Chapter 14

66 2 0
                                    


"KAMUSTA ATE? Kamusta siya? A-anong nangyare?"

Tumingin siya sa kapatid na sunod sunod ang tanong sa kanya. Ngumit siya ng malungkot at umiling.

"Nung binanggit ko na may asawa ka na, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa." hinawakan niya si Grace sa kamay. "Naaawa ako kay Jackson, Grace. Alam kong wala akong karapatan na sabihin 'to pero bilang ate mo, alam kong mahal ka niya base sa nakita kong emosyon sa mukha niya."

Nag-iwas naman ng tingin si Grace a tnilapitan ang anak na naglalaro sa mat. "Magaling lang siyang magpanggap."

She sighed deeply. Hindi na siya nagsalita at tiningnan nalang ang pamangkin niyang naglalaro ng car toys. Dala ito ni Luis para kay Jr kanina.

"Ate?" tawag sa kanya ng kapatid.

"Bakit, Grace?"

"H-hindi ka ba malungkot? I mean, kasi... Hindi ka pweding magka... anak..." alanganin na tanong sa kanya ni Grace.

Ngumiti naman siya. "Ayos na 'ko. Tanggap ko na naman yon, Grace. Ang importante lang sakin ngayon, hindi ako iwan ni Luis."

"Bakit naman kita iiwan?" napatingin siya sa likod kung saan may nagtanong.

Natawa siya nang makita si Luis na salubong ang kilay. Akala niya ay umuwi nito.

"Wow. Feel at home na ah. Walang ng katok-katok. Basta akyat nalang sa bahay namin." biro niya dito.

"Syempre." ngumisi ito kapagkuwan ay nagsalubong ulit ang kilay. "At bakit mo iniiba ang usapan? Bakit kita iiwan?"

She smiled sadly. "Kasi baka gustuhin mong magka-anak. Alam natin na hindi kita mabibigyan non."

Umiling ito at niyakap siya sa likuran. Not minding Grace and Jr who's playing in front of them. "Of course gusto kong magka-anak. Pero mas gusto kitang makasama. Let's just adopt if you want." he kissed her neck.

"Ikaw..." sagot nalang niya dahil nakaramdam siya ng kakaibang kiliti nang halikan nito ang leeg niya.

"You want to go with me?" biglang tanong ni Luis. Lumingon siya dito at nagtatanong na ngumiti. "In Manila. For just 3 days."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "B-bakit?"

"I have a business meeting there. Ayaw ko namang maghiwalay tayo, so... Payag ka ba?"

Napaisip siya. Papayagan naman siguro siya ng nanay niya. "I'll just call nanay." kinuha niya ang telepono sa bulsa at agad na idinial ang numero ng ina.

"Nay." bati niya ng sumagot ito.

"'Nak, Gracia, bakit napatawag ka?" tanong nito.

Naramdaman niya ang paghalik ni Luis sa leeg niya at batok. She bite her lips unconsciously. "Uhhh. Magpapaalam po sana ako---"

"Sige 'nak. Nagsabi na sa amin si Luis kahapon." sagot nito na nagpagulat sa kanya.

"A-ano?"

"Sige kako. Mag-iingat lang kayo. Sige na, pinapakain ko pa lolo mo." pinatay na nito ang tawag.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Luis habang nakabaon ang mukha nito sa leeg niya. "Ano sabi?"

Mahina niyang hinampas ang braso nito. "Nakakainis ka! Nagpaalam ka na pala eh."

Tumingin sa kanya si Luis at ngumiti. "Syempre. Gusto kong malaman nila na seryoso ako sayo at gusto ko, bawat lakad natin ay ipapaalam ko sa kanila. At kaya syempre kaya nagtanong ako sayo kahit na alam na nila, gusto ko pa rin malaman ang sagot mo. Ayokong isipin mo na pinapangunahan kita."

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon