MONTHS HAD PASSED, unti unti ang paggaling ni Luis. Unti unti na ring tumutubo ang buhok nito at bumabalik ang dating kulay.Tungkol naman sa mga magulang ni Luis, ang ama nalang nito ang nagpupunta at bumibisita sa anak. Madalas din ang mga kaibigan ni Luis na dumalaw kasama ang asawat't anak ng mga ito.
Unti unti din ay nagiging malapit na ang loob niya sa mga asawa ng mga kaibigan ni Luis.
Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan. Nakahiga ang mag-ama niya habang nagkukulitan at nagkukwentuhan. Hindi maubos ubos ang pinag-uusapan ng mag-ama.
Napatitig siya sa anak niya at inalala ang panaho na pinagbubuntis pa lamang niya ito.
"Keri mo ba talaga? Gracia naku ah!" sita sa kanya ni Nj. Kailangan niya kasing magpacheck-up ngayon kaya lang ay may gagawin si Nj, kaya siya lag mag-isa ang maglupunta sa clinic.
"Oo nga." natatawa niyang sagot. Hinaplos niya ang nakaumbok ng tyan. Malapit lapit na rin ang nakatakda niyang panganganak. "Sige na. Alis nako. Mag-iingat ako. Promise."
Kinuha niya ang cellphone niya at natigilan ng mayroong text ang ina ni Luis.
Mag-iingat ka, daughter-in-law.
Napailing nalang siya at nilagay ang cellphone sa bag na dala niya. Lumabas na siya nang bahay at nag-abang ng masasakyan sa daan. Ngunit nagtaka siya nang may tumigil na naka-motor sa harap niya. Tinutukan siya nito ng baril at tinamaan siya sa tagiliran.
"A-ahh!!" dahan dahan siyang napa-luhod sa daan. Hinawakan niya ang tagiliran kung saan nahapdi ang nararamdaman niya. Nanginginig ang kamay niya at tumutulo ang luha niya nang makita ang kamay niyang puro dugo.
Narinig niya ang pag-alis ng motor ngunit wala na siyang paki-alam don. Hindi siya makapagsalita. Nagdidilim ang paningin niya.
"A-anak... No... S-shaya..." bulong niya habang paulit ulit na hinahaplos ang tyan niya. Nanghihina na siya. Ang huli nalang niyang narinig ay ang natatarantang sigaw ni Nj bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"Gracia!"
"Mommy!"
Natigilan siya at napakurap kurap. Naramdaman niya ang basa sa pisngi niya kaya hinaplos niya iyon. Nagtaka siya nang marandaman ang basa don.
"Huh?" wala sa sariling aniya. Pinunasan nalang niya ang pisngi at tumingin kay Shaya at Luis na nag-aalala sa kalagayan niya ngayon. "W-why?"
Kumunot ang noo ni Luis pero kita niya ang pag-aalala sa mga mata niyo. Habang si Shaya naman ay dali daling bumaba at hinawakan ang mukha niya.
"Why are you crying, mommy?" Shaya looks so worried.
She smiled. "Nothing baby. Just tears of joy."
"You sure, Jo?" singit naman ni Luis.
Napairap siya sa tinawag nito sa kanya. "Yes."
Tumawa naman si Luis. Kinandong niya si Shaya at niyakap. "You sleep na, baby."
Tumango ang bata at naglalambing na yumakap sa kanya. Ganito niya patulugin ang anak. Nang makatulog si Shaya ay inilapag niya ang bata sa sofa. Kaya no choice siya kundi pumwesto sa upuan sa tabi ng higaan ni Luis.
Nakapikit na ito at mukhang natutulog na. Hindi niya maiwasan na hindi ito titigan. Bumalik na ang dati kulay nito. Unti unti na ring tumutubo ang buhok at nagkakalaman na rin ito hindi tulad ng una nilang kita dito na sobrang payat.
Marami siyang gustong sabihin kay Luis pero hindi niya masabi dito dahil nahihiya siya. Nahihiya siya dahil iniwan niya ito. Nahihiya siya dahil pagkatapos ng lahat ng sakripisyo sa kanya ng lalaki ay pinagdudahan pa rin niya ito.
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceRough Series 3. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang maging isang madre. Kaya yun ang ginawa niya pagtanda niya kahit ang kapalit 'non ay ang pag-alis niya sa bahay ng mga magulang nila. Masaya siya sa kung nasaan siya ngayon, pero anong mangyay...