ALAM NI GRACIA at Luis na nagtataka na ang ibang madre kung bakit nananatili doon si Luis. Magdadalawang linggo na nang binigyan niya ng chance si Luis. Hindi naman siya nito binibigo.Kahit na palihim ang pagkikita at pag-uusap nila, ni minsan ay hindi nagreklamo ang lalaki. Lagi siya nitong iniintindi sa tuwing hindi niya ito pinapansin.
Natatakot kasi siya na baka may makapansin sa kanilang dalawa. Kahit na binigyan niya ng chance si Luis, hindi pa rin siya sigurado dito. Lalo pa at nagdadalawang isip pa rin siya kung iiwan ba niya ang pagmamadre o mananatili kahit na nagkakasala siya.
"You okay, Gracia? You look bother. Care to tell me what's your thinking?" Luis intertwined their hands. Sanay na siya sa binata dahil palagi nito iyong ginagawa sa tuwing magkasama sila.
Umiling siya dito at ngumiti. "Namimiss ko lang siguro sila nanay." palusot niya.
"Do you want to visit them?" Luis asked while playing with her fingers.
"Yes, pero sa susunod nalang. Masyadong busy dito dahil nadagdagan ang mga bata."
Nadagdagan kasi ng sampong bata ang bahay-ampunan. Nakuha ang mga batang iyon ng mga pulis sa ilalim ng tulay na nagra-rugby o sumisinghot.
"Tama ka nga, ang pasaway nung mga iyon. Matatapang." natatawang saad ni Luis.
Madaming beses kasing sinubukan ng mga iyon na tumakas sa kalagitnaan ng gabi. Mabuti nalang ay nagpalagay ng guards si Luis sa labas at gilid ng bahay. Hindi na niya pinaglagyan sa likod dahil wala naman daw dadaanan ang mga bata doon.
"Ganon talaga sa umpisa ang mga yon lalo na nasanay sila sa lansangan." sabi nalang niya.
Tumango naman si Luis habang nilalaro pa rin ang mga daliri niya.
"You like playing with my fingers, aren't you?" she curiously asked.
Luis looked at her with smirked on his face. "I don't like it. Because I love it. Ito na nga lang ang nahahawakan ko sayo eh."
"Syempre noh." umirap siya at tumawa nalang din. "Did you bring your phone?"
Nilabas naman ni Luis an telepono at binigay sa kanya. Alam na kasi nito kung ano ang gagawin niya.
Pumili siya ng magandang kanta sa playlist niya. May sarili na siyang playlist sa cellphone ni Luis dahil magka-iba sila ng gusto sa kanta.
"I'm the one who will choose first." sabad ni Luis sa pamimili niya ng kanta. Napanguso naman siya at ibinalik ang cellphone kay Luis. Natatawa naman nitong tinanggap ang cellphone.
May pinindot si Luis at binaba na ang cellphone sa kabilang bench.
"Lahat ay gagawin para sa'yo... Ganyan ang alay na pag-ibig ko... Kahit ang dagat ay aking tatawirin.." pagsabay ni Luis sa kanta.
Napapikit naman siya at ninamnam ang ganda at lamig ng boses ng lalaki.
"Ang ulap ay aking aabutin... Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin... Langit ang alay na pag-ibig mo... Wala na ngang mahihiling ako..."
Nagdilat siya ng mata at nakita niyang nakatitig si Luis sa kanya habang sinasabayan ang kanta.
"Umasa kang laging ikaw ang siyang mamahalin... Sa isip, sa puso at sa damdamin... Ayaw kong mawalay ka pa sa akin..."
Ngumiti siya sa lalaki at agad naman itong gumanti ng ngiti sa kanya. Hinawakan nito ang mukha niya at muling kumanta.
"Ikaw ang hulog ng langit
Ikaw ang aking pag-ibig
Ikaw ang katuparan dito sa aking daigdig
Ikaw sa aking ang bituin
Walang kupas ang ningning
Ligaya kang walang hanggan
Ako'y sa 'yo, at ika'y para sa akin.."
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED)
Storie d'amoreRough Series 3. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang maging isang madre. Kaya yun ang ginawa niya pagtanda niya kahit ang kapalit 'non ay ang pag-alis niya sa bahay ng mga magulang nila. Masaya siya sa kung nasaan siya ngayon, pero anong mangyay...