"SIR. WAG NA PO KAYONG UMALIS SA pwesto niyo."Hindi niya pinansin ang sinabi ng wedding organizer. Patuloy lang siya sa pabalik balik na paglalakad. Kinakabahan siya dahil ilang minuto ng late si Gracia. It's their fucking wedding!
"Sir! Naiinis na ko ha! Sasabunutan na kita!" sigaw nito na nakapagpatigil sa kanya. "Umayos ka na po."
He sighed. Bumalik na siya sa pwesto siya habang nakakagat sa kuko niya. Sobra siyang kinakabahan dahil hindi pa rin ito dumadating.
"Bakit ang tagal naman..." bulong niya sa sarili.
May tumapik sa kanya kaya napatingin siya sa ama niya. Ito ang kasama niya ngayon na maglalakad sa altar. Hindi man sila magkasundo ng ina niya, nalulungkot pa rin siya dahil hindi siya nito maihahatid sa altar bago makapag-asawa.
"Na-traffic daw. Sabi nung driver." sabi ni ama niya.
"Dad, kinakabahan ako. Paano pag hindi niya 'ko siputin---"
"Luis. Ang duwag mo naman! Samantalang noon ang lakas ng loob mong suwayin ang utos ko na wag lapitan si Gracia dahil madre siya." natatawang sagot nito sa kanya.
Kinalma naman niya ang sarili at akmang magsasalita ng biglang sumigaw ang wedding organizer na dumating na daw si Gracia.
Agad na silang pumwesto at nagsimula ng maglakad papasok sa simbahan. Kasabay niya ang ama niya na panay punas sa mata dahil sa luha.
Pagdating sa baba ng altar ay tumigil na sila para hintayin si Gracia. Katabi niya ang ama at si Shaya na best man niya. Binuhat niya ito habang hinihintay si Gracia sa loob ng simbahan. Magkapareho sila ng damit ng anak niya.
"Daddy I'm excited to see mommy."
"Me too, son." sagot niya.
Pumasok na ang maid of honor nila at sinara ang pintuan ng simbahan. Naluha siya nang mag-umpisa ng tumugtog ang kanta na nirequest nila.
Our little conversation
Are turning into little sweet sensation
And they're only getting sweeter everytimeOur friendly get togethers
Are turning into visions of forever
If i just believe this foolish heart of mineI can't pretend
That i'm just a friend
'Cause i'm thinking maybe we were meant to beDahan dahang bumukas ang pintuan. Nakita niya si Gracia na katayo doon habang may hawak na bulaklak. Tuluyan ng tumulo ang luha niya nang magsimula itong mag-lakad patungo sa kanya.
"Daddy, why are crying? Napapangitan po ba kayo kay mommy?" tanong ni Shaya sa kanya.
Tumingin siya dito na napailing. "I am just happy, son."
Binalik niya ang tingin kay Gracia na nasa gitna na ngayon kung nasan ang mga magulang nito. Nagtama an paningin nila ni Gracia at pareho silang ngumiti.
Natawa naman siya nang maramdaman na pinunasan ni Shaya ang luha niya. Hindi maalis ang tingin kay Gracia.
Napakaganda ng suot nitong trahe de boda. Kumikinang ang damit nito. Mahaba ang likuran non. Simple lang ang suot nito pero napaka-eleganteng tingnan.
I think i'm fallin', fallin' in love with you
And i don't, i don't know what to do
I'm afraid you'd turn away
But i'll say it anyway
I think i'm fallin... for you
I'm fallin' for you..."Ikaw na ang bahala kay Graica. Welcome to our family, Luis." sabi ng ama nito nang makarating ang mga ito sa kinatatayuan nila.
"Opo, 'tay."
BINABASA MO ANG
ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceRough Series 3. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang maging isang madre. Kaya yun ang ginawa niya pagtanda niya kahit ang kapalit 'non ay ang pag-alis niya sa bahay ng mga magulang nila. Masaya siya sa kung nasaan siya ngayon, pero anong mangyay...