<JEORGI CHOU POV>
Nagising ako sa aking panaginip at napagtanto ko na nasa isang abandunadong silid na ako ngayon, dahil bakas sa lugar na to ang dumi at mga buraburang pintura ng pader na pinaglipasan na ng panahon.
bigla akong nagtaka kung bakit ako napunta dito, isa na naman ba itong panaginip na kung saan ay nasa isang bangungot na ako ngayon.
kaya naman nagitla ako ng may narinig akong naguusap sa labas na halatang binatang lalaki ito at ang kausap niya ay matandang babae, di ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan parang may hindi magandang mangyayare ngayon at ilang sandali pa ay unti unti na ko na ring nararadaman na parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
kaya naman pinilit kung tumayo para manghingi ng tulong sa labas dahil parang hindi ako makahinga.
nakakatatlong hakbang palang ako ay bigla napaluhod sa sahig dahil biglang nanlambot ang mga paa at katawan ko sa sobrang sakit na nadarama ko ngayon habang nakahawak sa dibdib ko.
pero bigla akong nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng sobrang lakas at iniluwa don ang lalaking parang gulat na gulat ng makita niya ako ang kalagayan ko ngayon habang nasa likod niya ang matandang babae na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa akin.
Fuck! anong nangyare sayo? okay ka lang ba? may masakit ba sayo? -sunod sunod na tanong sa akin ng lalaki habang bilis akong ibinalik sa kamang hinihigaan ko kanina lang.
Hindi ako makahinga! -nanghihinang sabi ko. kaya naman bigla siyang nataranta at sumigaw sa labas ng silid na ito.
Garry! bilisan mo! tawagin mo si kuya Hugo!-natatarantang sigaw ng lalaki sa labas ng silid.
kamusta kana apo? -tanong ng babaeng matanda sa akin habang nakatingin sa akin ng seryoso kaya naman bigla akong nagtaka ng tawagin niya akong apo.
dahil sa pagkakaalam ko wala akong kinikilalang lola at lolo noong bata pa lang ako ngunit maliban na lang kung siya ang mga magulang ng daddy ko na na nagtakwil sa kanya noon.
oo nga pala hindi mo nga pala ako kilala! ako nga pala si Donya Margarita ang ina ng ama mo! -saad niya habang hinahaplos ang mukha ko. bigla akong nakadama ng galit, dahil makikita ko pala ang isa sa pinagtaniman ko ng galit noon at hanggang ngayon, kaya naman sa galit na yun ay bigla akong nakahinga ng maluwag at bumangon ako sa pakakahiga.
wag mo akong hawakan! -bakas na galit na sabi ko habang nanghihina parin.
kamukhang mo talaga ang ama mo! at kaugali mo rin parehas mainitin ang ulo! pero wag kang mag alala apo babawi ako sayo! patawad! -nakangiting sabi niya sa akin.
akmang magsasalita pa lang sana ako ng may biglang sumigaw na lalaki sa labas at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan namin.
Fuck! anong nagyare sa magiging asawa ko? -alalang tanong ng lalaking kakapasok lang na parang nakita ko na.
bigla naman akong nataka sa sinabi nong lalaki na magiging asawa. hindi kaya ang lola ko ang magiging asawa niya! at patay na kaya ang lolo ko at naghanap na siya ng asawa na mas bata pa.
pero nagitla ako ng bigla akong yakapin ng lalaki ng mahigpit na siyang ikinatulala ko, kaya naman bigla ko siyang tinulak palayo sa akin ng magising ako sa pagkakagulat. at nakita ko namang umalis si lola na hinahawakan pa ang tenga niya habang bumubuling na nagsasalita, palabas ng silid na to, na isinarado pa ang pinto kaya naman naiwan kaming dalawa dito ng lalaking to.
Sino ka? -gulat na tanong ko sa lalaking yumakap sa akin.
hindi mo na ba ako nakikilala? -tanong niya kaya naman kumunot ang noo ko na nakatingin sa kanya.
magtatanong ba ako kung kilala kita! -inis na sabi ko sa kanya,pero nginisian niya lang ako na parang tuwang tuwa pa na kausap ako.
ako si Hugo ang magiging asawa mo! -galak na sabi niya kaya naman bigla akong tumawa.
hahaha nagpapatawa kaba! sa pagkakaalam ko ni hindi nga kita kilala at saka hindi ka naman si lourdemios para maging asawa ko! pero teka nga nasaan ba ako? -naguguluhang tanong ko sa kanya.
pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakapuyos pa ang kamay na parang galit na galit, na siya ring bigla kong ikinakaba at ikinatakot kaya naman bigla akong napaatras palayo sa kanya.
hanggang dito ba naman kaagaw ko parin ang gagung lourdemios na yun! -nanggagalaiting sabi niya habang nagtatagisan pa ang mga panga.
ano bang sinabi mo! aalis na ako! -saad ko saka biglang tumayo sa pagkakahiga na nanghihina pa.
ng akmang pipihitin ko na sana ang pinto ng bigla siya nagsalita na siyang ikinakaba ko at ikinabilis ng puso ko.
subukan mong lumabas ng silid na to! kung ayaw mong pagsisihan ang gagawin ko sayo! -galit na sabi niya.
kaya naman sa sobrang takot ko sa kanya ay agad agad kong binuksan ang pinto at nag madaling tumakbo habang nakahawak pa sa dibdib ko na unti unti na namang sumisikip.
pero ipinagsawalang bahala ko na lang at tiniis na lang ang mahalaga ay makatakas ako sa baliw na lalaking yun.
dahil unti unti ko na siyang nakikila sa utak ko, dahil ang lalaking yun ang binugbog ni lourdemios noon sa mall na punong puno ng dugo ang mukha, at siya rin ang lalaking nakakita ko ng nawalan ako ng malay kahapon.
kaya naman sa paglabas ko ng pinto ay biglang may humarang na mga kalalakihan na may dala dala pang mga baril. na siya namang ikinaatras ko at sa pag atras ko ay may yumakap sa akin patalikod na siyang ikinaakyat ng kaba at takot sa buong katawan ko.
Don't you dare to escape me! because from now on i totally own you! -bulong na sabi ng lalaking tinatakbuhan ko lang kanina na hinahalik halikan pa ang leeg ko.
kaya naman nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya patakilod sa akin pero hindi ko kayang makawala dahil sobrang lakas niya habang ako naman ay nanghihina na dahil parang ilang minuto na lang ay parang bibigay na ang katawan ko sa sobrang sakit ng puso ko.
ilang sandali pa sa aking pagpiglas ay bigla pumasok sa pintuan yung lalaking kausap ni lola kanina na hingal na hingal pa.
kuya! sila lourdemios at heneral Harristone nasa labas kasama ang napakarami nilang tauhan! -natatarantang sabi ng lalaki. kaya naman bigla akong nakadama ng ginhawa ng marinig ko ang pangalan ng taong mahal na mahal ko.
Bullshit! akala ko ba hindi tayo matutunton ng hayop na yun dito! -galit na sabi niya na mas lalong humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
pero bigla akong nahilo ng takpan niya ng panyo ang ilong ko, kaya naman ilang sandali pa ay unti unti na akong nawalan ng malay dahil sa kakaibang amoy na pumapasok sa ilong ko.
at naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at narinig ko pa siyang bumulong sa akin.
"Pasensya kana baby! pero kailangan muna kitang itago sa demonyong yun! para hindi kana niya, muling makuha sa akin!"
————————————————————————
Shiaaaaaaaaa!!!! sabaw ba? 😂mag comment naman kayo! para naman ganahan ako mag sulat! hahaha lol😅
Please don't forget to vote
ciao!!!
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...