POGI 2

173 8 0
                                    

*Flashback, 3 years ago*

"Hoy nerd! Bitbitin mo nga tong bag ko" sabay hagis ni Drake ng bag nya na amoy patay na daga

Si Drake ang pinsan ko na akala mo mabait kapag nakaharap sa parents namin

Inayos ko ang nerdy glasses ko sabay bitbit ng bag ni Drake

Malapit na kami sa tapat ng bahay...

"Oyy sandali, akin na yan!" sabay kuha nya ng bag nya

Yan ang gawain nya, para magmukha syang mabait tsk.

Hindi lang si Drake ang nangbubully sa akin

Actually, marami sila

Papasok ako ngayon sa first subject ko nang...

*SPLAASSSHHH*

"HAHAHA!!"

Bakit sila tumatawa? Binuhusan lang naman nila ako ng malagkit na ewan na may balahibo ng manok

Sanay na ko sa gan--

"Hoy! Kayong mga walang kwenta! Ang sasama ng ugali nyo!!" sigaw ng isang babae na nakasalamin din pero hindi nerdy glasses sabay lapit sa kinaroroonan ko

"Ano namang laban mo sa amin ha?!" sabi ni Buknoy, isa rin sa nangbubully sa akin

"Akala mo ba ikagwagwapo o ikaaastig mo yang ginagawa mo?! Shunga! Ikapapanget mo pa nga yan ehh, ohh wait... panget ka na pala, mas tamang term ang MAS papanget ka pa!" sigaw nung babae

"Aba't--

"Oooppss! Wag mo i'try sumagot, ang baho ng hininga mo!" sabi niya kay buknoy sabay hatak na sakin nitong babae palayo

Nandito na kami sa may school garden

"Sa..salamat nga pa..pala ha" nauutal kong sabi

"Sus! Wala yun! Ikaw naman kasi ehh, ayaw mong ipagtanggol ang sarili mo"

ngumiti lang ako, ayoko kasing nakikipag away

"Ako nga pala si Thea, Thea Alvarez" pagpapakilala nya

"Ako si Francis, Francis Diaz"

Simula noon, naging magkaibigan na kami ni Thea

Mabait sya, sweet, matalino, maganda

Hanggang sa namalayan ko nalang...

Im falling for her

~~~~~

Short story lang to guys, hanggang 5 chapters lang. Hindi naman po kasi ako lalaki XD

Ang Buhay ng isang PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon