CHAPTER 24 "Hindi"

27 1 0
                                    



"CC!!! MAHAL KITA" isang beses niya pang muling isinigaw. Isang luha ang umalpas mula sa mata ko.


Para akong tanga. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako umiiyak gayong sa tingin ko naman ay walang dahilan pero sa kabila nun ay may ngiting gumuhit sa aking labi.


"CC" pigil sa akin ng lalaking dahilan ng pag-katanga ko ngayon. Mahirap lokohin ang sarili. Mahirap magsinungaling sa sarili mo na wala kang alam kahit na sinasampal na sa mukha mo ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Yung mga bagay na ikinakatakot mo.


Katotohanan.



Ang tanong bakit nga ba nakakatakot na malaman ang katotohanan???



Bakit nga ba nagiging masakit?




Isang mahigpit na yakap ang nakapagpigil sa akin sa paglalakad. At parang yun ang nag-trigger sa akin para umiyak.


Naiiyak ako sa sobrang saya at lungkot... Pwede pa lang maramdaman ng isang tao yung ganon?



Isang positive at negative emotion, nagsama??  Normal pa kaya ako?



"huy, bakit ka umiiyak." Pag-alo nya sa akin



"Sorry na kung nasigawan kita...ikaw naman kasi eh laging si Ian na lang"



"dinadamay mo na naman siya" sagot ko sa kaniya



"at ipinagtatanggol mo na naman siya. Gusto mo ba yung mistisong-hilaw na iyon ha?"



"hindi" mabilis kong sagot, ano naman kayang hangin ang pumasok sa utak nito at naisip na gusto ko si Ian. Oo, gusto ko siya bilang kaibigan kasi alam ko at ramdam ko na totoo siya.



"Biglaan lang talaga ang pag-punta natin dito, ikaw kasi—kung hindi pa siguro kita pinilit na pumunta dito malamang kasama mo na naman siya" mababa ang tono niya "dapat nga hindi pa kita ngayon dito dadalhin eh, napilitan lang ako. Dapat surprise to eh, hindi talaga dapat ganito ang inaasahan kong mangyayari kapag dinala na kita dito. Tsk, nakakainis sira na tuloy yung plano" pagkausap niya sa sarili niya



"Huy, wala ka man lang bang sasabihin??" sabi niya sa akin habang hawak ang magkabilang-balikat ko, pinunasan ko na rin ang basa kong mukha. Nakakainis nakita niya akong umiyak.



"Narinig mo naman ba yung sinabi ko sa iyo kanina?" direkta sa mata ang tingin nya sa akin na tumagos sa buong pagkatao ko.



"Seryoso ako doon, kaya sana bigyan mo ako ng pagkakataon"



"Ryu, hindi..." gaya ng sagot kong hindi. Hind rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, natatakot ako na sa oras na tumingin ako ay baka mag-iba na rin ang magiging sagot ko.



"B-B-Bakit hindi?" bigong tanong niya



Bakit nga ba hindi? Sayang dahil hindi ko pwedeng sabihin ang sagot sa kaniya.



"Ano ba ang problema??  Wala ka namang boyfriend hindi ba?. Nabibilisan ka ba sa akin? Hindi naman kita minamadali eh, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na makapasok dyan sa buhay mo at ganun din ang gagawin ko sa iyo sa akin. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon" pagpapaliwanag niya...



"Ryu.." ang tanging nasabi ko



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon