CHAPTER 10 "Shooting Game"

87 4 0
                                    

Aira's POV

"finish or not pass your test papers forward"

WHOOOHHH

YEESSSSS

TAPOS NA!!!

sa wakas tapos na rin ang mga exam ko

agad kong tinignan ang wrist watch ko

paniguradong tapos na rin mag-exam sila CC at Kyla

kaya naman agad ko nang niligpit ang gamit ko

didiretso na lang siguro agad ako sa may kiosk

usually kasi dun ang meeting place naming tatlo eh

pagkatapos ay pupunta kami ng mall para kumain at magliwaliw o hindi naman kaya ay mag-momovie marathon kami sa isa sa bahay nang isa sa amin

pwede na rin akong makapagpahinga mula sa ilang araw na pagpupuyat kakabasa at kakaaral ng mga lessons

kaya naman ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghintay sa magiging result ng exam ko

sa totoo lang kahit na medyo mahirap yung exam namin ngayon eh

hindi ako kinakabahan na bumaba

katulad nang nasabi ko kanina alam ko naman kasi sa sarili ko na nagreview ako

"anong sagot mo sa number 8??"

"letter b"

"hindi ba d??"

"hindi ah ang layo naman nang sagot mo dun"

"Aira..,anong answer mo dun sa number 8? hindi ba d?"

napalingon ako dun sa kaklase kong tumawag sa akin

"C ang sagot ko" ngiting kong sambit sa dalawang kaklase kong kanina pang nagtatanong

kita ko namang kumunot ang noo nila

kaya pinaliwanag ko na muna sa kanila kung bakit yun ang naging sagot ko

wala naman silang ibang ginawa kundi ang makinig at tumango sa mga sinasabi ko

"ahhh...kaya pala yun yung lumabas sa calculator eh"

"galing mo talaga Aira..pwedeng pwede ka nang magteacher" puri ng mga kaklase ko

napangiti na lang ako sa sinabi nila

karamihan ng mga taong nakakakilala sa akin ang tingin ay magaling at matalino ako

My BOYFRIEND is My FRIENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon