<JEORGI CHOU POV>
Ringgggg Rinnnnnnggggggggg Ringgggg!!!!!!!(imaginin nyo na lang! low budget eh😂) -tunog nang alarm clock ko. kaya napabangon ako bigla sa pagkakahiga.
Hello Earth! Have a Nice Day! -sigaw ko hehehe kahit naman sumigaw ako dito. walang maabala kasi ako lang mag isa dito sa apartment na tinitirahan ko. opo mag isa na lang ako sa buhay dahil patay na ang mga magulang ko dahil sa ambush na naganap noon.
pero hindi parin talaga nabubura yun sa akin, dahil feeling ko nga ehhhh nakaukit nasa utak ko yun, dahil binabangungot parin ako gabi-gabi ng ala alang yun.
sana nga kasi sinama na lang ako nila mama at papa sa langit para di nako umiiyak at nalulungkot hanggang ngayon.
at lahat din kasi ng kayamanan namin nawala na kasi kinuha ng bangko lahat pag gising ko sa Hospital. dahil may pag kakaka utang daw yung magulang ko ng sobrang laki.
pero buti na lang talaga meron akong malaki laking ipon nong nag aaral pa lang ako non, kasi lahat ng sobrang pera na binibigay nila mama noon inilalagay ay ko sa ATM kaya yun! yung ginamit kong pang aral sa college.
pero nagtatrabaho pa din naman ako sa isang coffee shop bilang isang cashier minsan waiter, napagkakamalan pa nga nila akong babae eh.
kaya sabi ng boss ko, kaya raw madami ang costumer namin ay dahil daw sa akin, kasi naman puro lalaki lahat ng costumer bilang lang yung mga babaeng costumer.
meron nga din nagbibigay ng mga bulaklak at chocolate at kung ano ano pa, pero tinatanggap ko din naman, dahil grasya din yun ano.
pero sinasabi ko sa kanila na hindi ko pa talaga balak magka jowa, kaya tumitigil na din sila.
pati din kasi sa labas ng apartment ko merong mga bulaklak at chocolate pag uuwi ako galing trabaho, kaya pati mga kasamahan ko sa coffee shop ay inaasar ako, binansagan pa nga nila akong Eye of the boys.
—
so ayun nga po mag isa na lang ako sa buhay, wala na din kasi akong mga kamag anak na mapupuntahan, kasi sabi ni mama itinakwil daw sila noon nila lola at lolo.kasi nga daw galing ampunan si mama at nasa marangyang buhay noon si papa, kaya napag isipan na lang nila mama at papa na mag tanan noon dahil pilit silang pinaghihiwalay ng pamilya ni papa, pero hindi na rin naman sila hinanap ng magaling kong lola at lolo.
buti na lang talaga matalino si papa kaya nagtatrabaho muna siya sa isang kompanya noon bilang isang Assistant manager, dahil sa kanyang pag pupursige nakapag patayo na din si papa ng sarili niyang kompanya.
kaso nga lang nawala din yun simula nong nangyareng aksidente sa amin, pero hindi pa rin talaga ako naniniwala na may ganung kalaking pagkaka utang ang mga magulang ko.
nasanay na din naman na akong mabuhay nang mag isa at walang hinihinging tulong sa ibang tao.
hayssss!! makapunta na nga lang kala mama at papa dahil miss na miss ko na silang dalawa. -ani ko sa aking sarili na may ngiti.
<FLASHBACK>.................
(7 years ago)...................Baby gumising kana jan at pupunta na tayo sa bayan para magsimba kasama ang Papa mo. -sigaw ni mama sakin habang kinakatok pa ang pinto.
Mama! pwedeng 5 minutes pa inaantok pa ako ehh. -ani ko kay Mama ng padabog kasi naman inaantok pa talaga ako, dahil nanonood kasi ang ng kdrama kagabi kaya inabot nako ng umaga kakanood, crush ko kasi si Lee jung suk ehh hihihi...
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...