IMML II-4

6.7K 91 2
                                    

Kristine's POV

Hay nako!! Oo na, sya na ang sweet! Akala ko talaga nakalimutan nya na, buti nalang hindi. At kung nakalimutan nya talaga, yari talaga sya sa akin! Maa'uppercut sya sa akin. Gusto nyo sabihin ko sa inyo? Wag na, nakakahiya eh
.
Joke lang. Todo pagpapakasweet lang naman sya, tapos binigyan nya ako ng bracelet. At hinarana pa ako. At talagang nagpatulong pa sya kaila ate tska sa tropa. Ewan ko ba dito, ang sabi nya bumabawi lang daw sya kasi hindi nya daw naalala yung anniversary namin pati yung birthday ko nung October. Pangbawi nya daw tska para makapagsorry sya. Daming arte noh? Tska sa 8years na pagsasama namin, ni minsan hindi sya hindi naging sweet sa akin

.
.
"Mhey! Natatawa ka na naman mag-isa, baka mamaya nababaliw ka ba pala. Baka hindi ko kayanin" sabi nya
.
"Sira mo dhey. Mauuna kang mabaliw kesa sa akin" pang-aasar ko sa kanya
.
"Oo nalang mhey. Wag ka ng maingay, nakatulog na sila Jeff" sabi nya. Umirap nalang ako, bading talaga nito!
.
"Nasan na ba yung dalawa?" tanong ko
.
"Nandun sa sala. Nakikipaglaro sa mga pinsan nila" sabi nya lumapit naman sya sa kama at nahiga sa side, pinausad kasi namin yung kama sa pader. Ang likot kasi nung dalawa, kaya ayun. Eh syempre hindi pwedeng hindi ko katabi si Jaden. Mag-wawala ng hindi oras toh
.
"Puntahan mo na kaya" sabi ko. Hinawakan nya yung kamay ko, diba? Sabi ko sa inyo nagpapakasweet na naman tong bakulaw ba toh eh
.
"Ikaw nalang mhey. Pagod na ako" sabi nya. Tska nagpout, kinurot ko nga yung ilong
.
"Ayaw ko dhey! Tutal bumabawi ka sa akin. ikaw na" sabi ko at humiga ng maayos, yung parang nakasandal sa headboard ganun
.
"Sabi ko nga. Jaden, puntahan mo na yung kambal" sabi nya tska tumayo. Lalabas na dapat sya pero tinawag ko sya at naupo ulit ako
.
"Bakit mhey?" lapit nya. Pinaupo ko sya sa gilid ko at hinawakan ko yung pisngi nya
.
"Thank you dhey, kahit pa alam kong nahihirapan kang hatiin yung oras mo para sa amin pati na sa trabaho mo. You still managed to show us na mahal mo kami at hindi mo kami pababayaan ng mga bata." sabi ko tska ngumiti
.
"Of course I always find a way para makabawi sa inyo. Lalo na sayo, alam mo kung gano ako kasaya pagnakikita kita na masaya, ganun kita kamahal" sabi nya. Medyo umusad ako tska ko sya hinalikan sa labi. Hindi lang basta yung nakadikit ah. Passionate kiss syempre
.
.
"I love you" sabi ko sa kanya habang naghahabol ng hininga
.
"I love you too mhey." sabi nya. Bago pa sya tumayo. Binigyan nya pa ako ng isang smack sa lips. Hihihi. Deh ako na kinikilig!
.
.
"Mommy!" takbo ni Jason sa kama, si Jaime naman buhat ni Jaden. Mukhang nakatulog na, hyper kasi masyado
.
"Mhey, usad" sabi ni Jaden. Sa tabi ko si Jaime,  sa gitna kasi kami tapos yung magtatay sa magkabilang dulo, pero si Jason sa may pader
.
"Bakit gising pa tong isa?" tanong ko
.
"Sus. Parang hindi mo kilala yang bata na yan!" sabi nya
.
"Tss. Patulugin mo na dhey, Inaantok na ako eh" sab ko
.
"Oh. Kurt, you heard what your mom said. We need to rest, ok?" sabi nya kay Jason
.
"But daddy, I'm still not sleepy" sabi nya. Tumingin naman si Jaden sa akin. Bumuntong hininga naman ako
.
"Jason Kurtis, don't be a hard headed. If you sleep now, we're going to somewhere nice with your lolo't lola. Tska sila tita nyo, ok ba yun?" tanong ko
.
"Really mommy?" mukhang na'excite
.
"Yes kuya. Kaya we need to rest na, ok?" sabi ko sa kanya. Tumango naman na sya at pumunta sa dulo ng kama pero bumalik ulit sya at humalik sa pisngi ko
.
"Goodnight mommy" sabi nya at pumunta na ulit sa pwesto nya at nahiga na. Inayus ko nalang yung kumot nilang dalawa at umayos na din ng higa
.
Napabaling ako kay Jaden na nakaharap na naman sa laptop nya sa may study table
.
.
"Dhey. Wala ka pa bang balak matulog?" tanong ko sa kanya, tumingin naman sya sa akin
.
"Maya na mhey, may titignan lang ako saglit. Cge na, matulog ka na" sabi nya. Halata yung pagod nya sa itsura nya palang. At kahit pa nakasalamin sya ay nakikita ko sa mata nya na gusto nya ng magpahinga
.
"Dhey. Bukas na yan, lika na dito!" sabi ko at tinap ko ng bahagya yung pwesto nya
.
"Promise mhey, mamaya na. Ha? Tulog ka na" sabi nya at tumingin na ulit sa ginagawa nya. Kaya ang ginawa ko tumayo na ako sa higaan at pumunta sa likod nya tska ko sya niyakap
.
"Wag ka ng makipagtalo. Halika na, tska tignan mo ng yang mata mo. Babagsak na yung talukap" sabi ko. Medyo natawa naman sya sa sinabi ko at tumingin sa akin
.
"Kilalang-kilalang-kilala mo talaga ako! Oo na, cge na. Papatayin ko na toh" sabi nya at humarap na sa laptop nya at cinlose yung chrome kung nasan yung emails nya. Pero tama ba yung nakita ko? O sadyang mabilis nya lang sinara para hindi ko makita. Kasi parang nakita ko yung username ni Jacklyn eh
.
.
"Lika na?" aya nya sa akin kaya nabalik naman ako galing sa malalim na pag'iisip
.
"Ah. Oo, lika na" sabi ko. Bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya at tumayo na din sya
.
.
May sinasabi sya sa akin pero hindi ko maintindihan. Iniisip ko kung meron silang connection or what. Minsan ni isang beses sa relasyon naming dalawa hindi ako nagduda kahit pa babae ang kikitain nya. Dahil alam ko na dahil sa business yun. Pero bakit ngayon nag-iiba ata
.
"Mhey." tabig ni Jaden sa braso ko
.
"Bakit dhey?" tanong ko
.
"Ang sabi ko, matulog na tayo. Tska bakit ba ang lalim yata ng iniisip mo?" takang tanong nya
.
"Ah. Wala, lika na. Tabihan na natin yung dalawa" sabi ko at hinawakan ko sya sa kamay tska kami pumunta sa kama
.
Nahiga na ako at pati na din sya. Umunan ako sa braso nya at yumakap sa kanya, tinanggal nya muna yung salamin nya tska sya yumakap din naman sya sa akin
.
"Night dhey" halos pabulong na sabi ko sa kanya at tumingala ako
.
"Night mhey. I love you" sabi nya at napipikit na
.
"I love you too *Chup*" sabi ko at binigyan ko sya ng goodnight kiss. Nangiti naman sya at pumukit na
.
.
Sana lang mali tong nararamdaman ko. At sana hindi totoo yung nakita ko

I'm Married to Ms. Lesbian♡ [Book 2] (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon