<JEORGI CHOU POV>
Nakatulog ako kagabi dahil sa paghihitay sa lalaking baliw nayon. actually di talaga ako nakatulog kagabi ng maayos. dahil sa pinagsasasabi nya at ginawa niyang paghalik sa noo ko kahapon bago siya umalis.
tas nalaman kong madaling araw na ding nakauwi yung baliw na lalaking yun. dahil may naramdaman akong tumabi at yumakap sakin nong madaling araw.
kaya alam kong siya yun kasi siya lang naman yung katabi kong matulog dito, at saka naamoy ko din yung matapang na pabango niya.
Tas ngayon nagising ako dahil may ingay na nagtatawanan akong naririnig sa baba, at alam kong boses ng medyo may edad na babae at lalaki yung naririnig ko. dahil hindi pala gaanong nakasarang mabuti itong pinto ng kwarto nang baliw na lalaking yon.
kaya naman naisip kong bumangon na lang at pumunta ng banyo para mag maghilamos at magsipilyo. bago ako bumaba para uminom nang tubig dahil nauuhaw na talaga ako.
medyo nagulat ako dahil wala nang nagbabantay na mga lalaki dito sa pintuan ng kwarto katulad ng nadatnan ko dito kahapon.
kaya habang pababa ako ng hagdan mas lalong lumalakas ang naririnig kong nagtatawanan at naguusap doon sa sala.
nakatalikod silang nakaupo sa sofa kaya di nila ako napapansing pababa ng hagdan.
Anak!nasan naba yung si Jeorgi na asawa mo?at bakit dimo pa siya gisingin. gusto ko ng makakwentuhan yung magiging magugang ko hihihi. -tanong ng may edad na babae kay Lourdemios na tuwang tuwa at may pagkabungisngis din tong babaeng to. at base na din sa narinig kong sabi ng babae na Anak ay baka mga magulang niya itong kausap niya.
kaya naman medyo kinakabahan at nakaramdam ako ng hiya at takot. pero nagtataka ako bakit parang kilala nila ako dahil narinig ko sa usapan nila yung pangalan ko. at kailan pa ako naging asawa ng anak nilang baliw?
oo nalaman ko na din yung pangalan niya dahil tinanong ko kay manang kahapon dahil nakakwentuhan ko ito.
Hayaan niyo po muna siyang magpahinga Mommy sigaradong puyat yung asawa ko, dahil sabi ni manang hindi daw ito gaanong nakatulog kagabi. siguro ay hindi pa siya sanay dito sa mansyon ko at alam kong masasanay na din siya dito kalaunan, dahil dito na siya titira habang buhay. -seryong sagot ni lourdemios sa kanyang Ina.
at bakit naman siya na pagod aber? ohhhhh my gggg wag mong sabihin na gumawa na kayo nang mga apo namin? -sabi pa nang ginang habang nakatakip ang mga kamay sa bibig na akala mong gumalat na gulat sa nalaman.
kaya naman napataya na lang si lourdemios at yung isang lalaking may edad na kamukha ni lourdemios.
pero nong mapadako yung tingin ko sa kamukha lalaking ni Lourdemios na may edad, ay saktong napaharap ito sa akin at ngumiti pa. pero bakit parang pamilyar siya akin, para bang nakita ko na siya dati hindi ko lang matandaan.
Ohhhhh! nandito na pala yung asawa mo anak. -biro pa nong lalaking may edad nanakangiti pa sakin. at alam kong tatay niya din ito dahil base din sa nadinig ko,
kaya naman napaharap din yung Ina niya at si Lourdemios sa akin.
Good Morning po Ma'am at Sir!. -alinlangan kong bati sa kanila at saka ngumiti din ako nang medyo nahihiya sa kanila.
Ohhhh my goshhhhh! siya na ba ito? akala ko ba lalaki ang natitipuhan mo bakit mas mukhang babae pa sa akin ito? pinaglololoko mo ba akong bata ka huh? -tiling sigaw at sermon nito kay lourdemios. kaya naman napakamot na lang siya sa ulo niya, dahil di alam kung anong isasagot neto sa kanyang ina.
Ano kaba mahal! lalaki talaga yang si Jeorgi! kahit na ako noon ay di makapaniwala na lalaki siya, kahit na nasa murang edad pa lang siya noong pumupunta ako don sa bahay ni pareng Nathan. -sagot ng ama neto sa kanyang Ina na nakangiti pa. kaya naman napatango na lang din yung niya sa kanya.
BINABASA MO ANG
✔️DMS1: RUNAWAY TO THE DEMON MAFIA's BOSS (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 1: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG LOURDEMIOS SALVASTONE | JEORGI CHOU SYNOPSIS: Makakabangon kapa ba sa masalimuot mong nakaraan kasama ng pagkamatay ng iyong mga magulang na pilit mo nang kinakalimutan at Paano kung nabihag...