12 | Strange Feeling |

43 5 1
                                    

To my Always 💓
You make saving the world magical.

•••

AZALEA

Kumakain kami ngayon ng lunch dito. Himala parang hindi yata nag-iingay ngayon si Selene. Tahimik lang kami ngayon. Medyo kakaiba to kumpara sa kadalasan naming araw. Dahil lagi silang nag-aasaran ni Harris tuwing kumakain.

Napatingin ako sa paligid at nakita ang ibang estudyante na kumakain. They cut their food elegantly, chew their food with grace. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala nila ako kagaya na lumaki sa marangyang pamilya. Panigurado akong itinuro sa kanila ang pagkain ng may class. Kung table manners lang din naman ang pag-uusapan, hindi naman ako bastos kumain. Hindi ako yung kukuha agad ng pagkain kahit wala pang nag uumpisa. Pero hindi ako katulad nila na mababagal kumain, given na kaunti lang naman ang nasa plato nila.

Pinagmasdan ko ang nasa plato ko. Napakarami nito. Lahat sila masasarap. Ito halos ang kinakain ko sa tagal ko na dito sa academy. Naalala ko si Lola. Kumusta na kaya siya sa bahay? Nakakakain kaya siya ng maayos?

"Wala ka bang gana kumain Azalea?" tanong ni Troy. Tinignan ko naman siya at umiling lamang.

"Busog ka ba Aza?" Si Chanel habang umiinom ng juice.

"Hindi naman, may naalala lang ako." nginitian ko sila ng bahagya at tinignan sila.

Lima lamang kami ngayon. Si Harris na ang takaw din kumain, si Selene na tahimik lang kumain, si Troy at si Chanel.

Napatingin ako sa bakanteng upuan. Wala si Priam. Hindi siya sumabay sa amin. Ang sabi ni Troy may gagawin daw. Kaya nagpatuloy na rin ako sa pagkain.

°°°

Natapos na ang lunch namin at bumalik na kami sa dorm namin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin lamang sa bintana. Gusto kong matulog pero masyado akong maraming iniisip. Sa tingin ko kailangan ko munang lumabas para ma distract.

Lumabas ako sa dorm namin at dumiretso sa Training room. Siguro nga dapat ibuhos ko na lang yung atensyon ko sa pag pa practice. Tutal malapit na rin naman na ang duel.

Nandito na ako sa pinto ng training room. Napansin ko, parang may tao na sa loob. Nang sumilip kasi ako, may nakita akong usok dito. Aalis na sana ako ng may nakita ulit akong nagbata ng mga fire balls sa kung saan. Siguro nasa loob ito ng isang simulator.

The energy is starting to fill the room. Pamilyar sa akin kung kaninong enerhiya ang nandito. Bigla na namang umusok. Maya maya pa ay humupa ito at nakita ko ang nakatalikod na Priam. Naka pantalon lamang siya at walang damit pang itaas. Pawis na pawis siya pero hindi man lang niya pinagkaabalahang punasan ang mga iyon.

Nakaramdam naman ako bigla ng init. Balak ko na sanang lumabas kaya lang pagkatayo ko, nasagi ko ang mga weapons na nakahilera sa lamesa. Halos mapamura ako ng lumikha iyon ng ingay.

Napatingin bigla sa akin si Priam. Nanlaki naman yung mga mata ko. Baka kasi kung ano ang isipin nito. Baka akalain niya na nag e enjoy akong panoodin siya.

Like wt hell?

"What are you doing here?" marahas na tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot.

"Why can't you answer me?" lumapit siya sa gilid ko at kinuha ang towel at shirt. Mas lalo tuloy akong hindi nakasagot. Pilit kong binabaling sa ibang direksyon ang mga tingin ko.

"Get out!"

"Ma-mag ti training ako." medyo nautal ko pang sagot sa kanya.

Nagsimula siyang magpunas ng katawan niya. Nakita ko yung iilang mga sugat niya sa katawan.

"Ma..may su..sugat k..ka" wala sa sarili na sabi ko.

"Being nosy this time?"

"May mga sugat ka nga!"

Natawa lang siya sa sinabi ko. "Ano naman?"

Tama nga naman siya. Ano nga bang pakialam ko.

"Umalis ka na. Wag mo na kong pakialaman."

Nakaupo siya sa sahig habang nakapatong ang tshirt niya sa balikat at nagpupunas ng towel sa ibang parte ng katawan.

"Dadalhin kita sa clinic." sabi ko pero hindi man lang niya ako tinignan.

"I said leave." monotone na sabi niya.

Napaikot na lang yung mata ko ng kusa. Kung hindi mo kailangan ng tulong ko, edi wag. Hindi ko rin naman gusto na tulungan ka. Lalabas na sana ako ng makita kong may inaabot siya sa lamesa niya na bandages at alcohol pero nahulog lamang ang mga iyon.

Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha ang mga nahulog. Baliw na talaga siya. Masyadong ma pride.

"Priam" tinawag ko siya na may blank expression. "Just this once, tumanggap ka naman ng tulong galing sa iba. Walang mawawala sayo kung ibababa mo muna sa ngayon yung napakataas mong pride."

Gumupit ako ng bandages. Saktong haba lamang para mabalutan yung mga sugat niya na dumurugo. Binuhusan ko nga siya ng alcohol pero wala naman akong narinig na reklamo sa kanya. Alam ko namang sobrang sakit nun. Pero hindi siya nagreklamo kaya pinagpatuloy ko na lang.

"You look innocent when you're too focused."

Napatigil naman ako bigla sa pag rolyo ng bandage sa braso niya. Parang nag re register pa sa utak ko yung sinabi niya. Nakatingin lang siya sakin na parang amused siya dahil ngayon lang niya nakita. Ano bang iniisip nito? Inaasar niya ba ko?

Nakita ko siyang ngumisi. " madalas ka kasing galit pag nakikita kita."

Wow, what a jerk.

Diniinan ko naman yung pag rolyo ko ng bandage sa braso niya. Napangiwi siya.

Huh! Serves you right.

Tumayo na ako at pinagpagan ko yung pantalon na suot ko.

"Knowing you, alam ko namang hindi ka marunong magpasalamat. Kaya walang anuman." sabi ko sa kanya tsaka tumalikod.

Naglalakad na ako palabas sa training room ng

"No, thank you Azalea"

Napatingin ako bigla sa kanya at nakaupo na ulit siya.

Okay? What was that? First time niya akong tinawag sa pangalan ko. And nag thank you siya. Parang may naramdaman akong iba sa tiyan ko. Natatae yata ako.

what's wrong with me?

Ang ganda pala ng pangalan ko. Parang ngayon ko lang na realize nung binanggit niya.

I shook my head.

Wtf Azalea, get a grip!

•••••

A/N: Good morning folks!

Don't forget to vote, comment and share if you happen to like this one.

Carpe Diem
- @gngrcastle 💙

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon