Chapter 25

57 2 0
                                    


HABANG PAUWI SILA SA PAMPANGA ay para siyang sinisilaban sa inuupuan niya. Pansin din niya ang pagkabalisa ni Luis. Dalawang araw palang sila sa Manila pero hindi na siya naging komportable. Kaya kahit gabi ay bumyahe sila.

"Luis, dalian natin. Ano ba yan?! Bakit ba ako kinakabahan?" pagrereklamo niya sa sarili.

Luis sighed for the nth times. "Baka maaksidente tayo. Matulog ka na lang muna. Gigisingin nalang kita pag nandon na tayo sa inyo."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinubukan matulog. Pero hindi niya magawa. Ilang beses na siyang nagpapalit palit ng upo dahil hindi siya mapakali.

Pagdating nila sa San Isidro ay may nakasabay silang bumbero na papunta sa baranggay nila. Hindi niya alam pero kinabahan siya lalo.

Pagdating nila sa bahay nila ay para siyang nanigas sa kinauupuan niya. Madaming tao sa harap ng bahay nila. May tatlo ding bumbero kasama ang nakasabay nilang bumbero kanina.

Tumulo ang luha niya ng makitang nasusunog an bahay nila! Dali dali niyang kinalas ang seat belt niya at tumakbo papunta sa harap ng bahay nila. Nakita niya ang mga magulang niyang umiiyak habang magkayakap. Mauling din ang mukha ng mga ito at punit an ilang bahagi ng damit.

Parang bigla siyang naubusan ng lakas. Mabuti at nasa likod niya si Luis na umalalay sa kanya. Lumapit sila sa magulang niya at mabilis siya nitong niyakap.

"Gracia! Si Shaya! Ang apo ko! Nasa loob! Natutulog siya kanina nang may biglang sumabog sa kusina natin! Si Shaya! Ang apo ko!" umiiyak na sigaw ng ina niya.

Parang biglang namingi siya at tuloy tuloy na tumulo ang luha niya.

"A-ang anak natin? Si Shaya? N-nasaan? W-wala dyan ang anak ko! T-teka!" mabilis na tumakbo papalapit si Luis sa bahay pero napigilan siya ng mga bumbero at pulis na nandoon.

"Sir! Kami na po ang bahala sa anak niyo. May nagrerescue na po sa kanya." harang ng isang bumbero kay Luis.

Napa-upo nalang siya sa daan habang umiiyak at nakatanaw sa bahay nilang nasusunog. Tuloy tuloy ang luha niya. Nanginginig ang labi at kamay niya. Nanginginig ang buong katawan niya.

Anak please... Diyos ko, iligtas niyo po ang anak ko. Hindi ko po kakayanin pag nawala siya sa akin. Panginoon, Diyos ko. Tulungan niyo po sila na iligtas ang anak ko.

"A-anak!" narinig niya ang sigaw n ama niya bago tuluyang nawalan siya ng malay.

"SIR HUWAG PO KAYO DYAN. May nagrerescue na po sa bata."

"WALA AKONG PAKE ALAM! YUNG ANAK KO NASA LOOB! HINDI KO HAHAYAANG MAMATAY SIYA DYAN! PADAANIN NIYO KO! TABI!!!" sigaw niya. Nagwawala siya sa sobrang galit at pag-aalala sa anak niya!

Nahimatay si Gracia, mabiti nalang at dumating sina Giovanni na nandito din pala sa Pampanga at nabalitaan ang nangyari. Sila na ni Gia ang nagdala kay Gracia sa hospital kasama ang ina nito habang ang ama naman nito an kasama niya na naghihintay sa anak niyang naiwan sa loob ng bahay nila Gracia.

"SHAYA!!! SON, WAKE UP!!!" malakas niyang sigaw, nagbabakasakali na marinig siya ng anak niya. "SHAYA WAKE UP!!! WE'RE HERE!!! MOMMY AND DADDY ALREADY HOME!!! NANDITO NA KAMI!!! GISING NA DIYAN ANAK! LABAS KA NA SA HOUSE!!" umiiyak niyang sigaw. Wala siyang pakialam kung marami ang makakita sa kanya at pagtawanan siya. Wala siyang pakialam.

Sinubukan ulit niyang pumasok sa bahay pero madami ang pumipigil sa kanya. Hindi na siya makagalaw sa sobrang daming pumipigil sa kanya! Gusto na niyang magwala pero nanghihina siya! Nanghihina siya sa isipin na nasa loob ng nasusunog na bahay ang anak niya!

"Sir, nakuha na po namin yun bata." narinig niyang tumunog ang isang radyo na hawak ng isamg bumbero.

Nag-abang siya ng tingin sa labas ng bahay hanggang sa nakita niya ang tatlong rescuer na papalabas sa bahay. Bitbit ng isa sa mga ito ang anak niyang walang malay.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon