•JEORGI CHOU•Nagising ako sa pagkakatulog ng maramdaman ko ang sobrang lamig na hangin na tumatama sa balat ko..
kaya naman dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at saka bumungad sa akin ang puting kisame.
kaya naman hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa tuwing may mangyayareng masama sa akin ay pader agad ng ospital ang bubungad sa mga mata ko, pag nagigising sa isang bangungot.
dahil ang natandaan ko lang nong huli ay buhat buhat ako ni lourdemios habang umiiyak, paalis sa lugar kung saan ako ikinulong.
mga ilang sandali pa ay bahagya akong nagulat ng may mahigpit na humawak sa kamay ko, kaya naman napadako ang tingin ko don.
at bahagya naman akong napangiti dahil nakita ko si lourdemios na nakadukdok sa gilid ng kama habang mahimbing na natutulog na nakahawak pa sa kamay ko ng mahigpit na akala mong tatakbo ako.
kaya naman dahan dahan akong umupo sa kama at saka hinawakan ang mukha niyang kay gandang pagmasdan, na bakas pa sa mga mata niyang nakapikit ang bagot at puyat. hindi ko alam na ang isang gwapong nilalang na to ay magkakagusto sa isang baklang tulad ko.
hindi ko tuloy maiwasang matawa ng maalala ko, ang pangyayare na naghahabulan pa kami na parang tanga noong nagkita kami, sino ba naman kasing hindi matakot kung sabihin sayo na kukunin ka niya at gagawing asawa. akala ko nga nong una baliw ang lalaking to at ako ang pinagtritripan.
pero hindi ko din maiwasang kiligin dahil ang lalaking ito ngayon ay naging sa akin.
imagine! inabutan ko lang ng panyo noon, jowa at nakabuntis na sa akin ngayon.
mga ilang sandali pa ng aking pagtitig sa kanya ay unti-unti ng dumilat ang mga mata niyang nagpaibig sa akin. kaya naman kita ko ang gulat sa kanya ng ngumiti ako.
Fuck! ayos ka na ba babe? may masakit ba sayo, saan? tatatawag naba ako ng doctor? -nag aalalang sunod sunod na tanong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin ngayon.
ayos lang ako! -saad ko at saka sinubsob ang mukha ko sa leeg niya at saka inamoy amoy.
mga ilang sandali pa ay tahimik lang kaming magkayakap, halos ingay lang ng aircon ang tanging naririnig namin at rinig ko rin sa tenga ko ang bahagyang pagsinghot niya.
bakit hindi mo sinabi sa akin? -seryosong sabi niya. kaya naman bigla akong nagtaka at naguluhan sa sinasabi niya.
ang alin? -tanong ko na naguguluhan.
bakit dimo sinabi sa akin na may sakit ka! -halos galit na sabi niya.
kaya naman bigla akong napatigil, dahil ibig sabihin ay alam niya na, alam niya ng may sakit ako.
kailan mo balak sabihin sa akin huh!, kung kailan mahina kana, kung kailan may nararamdaman kana o baka naman kung kailan mawawala kana sa akin! -hinanaing na sabi niya at saka ko narinig ang mahinang paghagulgol niya sa leeg ko, na mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
kaya naman diko din maiwasang maluha, dahil bahagya akong nakaramdam ng guilty at awa para sa kanya.
Patawad! patawad! dahil nag lihim ako sayo, at patawad! dahil gusto kong piliin mo ang mga anak natin at hindi ako! -umiiyak na sabi ko.
kaya naman hagulgol at iyak naming pareho ang naging ingay sa buong silid ngayon, mga ilang sandali pa ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ng malalaki niyang kamay ang mukha ko at saka niya pinunasan ang luhang tumutulo dito.
shhhhhsss tahan na babe! alam ko naman na lalaban ka diba! lalaban ka dahil mahal mo ako! -pagpapatahan na sabi niya habang umiiyak na nakahawak sa mga pisnge ko. kaya naman tumigil ako sa paghikbi at bumuntong hininga bago ngumite at sumagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...