Chapter 15

63 2 0
                                    


SA NAKALIPAS NA DALAWANG araw ay naging busy si Luis sa mga meeting niya pero hindi naman siya nito kinakalimutan. Pag-uwi nito galing trabaho ay pagluluto niya ito at sabay silang kakain. Sa higaan naman ay magkukwentuhan pa sila na mauuwi lamang sa pagtatalik.

Sa ilang beses na nagtalik sila ay lagi nitong sa loob niya nilalabas kahit na alam naman nito na hindi siya pweding magbuntis.

"Jo!" sigaw ni Luis habang nasa kusina siya. Nagluluto siya ng hapunan nila. Bukas ay uuwi na sila sa Pampanga.

"Bakit ba?!" naiinis niyang sagot dito. Nasa sala ito at nanonood ng mga video sa tiktok na app.

"Look at this. Can you try this one? My heart went opps challenge?" tanong nito. Nasa likod na niya ito. Dala ang cellphone at may pinakitang video sa kanya.

"Bwisit ka. Don ka na nga! Nagluluto ako ginugulo mo 'ko!" nainis lang siya lalo nang makita kung ano nag video na pinapagawa sa kanya ni Luis.

"Joke lang, 'to naman. Para kang naglilihi ah? Kanina ka pa inis sakin." biro sa kanya.

Natigil naman siya sa pagluluto at lumingon sa lalaki. Nakayakap ito sa kanya at nasa leeg niya an mukha nito.

"Alam mong imposibleng maglihi ako."

Napaangat naman ng tingin si Luis sa kanya at tinitigan siya. "I know. I love you, Jo."

Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagluluto. "I love you, too."

Matapos magluto ay kumain na sila. Masaya silang naghapunan at nang matapos ay naghugas na siya ng plato. Habang si Luis naman ay nagpunta sa kwarto para maligo.

Nagpupunas na siya ng kamay ng marinig ang cellphone ni Luis na tumunog. Naiwan pala nito ang cellphone sa lamesa.

Kinuha niya iyon at natigilan nang makita kung sino ang nagtext.

From: Sofia.
Thanks for the flowers. I hope to see you soon. Miss you, babe.

Nabitawan niya ang cellphone sa panginginig ng kamay. Dali dali niyang inayos ang pagkakalagay non sa lamesa nang marinig na bumukas ang pinto sa kwarto ni Luis.

Nagpunta ulit sa pababo at naghugas ng kamay. Sinadya niyang maghilamos ng mukha para hindi mahalata ang mga luha sa mata niya.

"Hey. You okay?" Luis asked her while looking at his phone, smirking.

Hindi siya sumagot dito bagkos ay nagtanong. "Ako ba tinatanong mo?"

Luis looked at her worriedly, gone the smirk. "Yup, Jo. Namumula ka."

Ngumiti siya ng pilit dito at nilagpasan ito para magtungo sa kwarto. "Yes, Luis. I'll just take a bath."

Pumasok na siya sa kwarto at dali daling nagpunta sa banyo. Don na niya hindi napigilan ang pagbuhos ng luha habang nasa ibaba siya ng shower.

Ang sabi niya kinasal na si Sofia! Sinungaling siya!

Hindi niya napigilan ang hikbing kumawala sa bibig niya. Pinipigilan niyang mapalakas iyon dahil baka marinig siya ni Luis. Fuck! Ang sakit neto!

Nang kumalma na siya ay naligo na siya at nagbihis. Paglabas niya sa banyo ay nakahiga na si Luis habang nakatingin sa cellphone.

Hindi siya nagsalita nang lumapit siya dito at umupo sa kama. Nagsuklay siya ng buhok at nagpatuyo. Pinatay na niya ang ilaw at humiga na sa kama. Agad namang binaba ni Luis ang cellphone at niyakap siya.

Hinayaan niya lang ito na yumakap sa kanya at ilagay ang mukha sa leeg niya. Naramdaman niyang hinalik halikan siya nito kaya umiwas siya. Tumingin naman sa kanya si Luis na mukhang nag-aalala.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon