Chapter 24

59 2 0
                                    


KINABUKASAN NANG MAGISING SI Gracia ay nakapalupot ang kamay ni Luis sa bewang niya at nakalubog ang mukha nito sa leeg niya. Napangiti siya sa posisyon nilang dalawa.

Namula siya nang maalala ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Madaling araw na din silang natapos dahil paulit ulit siyang inangkin nito hanggang sa hindi na niya kaya at nakatulog na siya. Nagawa nila ang halos sampong posisyon kagabi dahil ayaw paawat ng lalaki.

Dahan dahan niyang inalis ang kamay ni Luis sa bewang niya at tumayo siya. Napangiwi siya nang maramdaman ang mahapdi sa gitna ng hita niya. Kaya naman niya ang hapdi kaya mabilis siyang naligo at nagsuot lang ng laced panty at oversized tshirt. She also bunned her hair.

Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para magluto ng almusal nila. Nangalkal siya sa refrigerator at kumuha siya ng bacon, hotdog, eggs, and spam. Nagsaing din siya ng kanin. Pero bago siya nagsimulang magluto ay kinuha muna niya ang cellphone. Sakto ay may nakita siyan speaker sa taas ng ref kaya binuksan niya rin iyon. Nagpatugtog siya ng malakas, walang pakialam kung magising man si Luis.

Love's my religion
But he was my faith
Something so sacred
So hard to replace

Hindi niya mapigilan na hindi sabayan ang kanta habang nag-umpisa na siyang magluto.

Fallin' for him was like fallin' from grace
All wrapped in one
He was so many sins
Would have done anything

Napapagiling din ang katawan niya habang sinasabayan ito.

Everything for him
And if you ask me
I would do it again

Napangisi siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Nakakahiya pero masaya din siya.

No need to imagine
'Cause I know it's true
They say all good boys go to Heaven
But bad boys bring Heaven to you

"Sexy..." mabilis siyang napahinto sa paggiling at pagkanta nang marinig ang husky na boses ni Luis.

Lumingon siya dito at napangiti nang makita ang mukha nitong inaantok pa. "Morning."

"Good Morning." Luis smirked at walked towards her. Nilagay nito ang dalawang kamay sa bewang niya at hinapit siya papalapit dito. Agad niyang naramdaman ang matigas nitong pagkalalaki.

"Luis!" saway niya habang natatawa. Dinidiin kasi siya nito sa gitnang hita nito kaya mas lalo niyang nararamdaman ang kaibigan nito. "Ang aga ha!"

He groaned and kissed her neck. "I love you..."

Napangiti siya dito at nilayo ang mukha niya sa mukha nito. "Hmmm?"

"What?" Luis asked her while still kissing her neck. "Smells good.." he whispered.

"Luis! Stop. I'm cooking oh." saway niya dito at tumalikod para ituloy ang pagluluto.

Nanatili naman ito sa likod niya habang nakayakap at patuloy na hinahalikan ang leeg niya. Natatawa nalang siya dito. Hanggan sa matapos siya ay nakayakap lang ito sa kanya at hindi humihiwalay sa kanya.

Nang matapos ay pinatay na siya ang tugtog at tinawagan si Grace dahil nag-stay muna ito sa bahay ng mga magulang nila.

"Hi, ate. Good morning!" bati ni Grace na halata namang nakahiga pa. Nakita din niya si Jackson na nakasubsob ang mukha sa leeg ng kapatid niya at mahimbing na natutulog.

Napangiwi siya imbes na napangiti. Nasa tabi din niya si Luis na natawa nang makita ang kaibigan.

"Sorry, nagising ba kita?" nakangiwi niyang tanong.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon