CHAPTER 23 "Confession"

32 2 0
                                    

CC's POV


Sabi nila lahat ng bagay natututunan kaya heto...



Tinuturuan ko ang sarili na iwasan siya


Tinuturuan ko ang sarili ko na magalit sa kaniya


Tinuturuan ko ang sarili ko na lumayo



Pero papaano mo nga ba iiwasan ang isang tao na siya naman ding kusang lumalapit sa iyo.


Paano ka magagalit sa taong nagiging dahilan ng lagi mong pag-ngiti


Paano ka lalayo sa taong kahit anong tulak mo sa kaniya-kahit anong taboy mo sa kaniya ay walang ibang ginagawa kundi ang bumalik sa iyo...



Si Ryu...

Parang yoyo..

Kahit anong tulak ko sa kaniya palayo, kahit na anong taboy ko pa sa kaniya still at the end of the day ay bumabalik pa rin siya...




Hindi naman ako tanga sa nararamdam ko at ipinaparamdam niya sa akin. Kaming mga babae malakas ang instinct namin, ang gusto lang naman namin ay marinig mismo mula sa mismong bibig kung totoo o hindi ang naiisip namin.., madalas din kasi kaming naaakusahan na 'ambisyosa' o 'feelingera' at masakit din yun para sa ego namin. Kala nyo ba lalaki lang ang may ego???




Inihinto niya ang kotse at nakangiting tinitigan ako, hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa aking hita.




"Tara?" aya niya sa akin


"Ryu..." buntong-hininga ko, ngumiti lang muna siya sa akin bago binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.



Mahigit limang minuto ang nakalipas bago niya kinatok ang bintana sa tabi ko.


"Tara na CC" aya niyang muli sa akin


"Pwede bang ibalilk mo na lang ako sa school, may importante pa kasi akong gagawin" pag-rarason ko


"Please...lumabas ka na muna diyan at dito na tayo mag-usap"


"Ryu, please" mahinang sabi ko, binuksan niya ang pinto at inabot sa akin ang kamay niya. At wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay niya.


"Alam mo talagang marami pa akong gag-" naputol ang sinasabi ko ng makita kung nasaan kami. puno ng maliliit na damo ang paligid at may iba't-bang klaseng bulaklak din. Mataas man ang araw ay hindi mo mararamdaman dahil sa mga puno na nasa paligid nito. Ang dating ng ambience ay parang sa ibang bansa.

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon