" Hoy! Ano yung nabalitaan kong may chix kang kasama last week ha?!" Daldal talaga nitong babaeng to.
" Trey naman yung bunganga mo! Hindi ko chix yun ano ka ba! new friend ko yun si Denise" Pagpapaliwanag ko dito
"Kung hindi pa sinabi sakin ni Jay hindi mo talaga sasabihin ha ganun?" Pahamak talaga ang baklang yun sinabi ng huwag sabihin eh
" Hindi naman sa ganun Trey nalimutan ko lang talagang sabihin sayo tsaka gusto kong ipakilala siya sayo ng personal"
"Umamin ka nga ginagamit mo ba yung tao para malimutan si Ate Lou?" Segunda nito.
Ginagamit ko nga ba?
'Natutuwa akong kasama siya. Nalilimutan ko panandalian ang sakit na nandito sa loob ko pero h-hindi ko siya ginagamit para sa pansariling kapakanan ko mabuti g tao si Denise kaya hindi ko yun magagawa sa kanya '
"Trey para ko ng kapatid si Denise siya yung Ate na wala ako kaya kung ano man yang iniisip mo tigilan mo na okay. Isa pa masyadong malalim ang pagtingin ko kay Lou hindi ko nga alam kong makakaahon pa ba ako" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Gabbie.. Alam kong masakit pa rin pero di ba tapos na nasabi mo na.. kaya tanggapin mong talo ka pero huwag kang magalala nandito naman kami para sayo." nakangiti nitong sabi sa akin bago ako niyakap nito ng mahigpit
"T-Trey k-kaya ko naman basta ba h-huwag na muna kaming magkitang dalawa" nakangiwing sabi ko dito.
" Alam mong magkikita at magkikita pa rin kayo kaya dapat mag handa ka ng lakas ng loob para hindi ka mag mukhang kawawa"
" M-mukha ba talaga akong kawawa hindi naman ah ang gwapo ko kaya" inirapan akko nito.
"Huwag ako Gabbie"
"Umalis ka na nga!" tulak ko sa kanya.
---"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko kay Denise. Nandito ako ngayon sa Cafeteria tumatambay wala na kasi akong klase kaya dito ko na lang hihintayin sina Trey.
Ngumiti muna si Denise bago lumapit sakin. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante dito at sino ba namang hindi mapapatingin sa kanya. Para itong isang model kung maglakad sobrang ganda ng katawan sobrang ganda pa ng mukha kaya hindi mo rin sila masisisisi.
Humalik siya sa pisngi ko bago umupo sa tabi ko.
" I missed you" bulong nito sa tenga ko. Malamig ba talaga dito sa Caf o sadyang nanindig ang balahibo ko sa bulong niya
Tiningnan ko siya ng masama. Nakuha niya naman ito kaya umayos ito ng upo.
"You should have texted me hindi ka na sana pumunta dito" Naiinis ako sa kanya pano ba naman kasi ang lagkit ng mga tingin ng mga lalake sa kanya.
"Bakit ka naiinis?" nakangiting saad nito
" Bakit hindi mo tingnan ang mga hayop na yan" turo ko sa mga estudyanteng nakatingin o let me say nakatitig sa kanya. Tumawa muna siya bago ako pinitik sa noo.
" So nagseselos ka na niyan?" nakangisi nitong turan
Ako nagseselos? Kung sya siguro si Lo.. Okay enough
"I'm not jealous okay ayoko lang sa mga tinginan nila sayo" pagkakalaro ko dito
"Umamin ka na kasi" pangungulit nito
"Denise naman tumigil ka nga" saway ko sa kanya
Tumawa siya ulit bago sumandig sa balikat ko. Hindi ko naman ipagkakaila na sobrang close na naming dalawa kahit sabihin na nating last week lang kami nagkakilala ni Denise sa bar. Araw-araw ako nitong kinukulit na hinahayaan ko na lang dahil lalo ka lang niyang kukulitin kapag sinasaway mo siya.
" Hindi mo pa pinapakilala si Lou sakin kapatid" pukaw niya.
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Paano ko naman ipapakilala eh hindi nga kami ayos nun. We don't even see each other matapos ang confession ko sa kanya. Kaya Malabo ang gusto niyang mangyari. Ginulo ko ang buhok niya.
" Huwag kang mag-alala Ate may ipapakilala naman ako sayo... hindi nga lang siya" mapait akong ngumiti sa kanya.
"Hayaan mo hahanapan kita ng jowa" natatawang sabi nito. Pinandilataan ko naman siya ng mata kaya napaayos ito ng upo. "Ito naman I'm just kidding ya know"
Natawa ako sa itsura niya para siyang sira nakapout pa talaga.
"Putolan na kaya natin buhok mo Gabbie humahaba na kasi oh!"
"Huwag mo ngang guluhin buhok ko." reklamo ko sa kanya. Lagpas balikat na kasi ang haba ng buhok ko eh ayoko pa munang putolan nagagandahan kasi ako tuwing tumitingin ako sa salamin. Haha
"Hey hey hey! What's happening here" si Jay kasama si Trey na nakatingin ngayon kay Denise. Tumayo kami ni Denise at hinarap sila
"Guys si Denise nga pala and Ate si Jay at Trey bestfriends ko" pagpapakilala ko. Nakipagbeso sila sa isat-isa at laking tuwa ko ng hindi sila naiilang makipag-usap parang ako pa nga yata ang na out of place sa aming apat. Pano ba naman para silang magkakaibigan na sampung taong hindi nagkita. Dagdag sakit ng ulo
Haii!... Mas lalo yatang gugulo ang buhay ko nito.
---
Ha! How you like that....😁 di ako makapag move on telege haha
Pero pasensya na agad loves ha sobrang busy sa work. Nakakapagod talaga mag-isip Ngayon. Bawi ako sunod😊 Sa ngayon enjoy niyo muna MV ng Blackpink hahaha.
YOU ARE READING
Never Too Late
Fanfiction"Enough! Naiintindihan ko kaya please shut the fck up!! " Intersex gxg story po ito if di niyo bet huwag na ipilit ano po 😂 Kung anu man po ang mababasa niyo rito ito po ay purong imahinasyon lamang nang ambisyosang author na ito. So yeah😂