02 | Districts |

52 10 2
                                    


This chapter is dedicated to the readers who look up at the stars and wish. ⭐

•••••

Azalea

Nandito na ako ngayon sa loob ng aklatan at kasalukuyang inaabot ang libro na patungkol sa ibat-ibang taktika sa pagkontrol at paggawa ng mahika.

Noong una, nagtatalo ang isip ko kung bakit kaya kong makapag palabas ng kapangyarihan. Sa madaling salita, isa akong Horudā. Ang kapangyarihan ko ay natural na lumalabas galing sa aking katawan. Samantalang si lola ay isang kyasutā. Isa siyang witch. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit kami nandito sa ika-6 na distrito, sa syudad ng Aeaea. Dito kasi naninirahan ang mga Witches and Wizards.

Dito sa Peleponnese, ay may kilalang anim na distrito.

Ang unang distrito ay ang syudad ng Aether. Dito namamalagi ang Hari at Reyna ng bansang ito. Sila ang nagpapanatili ng kapayapaan sa buong Peloponnese. Pinamumunuan ito ni King Eros at Queen Zanea Alistair.

Ang ikalawang distrito naman ay ang syudad ng Aeras. Ito ay pinamumunuan ng mag-asawang sina King Carlos at Queen Milan Campbell. Pinanghahawakan nila ang elemento ng Hangin dito sa bansang Peleponnese.

Ang ikatlong distrito ay ang syudad ng Neró. Ito naman ay pinamumunuan nina King Zacharias at Queen Thalia Sullivan. Sila naman ang nangangalaga sa elemento ng tubig.

Ang ika-apat na distrito ay ang syudad ng Gaia. Pinamumunuan ng mag-asawang nangangalaga sa elemento ng lupa. Sina King Henry at Queen Mary Brook.

Ang ika- limang distrito naman ay ang syudad ng Photia. Dito nananahan ang namumuno sa syudad na sina King Primo at Queen Xiera. Sila ang nagmamay-ari ng elemento ng apoy.

Ang ika-anim naman na distrito ay ang syudad ng Aeaea. Ito ay pinamumunuan ni King Efron at Queen Cataleya. Sila ang may pinaka mataas na lebel ng pagiging witch at wizard dito sa bayan namin.

Sabi sabi nga nila na dati daw ay pito talaga ang distrito dito sa bansa. Nagkaroon daw ng malaking hidwaan dati at umusbong ang mga rebelde. Kung sino ang namumuno at kung anuman ang dahilan? Hindi ko masasabi dahil kahit ako'y walang alam roon.

Ang distrito namin ay nahahati sa dalawa. Ang Aeaea Centre at ang Downtown Alley. Sa totoo lang, madali mo lang naman malalaman kung taga saang parte ng district 6 ang mga tao dito. Malalaman mo kaagad iyon sa kaanyuan nila at pakikisalamuha sa iba. Yung mga tao dito sa downtown ay karamihan itim ang buhok, may kulay lupang mga mata at kayumanggi ang mga balat. Mga banat sa trabaho, dahil hindi nabiyayaan ng karangyaan sa buhay. Samantala, ang mga taga Aeaea Centre naman ay may kakaibang kulay ng buhok. Iba iba, minsan matingkad pa nga. Pero ang maharlikang angkan dito ay nagtataglay ng kulay lilang buhok. Kulay lila ring mga mata at mapuputing balat. Sa Aeaea Centre din namamalagi ang mga mayayamang pamilya sa distrito. May nakasalamuha na rin akong iilan kagaya nga ng nabanggit ko noong mga una. Pero kahit taga Downtown Alley ako, ay naiiba pa rin ang aking kaanyuan. May white blonde akong buhok, matingkad na asul ang kulay ng aking mga mata at may maputing balat.

Kaya siguro ganun na lamang ang tingin ko sa mga nakapag-aral sa Stone Academy, mga taong nakahiga sa pera. Mga walang karanasan sa totoong paghihirap ng buhay. Pag mayaman ka, maaari kang makapag-aral at mas mahasa pa ang iyong kakayahan. Ngunit kung mahirap ka, maaari ka lamang makapag-aral sa mga pampublikong paaralan kung saan ituturo lamang sa iyo ang mga pangunahing kaalaman ng iyong kakayanan at kasaysayan ng buong Peleponnese. Kitang kita ang laki ng agwat ng pamumuhay.

°°°

Pagkatapos kung magbasa, napagpasyahan ko ng bumalik sa tindahan ni Manong Priseng upang kuhain ang aking mga gamit. Mag a ala sais na din ng gabi. Kailangan ko ng umuwi bago pa tuluyang magdilim.

"Azalea, buti naman at nagbalik ka na. Magsasarado na din ako. Ihahanda ko pa ang order na mga bulaklak para bukas. " bungad sa akin ni Manong Priseng.

"Ay opo, pasensya na po at napaghintay ko pa po kayo. Salamat po Manong Priseng. Mauuna na rin po ako." sabay dampot ng mga gamit kong iniwan kanina.

"Walang ano man Azalea. Mag iingat ka sa pag-uwi ah."

"Kayo din po." sabay labas ko na sa pinto.

°°°

Nang makarating na ako sa bahay, masaya akong sinalubong ni lola.

"Azalea apo, mabuti naman at nandito ka na. Dumating na ang resulta mula sa akademya. Halika't tignan mo." sabay abot sa akin ng isang sobreng puti na may kulay gintong nakapaligid sa gilid.

Pagkabukas ko ay may isang puting papel na naglalaman ng liham mula sa akademya.

STONE ACADEMY

Acceptance Letter


Dear Ms. Reed,

We are pleased to inform you that you have a place at the Stone Academy. All the necessary books and equipments are provided by the academy.

Terms begins on August 1, We await you by no later than July 26.

Yours sincerely,

Louisiana Hampton

Headmistress


Pagkatapos kung mabasa ang nilalaman ng liham ay biglang nagsalita si lola.

"Ano apo? Anong sabi? Natanggap ka daw?" Puno ng tuwa na pagtatanong ni lola.

"Opo, lola. Ang sabi pa daw po, Mag-uumpisa na ang klase sa unang araw ng Agosto. Kailangan ko daw pumunta doon bago mag 26. Bente kuwatro na ngayon lola. Dalawang araw na lang." matamlay na sagot ko.

"Ano pang hinihintay mo, kumain na tayo at matulog ka ng maaga. Ito na yung huling araw mong magtitinda sa sentro dahil bukas, ihahanda natin ang gamit mo patungo sa akademya."

"Opo lola"

°°°

Nung gabi ding iyon, hindi ako agad nakatulog. Malakas ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko ang pakiramdam na naidudulot nito sa akin.

Habang nakatingala sa bubungan ng aking kwarto, iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari sa akin pag nagsimula na kong mag-aral sa akademya. Noong una, nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko ba talaga. Panigurado akong wala akong magiging kaibigan doon dahil isa lamang akong mahirap. Hindi nila ako matatanggap sa kadahilanang iyon. Dahil hindi kayang makipag-sabayan sa karangyaan na tinatamasa nila. Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay ang talino at kakayahan ko. Pero may parte pa ding ng isip ko na siguro nga ay dapat kong sundin si lola at pumasok sa akademya. Marahil matutulungan din ako doon para malaman ng lubusan ang aking pagkatao. Matagal ko na rin namang alam na hindi ko kamag-anak si lola at hindi ako taga rito sa ika-anim na distrito. Halata naman sa itsura ko.

Bahala na bukas

at napag pasyahang pumikit na.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

A/N:

Greetings!
Just want to say thanks to Devi_lishly. For being a silent reader of this story. 🤍

Anyways, how's this chapter?
If you happen to like this one you can freely comment your thoughts and hit the star button. ⭐

Oops! You can also follow me for more fantasy stories. You can check it on my reading list. :)

Carpe diem!
- gngrcastle 💙

Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon