CHAPTER 18 "With Him"

47 2 0
                                    

CC's POV

Mukha akong isang ‘walking mummy’ nang pumasok ako, halos buong katawan ko kasi ay balot ng bandage.

May mangilan-ngilan din akong pasa at galos sa aking mukha at sa iba pang parte ng katawan ko. Sinabihan din ako ng mga magulang ko na lumiban muna ngayon sa klase para naman mas mabilis na humilom yung mga sugat pero nagpumilit pa rin ako kaya sa huli ay nakapasok pa rin ako..

Mukha ng mga nag-aalala kong mga kaibigan ang sumalubong sa akin kanina paglabas ko ng bahay, sinundo ako nila Aira at Kyla, kasama pa nila si Ian na siya namang ikinagulat ko, may isa pa nga silang kasamang lalaki na hindi ko naman kilala sa pangalan pero pamilyar sa akin ang mukha.  At ang mas nakakagulat ay ‘KAIBIGAN’ daw yun ni Aira. Nakakagulat lang kasi—mabait naman si Aira pero hindi siya palakaibigan lalo na sa mga lalaki, kaya naman di lang ako agad makapaniwala na may lalaki siyang kaibigan at kasa-kasama niya pa ngayon. Pero ang mahalaga ay nang makita ko nang harapan na ligtas siya, ang akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Isang nakamamatay na yakap ang binigay nila sa akin na may kasamang batok, lihim na lamang akong napangiti, hindi ko inaasahan na may mga tao palang nag-aaalala sa akin.

Naisip nyo na ba minsan paano kaya pag isang araw ay namatay ka?’ 

May malulungkot kaya??

May iiyak kaya??

May pupunta kaya kahit isa sa libing ko??

May magluluksa man lang kaya??

O baka naman... WALA LANG. yung tipong eh ano naman ngayon kung namatay ka??’ ang masaklap pa niyan baka naman may ibang tao na tuwang-tuwa pa nung namatay ka...

Pero ang mahalaga buhay pa ako...hahaha

Buong araw ay inalalayan ako ni Ian or more like inaasikaso niya ako. mula sa pag-bitbit ng gamit ko, pag punta sa room, pag-upo, pagtayo, pagkain., masyado siyang mabait na tipong kahit ano ata ang hilingin ko ay gagawin niya, pati ata pangungulangot ko ay gusto na rin niyang gawin…

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin habang inaaalalayan akong makaupo

“chocolate cake sa akin”

“Kayo Kyla anong gusto nyo?”

“spaghetti and mango shake ang sa akin” Kyla answered without even looking at Ian, busy kasi siya sa pagpindot sa cellphone niya

“Burger sa akin at juice” sabi naman ni Aira

“sige” mabilis niyang sagot at agad ng pumila para umorder

“Ang sweet ni Ian ha, para kayong magboyfriend” panunukso sa akin ni Aira kaya naman napatingin ako sa kanya

“Sadyang mabait lang siya, alam nyo yan” sagot ko at sumandal ako sa upuan, medyo napakunot pa ang noo ko dahil naramdaman ko ang pagkirot ng braso ko.

“Ikaw nga eh, sino nga pala yung lalakeng kasama mo kanina sa bahay?” mapanuksong tanong ko dito

“kaibigan ko” kibit-balikat na sagot nito

“wehhh hindi nga?” pangungulit ko pang tanong parang ayaw kasing tanggapin ng utak ko na kaibigan lang niya iyon. Malay ko ba kung manliligaw niya diba, simple ang kagandahang taglay ni Aira, matalino pa at isang desenteng babae kaya di rin naman nakapagtataka kung may manligaw sa kaniya.

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon