CHAPTER 20 "Painter"

55 2 2
                                    

Mangha. Yan ang pinaka-una kong naramdaman nang buksan ni Ryu ang pinto. Hindi ko malaman kung saan ko ba ibabaling ang ulo ko. Kung ano ba ang una kong titignan…

Punong-puno ng iba’t-ibang klase ng artwork ang kwarto na to. Pakiramdam ko tuloy ay nasa loob ako ng isang museum.  

Ang buong kwarto ay napipinturahan din ng kulay asul. Sa kaliwang bahagi nito ay makikita ang mga drawing at painting, hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit sa mga drawing niya.

“Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng ito?” tanong ko habang tinititigan isa-isa ang mga gawa niya.

“oo” nilingon ko siya at nagulat ako ng makitang namumula ang kaniyang pisngi.

“Maganda ba?” siya naman ngayon ang nagtanong. Napaisip tuloy ako kung sasagutin ko ba ng ‘oo’ yung tanong niya, baka naman kasi mamaya ay lumaki ang ulo niya at yabangan pa ako pero kung sasabihin ko namang ‘hindi’ edi parang nagsinungaling din ako sa sarili ko, dahil sa totoo lang namamangha ako dito sa ipinapakita niya sa akin.

“Maganda ba?” ulit niyang tanong na ngayon ay nakalapit na sa akin, bilang sagot ay ngumiti na lamang ako sa kaniya. Ang unang ngiti na ibinigay ko sa kaniya—yung tipong walang halong kaplastikan.

Naagaw ng atensyon ko ang isang abstract painting, halu-halo ang kulay nito. Ngunit nagiging dominante ang kulay na asul a t pula tapos sa gilid nito ay itim, pakiramdam ko ay sa isang painting na yun ay ang dami ng gustong sabihin—ang daming ibig-sabihin.

“Clash”

“Clash?” Napalingon ako nang bigla siyang magsalita, pero nakatuon lang ang atensyon niya sa painting na nasa harap niya

Tumango siya “yan ang tawag ko diyan”

“Alam mo parang ikaw tong painting mo na to” sabi ko nang nakatingin sa kaniya

Lumingon siya sa akin “bakit naman?”

“para kasing ang dami mo laging gustong sabihin sa akin ang problema nga lang hindi ko maintindihan, parang ang dami mong sikreto, para tuloy napaka-misteryoso nang dating mo sa akin ngayon” bahagya pa akong napatawa, hindi ko alam  kung anong pumasok sa isipan ko at nasabi ko ang mga bagay na iyon sa kaniya.

Nahinto at tumikhim ako sa pagtawa ng mapansin na nakatitig lamang siya sa akin. Ayan na naman siya, tinititigan na naman niya ako gamit ang mga mata niyang nangungusap. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at inikot ang iba pang mga painting niya, pakiramdam ko ay biglang sumikip ang lugar na iyon para sa aming dalawa..

“Anong madalas mong maging subject sa mga artworks mo?” naisip ko lang para naman may iba akong matanong sa kaniya. narating ko ang dulo ng silid at doon ko nakita ang isang canvass na may nakataklob na puting tela sa tabi nito ay isang malaking bintana na may nakalagay na kurtina sa magakabilang gilid nito.

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon