7

353 20 0
                                    


" Alam mo minsan ang hirap mong basahin" untag ko kay Lou. Nandito kami ngayon sa park sa tambayan ko. Oo tambayan ko! Akin to akin! Hahaha

" Hindi ako libro kaya huwag mo kong basahin" sabay irap niya. Wow lang talaga. Sarap ipok-pok nitong librong hawak ko sa ulo niya syempre joke lang yoko pa mamata no

"Ba't panay irap ka? " Sinagot niya ako pero hindi ito tumitingin sakin. Nagseselos na tuloy ako sa librong binabasa niya.

"Kasi ang weird mo" sagot nito ngunit hindi naalis ang tingin sa librong binabasa.

"I'm not!  " mabilisang sagot ko dito

" Oo kaya!"

"Ang sama mo!"

"ikaw rin naman ah!"

"Ang sungit sungit mo! ."naiinis na sabi ko sa kanya

"Alam ko yun Gabbie "simpleng tugon nito. Malamamg matagal na niya itong alam. Masungit talaga siya at sa akin lang talaga.

"You know what aalis na lang ako. Maghahanap ako ng kausap yung tipong gugustohin akong makasama at makausap ng matagalan kasi parang hindi naman ikaw ang tao na yun eh. " pagdadarama ko dito. Malay mo naman diba kumagat sa arte ko at lambingin ako hehehehe.

Hinintay ko ang sagot niya. Ang Sarap niya kasing asarin hahaha. Napatingin agad ako sa kanya nang hindi pa sya sumagot. Nakayuko na sya at nakatiklop na rin ang binabasa niyang libro.

"Hey you okay?" hindi sya ulit sumagot. Nagsimula na akong mag panic ng makita ko ang nagbabagsakan niyang mga luha.

"H-hey stop crying na, I was just joking around" tumingin sya sa mga mata ko. At niyakap ako. God! I can live forever in her arms. Hinahagod ko ang likod niya para pakamahin siya. Naman oh! Panira pa yung acting ko napaiyak ko siya tuloy!

"Lou shhhh I'm sorry I didn't m-" she cut me off

" huwag mo nang uulitin yun kundi sasamain ka sakin" sumisinghot na sabi niya. She's so cute right now. Kaya ang ginawa ko pinangigilan kong pinisil ang pisngi niya.

"Hahaha you're so cute Lou"

"Alam ko matagal na" Wow ulit parang hindi galing sa iyak ah.

"Ang yabang"

"I'm just being honest" Napangiti na lang ako. How can I unloved this girl beside me? Kakayanin ko ba yun?

"Tara kain tayo?" I asked

"Hmm okay kay manong Isawan?" tanong niya with a smirk on her face. Damn! Isaw na naman. Wala ba tong ibang alam na kainin??. Nahalata niya siguro ang pagdadalawang isip ko kaya nag salita na sya.

"So game??"

"G-game" Kahit labag sa loob ko eh sige na epush na natin at baka ma in love na rin tong babaeng ito sakin.

Naglakad na kami papunta kay manong isawan. Gusto ko na ata tumakbo.

"Hi po manong" si Lou

Ngumiti si Manong at binati kami pabalik. Sinabi na rin ni Lou yung gusto niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita ito. Ang ganda niya talaga. Mabait, Minsan makulit madalas masungit hahaha. I can't keep myself to adore her more.



--
Naglalakad-lakad lang kami ni Lou dito sa Park. Talking some random stuffs. I wish ganito lang kami lagi masaya lang at walang ibang inaatupag kundi ang mag enjoy.

She's really something. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakakama at nakilala ko. Siya yung babaeng iingatan mo. Yung babaeng gusto mong maging ina ng mga anak mo. Yung makakasama mo hanggang sa pagtanda.

"Gabbie okay ka lang?" nabalik ako sa katinuan nang biglang magsalita si Lou

"H-huh?"

" I said are you okay?"  I give her a reassuring smile saying that I'm okay.
Nagsimula ulit kaming maglakad not until...

"Gabbie!!" And there's Trish approaching us...Oh no!

"Hi baby!" naglambitin ito sa leeg ko at humalik sa labi ko. Patay..

" I missed you" malanding sabi nito.

"T-trish" nauutal na sabi ko habang kinakalas ang kapit niya sa leeg ko. I turn my gaze kay Lou and she's looking at us blankly. Damn!

"Una na ako" Paalam ni Lou.

"W-wait Lou" habang pigil ko ang kamay niya

"Let her baby, let's go to my pad and have some fun" Tangina naman.

"Pwede bang manahimik ka muna!" singhal ko kay Trish. She pouted. I admit she's cute but argh! Lou is here atas importante siya kesa sa babaeng ito.

" L-lou h-hatid na kita" Her stare is still the same... emotionless as fck.

"No you stay here. Kahiya naman sa kasama mo" I don't know what's going on but I can feel the sarcasm in her tone.

"See let's go baby" at lumingkis ulit sa braso ko. Damn you Trish!

" No I'm coming with  Lou" there is authority in my voice. Gusto kong ipaalam na seryoso akong  samahan si Lou pauwi.

"But baby.." Trish said

"Please Trish let's talk some other time" bakas sa boses ko ang pagka-irita

"Fine! But promise me you'll visit me in my pad." I'll just nod para matapos lang talaga tong usapan na to.

"Good bye baby" wala na akong nagawa nang halikan niya ako uli sa labi at umalis na... hindi man lang ako naka-iwas sa halik niya. Anu ba naman yan.

"Ano na?! Let's go!" sigaw sakin ni Lou na nag pagising sa diwa ko


What's wrong with her??..

----

Babawi talaga ako ng tulog!!😂
Kaya ayan lang po muna loves ha bawi ako pag natapos ko na yung dapat kong gawin. Hahahaha

Matutulog na talaga ako mwahh nighty nighty
💙

Never Too LateWhere stories live. Discover now