<JEORGI CHOU POV>
Honey ito oh baka lamigin kana! -malambing na sabi ni lourdemios na kinukumutan ako habang nakahiga ako sa dibdib niya. na kasalukuyang nandito kami ngayon sa silong ng mangga. na nasa Duyan.
lourdemios anong gusto mong maging pangalan ng anak natin? -tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ko yung buhok niya sa pusod dahil nakahubad siya.
Ikaw ano ba gusto mo honey? -tanong niya.
ahhhhmp! kung magiging kambal ang anak natin gusto ko na lalapit sa pangalan mo at pangalan ko! -saad ko.
talaga ano namang pangalan ang naisip mo honey? -masayang tanong niya sa akin.
gusto ko sana sa panganay natin ay "DanLourd" tas sa bunso ay "Jeorios" -nakangiting sabi ko habang nakatingala sa kanya kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti niya.
napakagandang pangalan honey, sige yan ang gagawin nating pangalan ng magiging anak natin! -saad niya sabay hinalikan ang noo ko kaya naman diko maiwasang mapapikit at mapaluha ng bahagya.
dahil alam kong baka hindi na ako mabuhay pag naipanganak ko ang mga anak namin at baka hindi ko na din makita ang ngiti ni lourdemios na ganito kasaya. kaya naman ay susulitin ko na ito habang may natitira pa akong araw, para naman may baon ako dala dala sa araw ng paglisan ko na diko ko siya kasama.
ohhh honey bakit ka umiiyak! -nag aalalang sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.
wala lang! masaya lang ako kasi matutupad na yung hiling mo na magkaroon ng anak! -nakangiti kong sabi habang lumuluha.
sana alagaan mo silang mabuti ah! -saad ko.
oo naman alagaan ko kayong mabuti na parang isang mamahaling bagay! kaya tumahan kana honey okay! -nakangiting sabi niya kaya naman tumango na lang ako at mas lalo ko siyang niyakap ganun din siya.
kailangan ko ng sulitin ang yakap na to baka kasi hindi ko na muli itong madama.
nag lalambing nanaman ang honey ko! -masayang sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko.
lourdemios pano kung mawala na ako anong gagawin mo? -seryosong tanong ko.
bakit may balak ka bang tumakas sa akin huh? -medyo galit na sabi niya.
ano kaba! hindi ko gagawin yun nagtatanong lang naman ako! -malungkot na sabi ko kaya naman narinig ko pa siya bumuntong hininga.
kung mawawala ka man ay hahanapin at susundan kita kahit saan! -serysong sabi niya.
ehh pano kung mamatay na ako? -tanong ko
fuck! hindi ka mamatay okay, at saka wag mo ngang sinasabi yan hindi ako natutuwa! -madiin na sabi niya.
okay! wag ka ng magalit! -malambing na sabi ko.
tskkk. hindi ako galit, hindi lang ako natutuwa sa biro mo. -masungit na sabi niya.
at saka kung mamamatay ka man, ay hindi mangyayare yun dahil dahil gagawin ko ang lahat kahit na makipagkasundo pa ako sa Demonyo mabuhay ka lang! -mautoridad na sabi niya kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti.
dahil siya na yata yung tao na hiniling ng mga magulang ko sa itaas para maging masaya at maging makulay ang mundo kong naging madilim noon ng panahong kailangan na kailangan ko sila.
lourdemios kamusta na pala yung kompanya ng magulang ko! -tanong ko dahil bigla ko kasing naisip ang mga ari arian na ibinigay ng mga magulang ko na para dapat sa akin.
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...