang lahat baby" Si Mom gabang kulong ako nito sa kanyang bisig
Pilit akong kumalas sa yakap niya at hinarap ito. Tinitigan ko siya gamit ang namumugtong mata.
"Bakit?" tanong nito
"wala ka bang work?"Nagtataka ako at hindi bat dapat wala sila ngayon dito. Nasanay na kasi akong pinaghahanda lang ng pagkain tas aalis ulit.
"Meron but I want to spent more time with you. Si Dad mo naman pumasok sa Company alam mo naman na sobrang busy nung Dad mo ngayon."
"I'm okay na naman po. You don't have to worry na, kaya ko na po Mom. " pag-aasure ko sa kanya.
" Basta no matter what baby Mom is always here for you okay? mahal na mahal ka namin ng Dad mo. Alam naming nagtatampo ka kasi lagi kaming wala sa tabi mo pero Anak lagi mong tatandaan malayo man kami ng Daddy mo lagi ka namang nasa puso namin Anak ko . " then she kiss me in my forehead. I'm so thankful kasi she's here for me sa ganitong sitwasyon I'm blessed that she's my Mom si Dad na rin.
----
" So why are you here?" di ko pa rin siya sinagot at ininom lang ang inorder kong alak." Alam mo kanina pa ako nagsasalita dito" tila naiinis na sakin.
"Hindi ko sinabing kausapin mo ko."
" Ang sungit mo you know that?" Napalingon ako sa kanya... at....
T-teka A-anghel ba s-siya?
Sobrang ganda niya.
"Cat got your tongue?" naka-smirk niyang sabi. I clear my throat. Napahiya pa ata ako.
" Nways I'm Denise " nakangiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
"Gab" pagpapakilala ko bago ko tinanggap ang kamay niya. Ang lambot..
" So why are you here? Please sagutin mo na this time" pa irap niyang sabi. Napangiti naman ako.
" Bakit nagpupunta ang tao sa bar?" I asked her instead
" Ahhmm Because they want to get wasted? Mag enjoy magpakalasing?. Teka nga ba't ko ba sinasagot tanong mo? I am the one who's asking here. " naiirita na talaga siya sa tono ng pananalita niya
Di ko na napigilang matawa sa itsura niya.
" Hahaha.. S-sorry hahaha. " hinahampas naman ako nito sa braso.
"Kainis ka talaga!" sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagpalo sa braso ko.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng ilang costumers.
" Hoy tama na masakit na" reklamo ko sa Kanya habang pinipigilang matawa. Mabuti naman at huminto ito at tinuon na lang ang pansin sa kanyang alak.
Madaldal talaga ang babaeng ito. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. She's a fresh grad sa kursong HRM at nagsisimula na siyang mamahala sa negosyo nilang Restaurant. May dalawa siyang kapatid si Denver ang sumunod sa kanya at si Daven naman ang bunso. Marami pa siyang kinwento mukhang hindi na inabsorb ng utak ko sa dami.
" Thank you" I sincerely said to her ng makalabas kami sa bar
" Thank you? For what?" tanong niya
" For saving my night" natatawang sabi ko
" Mukha ba akong superhero sa paningin mo? Pero sige walang anuman." natatawa din niyang sabi
" Ahh hatid na kita?" offer ko sa kanya
" No thanks. Baka itapon mo pa ako sa ilog hahaha " sagot niya
" Ang harsh mo" nakalabi kong sagot
" hahaha joke lang kaya ko namang mag drive, so panu una na ko. It's really nice meeting you Gab. Smile more often mas lalo kang gumagwapo sa paningin ko" humalik muna ito sa pisngi ko bago tumungo sa kotse niya at pinasibad.
" it's so nice meeting you too Denise" bulong ko sa hangin
I'm glad she was there para kulitin ako. Kahit papano nalimutan ko ang lungkot at sakit na nadarama ko 2weeks ago at pansamantalang nalimutan si Lou.
Pumasok ako sa kotse at sinandal ang ulo sa manibela.
I tried to closed my eyes to control my emotion but then again I failed.----
Eyyy. Ito na po ang update.. Pasensya po hindi ako nakapag UD nung nakaraan. Hinayupak na Allegry yun lakas ng loob haha😂😂And Thank you pala sa nagvovote I really appreciate it loves Salamat kasi pinapalakas niyo loob ko ipagpatuloy ito. Salamat talaga😘
💙
YOU ARE READING
Never Too Late
Fanfiction"Enough! Naiintindihan ko kaya please shut the fck up!! " Intersex gxg story po ito if di niyo bet huwag na ipilit ano po 😂 Kung anu man po ang mababasa niyo rito ito po ay purong imahinasyon lamang nang ambisyosang author na ito. So yeah😂