06 | Sorting |

37 8 0
                                    

This chapter is for my mom and dad.
Couldn't have done it without your genetic material. Thank you!

•••••

AZALEA

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Ang sakit sa ulo ng orasan dito. Oo nga pala, nasabi na sakin ni Chanel kung anong mangyayari ngayong araw. Alas otso ng umaga ang agahan sa Dining Hall. Ala sais na ngayon.

Pagkalabos ko sa pintuan ng aking silid, nakita kong kakalabas lang din ni Chanel galing banyo.

"Good morning, Aza gising ka na pala. Maliligo ka na ba? Tulog pa rin ata si Selene. Gigisingin ko muna." sabi ni Chanel habang pinupunasan niya ang kanyang hanggang balikat na kulay lilang mga buhok.

"Magandang umaga rin. Sige, maliligo na muna ako." at pumasok na ako sa banyo.

°°°

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin. Pinagmamasdan ko yung repleksyon ko habang suot ang uniform ng academy, nang makarinig ako ng katok sa pinto.

"Aza?" si Chanel pala. "Tara na, lalabas na tayo."

Sinuklay ko muna saglit yung buhok ko. Hindi ko na siya tinali at hinayaan itong nakalugay. Binuksan ko na ang pinto at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay siya ring paglabas ni Selene na suot din ang kanyang uniform: checkered skirt, white polo at may itim na coat na may school crest. Ang pinagkaiba lang, may pin na nakadikit sa right side ng uniform niya na color gold at nakaukit ang full name niya at nakalagay kung saan siyang klase nabibilang.

CAMPBELL, SELENE C.
CLASS A


Ako kasi, wala pang pin ang suot kong uniform. Hindi ko pa kasi alam kung saang klase ako mabibilang.

"Aza, let's go

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aza, let's go. We need to get to the Assembly hall. Para malaman na natin kung saang class ka mapupunta." tawag sa akin ni Chanel at sumunod na lang ako sa kanila at sabay na lumabas ng dorm.




Bumukas yung malaking pinto. Naglalakad kami ngayon sa gitna. Bumungad sa akin ang isang malawak na hall. Marami ring ilaw sa gilid nito. Hindi ko na kasama si Chanel at Selene ngayon kasi alam na naman nila yung class nila. Nakita ko yung ibang bagong estudyante. Mukhang magkakakilala na sila. Mag-isa na ulit ako. Sabagay, sanayan na lang yan.

Naagaw yung atensyon naming lahat nang pumasok si Headmistress Hampton. Seryoso lang yung mukha niya. Naglakad siya sa gitna, at nagsitayuan naman yung mga estudyante na naroon na sa loob.

Sa loob ng assembly hall, marami akong nakita parihabang mga lamesa at may mga upuan. Doon nakaupo ang mga estudyante na ng academy na may sari sariling class na. Tumingala ako at nakita ko ang mga nagsisilakihang chandelier sa kisame.

Nandito kaming mga bago ngayon sa harap. May nakita akong ilang mga tao na pormal ang mga suot. Siguro ito ang mga propesor dito sa academy.

"Welcome back, students. The start of term will begin shortly. For those new students, before you take your seats, you will be sorted in your designated classes."

Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon