CHAPTER 22 "Arms"

44 1 0
                                    

CC's POV

Halos sumabog ang puso ko sa ginawa niya….

Parang gusto nitong kumawala mula sa dibdib ko…

At pakiramdam ko ay tumigil saglit ang aking paghinga…

“Ano bang ginagawa mo sa akin?” sa wakas ay lakas-loob kong nasambit

Umiiling-iling siya muna bago sinabing “Ano ba ang ginagawa mo sa akin??” Isinabit niya sa likod ng aking tenga ang ilang takas na buhok, tapos ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila pa kung saan man na hindi ko alam.

Nang dumiretso kami ng parking lot ay mas lalo akong nagtaka. Tumapat siya sa isang black na sports car—isang napakagandang sports car. At sa kauna-unahang pagkakataon ay naingit ako…

Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang mainggit kahit kanino man, dahil naiisip ko na ano naman ang mapapala ko kung kaiingitan ko iyon diba? Kapag ba ako nainggit makukuha ko rin ba iyon? Dahil sa pagkainggit natin sa ibang tao ay nakakagawa tuloy tayo ng mga bagay na hindi naman dapat… Siguro dahil na rin ako yung tipo ng tao na walang pakialam.

Pero ngayon iba ito, napakababaw man siguro pero gusto ko rin ng ganito. Itaga nyo ito sa bato balang-araw bibili rin ako nang ganitong klase ng sasakyan…

“tara?” aya ni Ryu sa akin, nakabukas na ang pintuan ng passenger seat niya. Kinunutan ko lang siya ng noo bilang sagot.

“Saan ba tayo pupunta ha?? Alam mo bang may klase pa ako?” pagtataray ko sa kaniya, aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang aking palapulsuhan. “Pwede bang tumawad?? Pwede bang mamaya na lang?”

Bilang sagot ay binuhat niya ako at pabalang akong inilagay sa passenger seat at nilock agad ang pinto. Lalabas sana ako sa driver’s seat kaso nga lang mabilis din siyang pumasok agad. Nag-seat belt siya agad, binuksan ang makina nang kaniyang sasakyan at nagmaneho kung saan man patungo—hindi ko alam, at naiinis na ako!

Nakangiti siya nang lingunin niya ako kaya mas lalo akong napikon, ano bang nakakatuwa at nakangiti pa siya. Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon—bigla siyang naging seryoso...”Wear your seatbelt”

Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumingin sa labas ng bintana

“Wear your seatbelt” utos niyang muli sa akin, pero nanatili ang aking paningin sa labas. Hmp, bahala ka diyan…

Halos mapamura ako ng muntikang makipag-lips to lips sa kanyang dashboard, bigla ba namang ihinto ng lokong ito ang kotse.

“I told you to wear your seatbelt” mahinahon pa rin niyang sabi, nadagdagan na naman tuloy yung inis ko sa ginawa niya. Minabuti ko na lamang na hindi sumagot, maganda kasi iyon para asarin yung isang tao maingay. Yung tipong kahit anong salita niya dyan ay hahayaan mo lang. tignan ko na lang kung hindi niya iumpog yung ulo niya sa manibela..

“Hayy…” dinig kong buntong-hininga nya. Hahaha parang gusto ko siyang tawanan…see effective talaga!!

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon