CHAPTER 16 "PASTer"

72 3 1
                                    

CC's POV

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko...

nabawasan ang kabang nadama ko nung nakita kong kasama naman pala ni Ian at Kyla si Aira.,at mukhang maayos din naman ang kalagayan nito.. ang dapat ko na lang intindihin ngayon ay kung paano tatakasan ang letseng to na feel na feel ang pag-akbay sa akin. ngiting-ngiti ang loko.

alam nyang nauto niya ako, at alam din niyang malaki ang posibilidad na magtagumpay siya sa kung ano man ang plano niya sa akin ngayon.

wala siyang pakialam kahit na maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya.. mukha ngang mas nagugustuhan niya eh.

bahagya kong ginalaw ang aking balikat para matanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin, ngunit hindi siya natinag sa halip ay mas hinigpitan niya pa at diniinan ang pagkaka-akbay dito dahilan para masaktan ako, ngunit hindi ko ito ipinakita sa kanya dahil baka mas lalo lang siyang magkaroon ng lakas ng loob para saktan ako

tss..may mga ganyan pala talagang uri ng tao na mas lalong natutuwang pahirapan ang kapwa nila pagnakikita itong nasasaktan..

''gusto mo bang dito na natin gawin?'' tanong niya sa akin pero diretso pa rin ang tingin niya sa kanyang nilalakaran sasagot sana ako sa kanya,ang kaso nga lang nakita ko ang papalapit na grupo nila Pamela.. malakas ang tawanan nila habang nagkwekwentuhan, pero nang makita nila kami ay natahimik sila at napatigil--ngunit hindi si Pamela dahil imbis na tumahimik lang at tumigil ay nakangiti ito at lumalakad patungo sa direksyon namin..

''oh.,hi CC'' sabi nito gamit ang kanyang oh-so-sweet-angelic-voice tapos ay tumingin sya sa lalakeng kasama ko

"CC??" dinig kong bulong ng katabi ko

"tss...so your still using that name huh??" may diin at mapait nyang sabi sa akin..

''you are with someone pala.,mind to introduce your friend?'' tanong niya, ako lang ba o talagang nakakairitang pakinggan ang boses ng babaeng ito. Atsaka kelan pa kami naging magkaibigan?? eh wala nga tong pakundangan kung mang-isnab eh -_____-

''well.,Im Pamela and you are??'' sabi niya sabay lahad ng kamay dito

''James'' sabi niya at ianbot din ang kamay ni Pamela..

''I never thought na may ganitong ka-hot na boyriend itong si CC.,napakamasikreto kasi niya hahaha''

''I'm not his boyfriend pero I agree na talagang may pagkamasikreto talaga ang babaeng ito'' sabi ni James at nadama ko na mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin tipong dinudurog niya ako sa pamamagitan lang ng isa niyang kamay

''Do you want to join us??.,we're going to hang-out kasi today'' sabi niya at tinuro ang mga kaibigan niya na hindi pa rin umaalis sa pwesto nila kung saan sila natigilan kanina

'Nahh.. maybe some other time.,actually we're in a hurry, right Carla?'' tanong niya habang pinipilit na sumang-ayon ako sa mga sinasabi niya.pero nanatiling tikom ang bibig ko

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon