•LOURDEMIOS SALVASTONE•I hate this day!
ngayon araw na to! ay ang araw kung saan ibat-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
at dalawang oras na lang pala ang natitira bago siya operahan, at isilang ang mga supling namin..
pero nandito pa din ako sa labas ng silid niya, kung saan nakikita at nakakasama ko siya sa hirap na pinag dadaanan niya araw-araw.
hindi ko pa kaya! hindi pa ako handa! hindi pa ako handang maiwan, kung sakali mang pagod na siyang lumaban.
Siguro nga ito na ang karma ko, dahil sa mga kasamaang nagawa ko.
masakit mang tanggapin pero yung binuo kung pangarap na kasama siya ay unti-unti ng naglalaho at nawawala na parang bula. pero hindi pa din ako susuko, dahil alam kung lumalaban siya.
sana nga! lumaban siya mamaya! sa 20 porsyentos na pag-asa sa buhay niya.
Anak! hindi ka pa ba papasok, hinahanap kana ni Jeorgi sa loob! -sabi ni mommy na kakalabas lang sa pinto, na may luha pa ang mga mata niya, ganun din si Daddy at si Bryan na nasa likod niya.
Parang hindi ko kaya! -saad ko.
kaya naman biglang kumunot ang noo nila na nagtatanong, pero yumuko lang ako at hinawakan ang mukha ko.
Hindi ko kayang makita, ang asawa ko na nahihirapan! -hinahaing ko sabay ng pagtulo ng luha ko na hanggang ngayon hindi parin maubos-ubos. kaya naman ramdam ko pa ang pagtabi ni daddy sa akin na tinatapik pa ang likod ko.
bakit ba sa ibang bagay malakas ako, pero bakit pagdating sa kanya napaka hina kong tao.
sana noon pala! hindi na ako humiling ng mga anak para hindi mangyare to sa kanya! bakit ba kasi ang tanga tanga ko, sana pala pagpapakasal muna namin ang inuna ko, bago ang libog na nasa utak ko.
pero hindi ko naman sinisisi ang mga anak ko, dahil para sa akin isa silang mga biyaya na ibinigay ng diyos para sa amin, na dapat kung tanggapin at mahalin.
kayanin mo anak! dahil alam kong kakayanin ng asawa mo, dahil ang tanging magagawa na lang natin ay manalangin, kaya sige na puntahan mo na ang asawa mo baka magtampo pa yun! -nakangiting sabi ni daddy at saka tinapik ang balikat ko.
kaya naman bumuntong hininga muna ako at saka pinupunasan ang mga luha sa mata ko, at tumayo sa inuupuan ko.
at tumungo sa tapat ng silid niya na nanginginig pa ang mga kamay ko, habang binubuksan ang doorknob nito.
kaya naman ng pagbukas ko ng pinto ay malamig na agad na hangin ang sumalubong sa akin. at kita ko din ang mukha niyang nakangiti na agad sa akin.
kaya naman di ko maiwasang mapaiyak ulit sa kalagayan niya, dahil nakuha niya pang ngumiti sa akin kahit nahihirapan na siya.
Akala ko dimo na ako pupuntahan dito eh! -nanghihinang sabi niya ng makalapit na ako sa kanya. kaya naman umupo ako sa tabi niya at saka siya niyakap ng mahigpit.
Lalaban ka babe huh! -humihikbing sabi ko sa kanya, pero hindi na naman niya ako sinagot bagkus ay hinagod niya lang ang likod ko para patahanin.
pwede ba tayong lumabas! dahil gusto ko munang makita ang mundo sa huling araw na baka magkasama tayo. -saad niya kaya naman mas lalo akong napaiyak. dahil parang sinasabi niya na ito na ang huling araw na magkakasama kami. gusto kong magalit sa kanya pero ayoko, dahil baka mas lalo lang siyang sumuko na manatili sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...