05 | Briefing |

44 10 2
                                    

This chapter is for the ones who dream of stranger worlds.

•••••

Azalea

"Azalea! Wake up na. It's 8 in the morning. I to tour ka pa namin dito sa academy. And also, I bi brief na din about sa rules and regulation dito. " nakaranig ako ng sunod sunod na katok sa aking pintuan. Oo nga pala. Napagpasyahan kasi nila kahapon pagdating namin sa dorm na ililibot nga daw nila ako dito. Para hindi ko na kailangan yung map.

Hindi ako sumagot.

"AZALEA!" tumayo na ako habang humihikab at binuksan ang pinto.

"Grabe ka ! Ang tagal ng tulog mo. Anyways, good morning! Maligo ka na at ng makapag breakfast na tayo sa Dining Hall. Hindi kasi kami marunong magluto e. Hehe" pambungad sa akin ni Selene.

"Hindi na kailangan, ako na magluluto. May pagkain ba kayo dito?" tanong ko kay Selene.

Bigla namang lumitaw sa gilid si Chanel. "Wala, cup noodles lang and loaf bread. May orange marmalade din. Walang marunong magluto saming dalawa. Pero may box of fresh milk naman dito. Is that okay?"

"Pwede na yun. Sasamahan ko na lang kayo mamili ng mga kakailanganin. Ako na bahalang magluto ng pagkain natin."

kita ko sa mata nila ang saya.
Psh, maliit na bagay.

"Omg! Aza!!! We're sooo lucky to have you!!!!!!" sabay yakap sa akin ni Selene. Si Chanel naman, tatawa tawa sa gilid.

"Owkay? Tama na. Medyo nahihirapan na ako huminga." sabi ko sa pagitan ng pagyakap niya sa akin.

"Sorry Aza! I got carried away." tinanggal niya na ang yakap niya sakin ng nakangiti.

"I pe prepare na muna namin yung bread and Jam tsaka yung milk ah. Maligo ka na muna." sabay labas nilang dalawa sa pintuan ng aking silid.

At dumiretso na ako sa banyo upang maligo.

°°°

Tapos na kong maligo at kumain. Suot ko ang luma kong itim na pantalon. Nagkabutas na nga sa sobrang laba. At tinernuhan ko na lang ng puting kamiseta. Isinuot ko na rin ang isa sa aking sapatos yung combat boots. Dalawa lang kasi ang sapatos ko. Isang itim, isang puti. Nilugay ko na lang ang medyo alon at hanggang bewang kong buhok.

Nakalabas na kami sa dorm nila Selene at Chanel.

"So, andito nga tayo sa South Wing. Dito matatagpuan ang Dormitories. Nakikita mo ang building na yun. " sabay turo sa building na may nakasulat na GAMMA, color bronze ang font niya.

"Oo" tanging sagot ko sa kanila.

"Diyan ang dormitory ng mga estudyante sa Class C" sagot naman ni Chanel habang ako ay nakatingin lang sa kabuuan ng building.

"At ito namang building na nasa gitna ay ang dormitory ng Class B." turo ni Chanel sa isang building na may nakasulat na Beta sa silver na kulay.

"At ito namang kinatatayuan natin, ay ang Alpha Building. Dito ang dormitory ng Class A students." proud na proud na sabi ni Selene habang ngiting ngiti na tila mawawarat na ang pisngi.

"Aaaaahhh, Class A ka pala?"

"Oo naman no. Class A kaming dalawa ni Chanel."

Nagsimula na kaming maglakad ulit.
Ang lawak nga talaga dito. Tumikhim muna si Chanel bago magsalita.

"Na introduce na namin sayo ang dormitories ng mga estudyante. Kaya sa palagay ko may kaunting hint ka na din. Dito sa Stone Academy ang mga estudyante ay nahahati sa tatlo. Ito ang tinatawag na Class System."

Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon