03 | Stone Academy |

50 9 4
                                    


This chapter is dedicated to everyone who wonders if I'm writing about them. I am. 🙂

•••••

Azalea

Kinabukasan, nagising na lang ako sa ingay sa loob ng aking silid. Nakita ko si lola na nililigpit ang aking mga damit at nilalagay sa isang bagahe.

"Lola, ako na po diyan. Kaya ko na po yan. Wag na po kayong magpakapagod pa." pambungad ko sa kanya.

"Apo, gising ka na pala. Okay lang ito, kayang kaya ko. Maliit na bagay lamang. Gusto ko lamang siguraduhin na wala kang makakalimutang gamit. Kung gusto mo akong tulungan, maghanda ka na lamang ng pagkain natin doon sa ibaba."

"Sigurado po ba kayo lola?" paninigurado ko.

"Oo naman apo."

Dali dali akong lumabas sa aking silid at nag prito ng itlog at nagsangag ng kanin. Sapat na iyon sa amin ni lola para sa agahan. Naghanda na rin ako ng tsaa para sa kanya.

Saktong paghain ko ng pagkain sa lamesa ay nakita ko ng pababa si lola.

"Lola, kain na po. Nakahanda na ang almusal." nakangiting paayaya ko kay lola.

"Tara na't kumain apo, dahil maya maya lamang ay aalis ka na rin patungo sa akademya."

Nagsimula na kaming kumain ni Lola Cora.
Habang ngumunguya ako ay bigla itong nagsalita.

"Azalea, pag pasensyahan mo na at hindi kita maihahatid sa akademya. Alam mo namang hindi ko na kayang bumyahe ng matagal sa tren. Mabilis akong mahilo lalo na't mabilis ang pagpapatakbo niyon." malungkot na sabi sakin ni lola.

"Okay lang po sa akin iyon lola. Mas mabuti nga na dito na lamang kayo sa bahay at magpahinga. Kaya ko po ang sarili ko. Maliit na bagay lamang iyon." nakangiti kong sabi kay lola para kahit papaano ay mabawasan ang pagkabahala niya.

"Basta mag-iingat ka palagi Azalea. Tsaka nga pala nilagay ko din doon ang kwintas mo. Pagkaingatan mo iyong mabuti. Importante iyon sa iyo." dagdag na paalala ni lola.

"Opo lola" masigla kong tugon sa kanya.

°°°

Nandito na ako ngayon sa Istasyon ng Tren dito sa Aeaea Centre. Ito lang kasi ang pang publikong sasakyan para makapunta sa ibang distrito dito sa Peleponnese. Umiikot kasi ang tren na ito sa anim na distrito. Ang Stone Academy kasi ay matatagpuan sa unang distrito, sa syudad ng Aether. Hindi naman ako mayaman para magkaroon ng sariling sasakyan para makapunta doon.

Narinig ko na ang hudyat ng paparating na tren. Nagsiakyatan na rin ang ibang mga pasahero. Medyo nahuli pa nga ako. Marami akong nakikitang mga estudyante na nakasakay. Marahil ay magpapasukan na din kasi.

Sumilip ako sa munting silid ng tren kung may bakante pa bang upuan. Mas maganda sana kung wala akong makakasama. Hindi rin kasi ako sanay makipag-usap sa iba.

Hanap ako ng hanap, hanggang sa makarating na ako sa dulong bahagi ng tren, wala akong nakitang bakante. Halos lahat ay may mga nakaupo na at grupo grupo pa. Nandito na ako ngayon sa pinaka dulo. May nakita akong isang babaeng may lilang buhok. Kakatok na sana ako para tanungin kung maaring makiupo ng bigla siyang napatingin sa gawi ko.

"Ahh. Hi? May nakaupo ba dyan sa harap mo?" tanong ko sabay turo sa upuan sa harap niya.

"Hello, wala naman, tara
pasok ka." nakangiti niyang paanyaya sa akin.

Nakita ko yung mga lila niyang mata. Bahagya akong natigilan at nag-alangan dahil alam kong galing siya sa isang maharlikang pamilya dito sa distrito namin. Tinignan ko lamang siya ng nag-aalangan.

Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon