This chapter is dedicated for those who dare to hope. 🙂
•••••
AZALEA
Nandito ako ngayon, nakaupo sa vacant chair bandang dulo ng library. Hawak ko ngayon yung history book na nakita ko. Pagbukas ko ng libro, tumambad sa unang pahina ang;
STONE ACADEMY
A history
Pinasadahan ko lang ng tingin ang bawat pahina. Wala masyadong nakakuha ng pansin ko. Ang nakalagay lang naman dito ay kung kailan itinayo ang akademya, sino ang nagpundar at kung ano ano pa.Napag pasyahan ko na lang na isarado ang libro at ibalik ito sa kung saan ko siya nakuha. Maghahanap na lang ulit ako ng iba.
Kakabalik ko lang ng libro at naglalakad na ako. Lumilinga linga ako sa paligid at pinagmamasdan kung gaano kalawak at kaganda ang aklatan dito. Hindi hamak na mas triple ang laki nito kaysa doon sa aklatan na pinupuntahan ko sa bayan namin.
Habang tumitingin tingin ako, natabig ko si Priam na nakaupo sa sulok ng isang shelf.
"Sorry, di ko sinasadya."
"Tss"
Nagbabasa din pala to. Hindi ko inaakala na may ganto pala siyang hilig. Hindi halata sa itsura niya. Kung pagmamasdan mo kasi siya, siya yung tipo ng tao na tamad mag-aral, ilag sa tao at masungit. Siguro nga, totoo ang kasabihang "looks can be deceiving"
"Ikaw lang ba ang nandito?" tanong ko sa kanya. Tsaka luminga linga. Nagbabakasakaling makita sila Chanel.
"Are you blind? Stupid." sagot niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Naglakad ako papunta sa dulo nitong shelf. Medyo luma na rin yung mga libro sa part na to.
'Divination'
'The Elements'
'Stone Academy's Magical Places'
Kinuha ko yung dalawang libro; The Elements at Stone Academy's Magical Places
Napatingin ako sa librong kinuha ko. Medyo makapal din siya. May disenyo siya ng veins. Dinala ko na ito at umupo na rin sa dulo. Konti lang yung tao dito. Mas ayos na rin to.
Itinabi ko muna yung isang libro at binuksan ang tungkol sa elements.
Fire Element allows the holder to perform Pyrokinesis, the ability to manipulate and create fire. Fire Element tends to be the most destructive of all elements, with very few defensive properties. Fire Magic can be affected by the weather. When it's sunny and arid, the potency of Fire is enhanced while when it's raining, humid, or underwater, Fire Magic becomes difficult/impossible to use.
BINABASA MO ANG
Stone Academy
FantasyStudying at Stone Academy is a chance of a lifetime. It is a Magic School for those people who are privilege enough to afford the fee. For them, it is the opportunity to escape the life laid out for them since birth. But for Azalea Reed, having the...