Chapter 12

83 2 0
                                    


KINABUKASAN AY NAGPA-ALAM SI Giovanni na uuwi muna para kumuha ng damit nila ni Eros. Kaya naiwan ang bata sa kanila.

Hindi na rin siya nahihilo at nilalagnat pero bukas pa daw siya pweding makalabas ng hospital. Bumisita rin si Josepina kahapon at sinabi nito sa kanya na si Luis muna ang magbabantay. Ang mga magulang naman niya ay umuwi na, bukas nalang ulit babalik dahil kailangan din ng ama niya ng kasama sa bahay.

"Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" masuyong tanong ni Luis habang pinagmamasdan sila ni Eros na kanina pa naglalaro.

Tumingin siya dito ng nakangiti. "Yes." sagot niya at ng may naalala ay nagsalita ulit. "Salamat nga pala... dahil, nandito ka."

Luis stilled and looked away. "Hindi ko na matiis na di ka m-makita. Tapos, nalaman ko pa na... nagkasakit ka."

She smiled at herself. Luis is blushing. Parang tumalon talon bigla ang puso niya sa saya.

"Kamusta na pala yung mga bata don sa bahay?" kapagkuwan ay tanong ni Luis.

Nawala ang kanyang ngiti at nilipat ang tingin kay Eros na naglalaro ng laruang eroplano habang nakakandong sa hita niya.

Madre ka, Gracia. Baka nakakalimutan mo. Lantod e.

"A-ayos naman sila. Mayroon ibang naampon na. Mayroon namang ayaw sumama, at mas gustong manatili nalang sa bahay."

Luis nodded then slowly walked towards her. Umupo ito sa hospital bed. Halos magkadikit na ang katawan nila.

Nanigas siya sa kinauupuan niya nang yakain siya ni Luis sa bewang at isinandal ang ulo sa balikat niya.

"Namiss kita, Gracia. Sa dalawang taon na lumipas na hindi tayo nagkita, ni minsan hindi ko naisip na maghanap ng iba. Ewan ko ba.." he chuckled. "Ewan ko kung anong pinakain mo sakin at bakit ako nagkakaganito sa'yo. Para akong mababaliw nung mga panahon malayo tayo sa isa't isa. Nandon yung, hahawakan ko yung cellphone ko para itext ka pero biglang pumapasok sa isip ko na, 'ayokong magalit lalo si Gracia sa akin, titiisin ko nalang hangga't kaya ko pa.'"

Luis looked at her eyes and gently wiped her tears. Ni hindi niya namalayan na umiiyak na siya.

"Gracia. Maniwala ka man o hindi. Ikaw lang ang babaeng kinabaliwan ko sa buong buhay ko. Hindi ko din alam kung makakakita pa ako ng babaeng katulad mo, pero sa tingin ko, malabo pa sa tubig ng kanal na mangyare yon. Kasi, nag-iisa ka lang dito," tinuro nito ang dibdib niya. "... dito sa puso ko."

"Luis, i'm sorry---"

"Don't be sorry, Gracia. Alam kong ginawa mo lang yon kasi ayaw mong makasakit ng iba. And don't worry about Sofia, she's already married." Luis smiled.

She slowly shook her head. "No... that's not what I mean..."

Luis looked at her, confused with what she's saying.

"I'm sorry, Luis. Buo na ang pasya ko." She smiled.

"What? What are you talking about, Gracia?" he looked clueless.

"I'm sorry, but... my plan is," she swallowed hard. "... is to quit being a nun.

HINDI ALAM NI LUIS kung matutuwa ba siya, maiiyak o malulungkot dahil sa sinabi ni Gracia.

Matutuwa dahil sa walas ay malaya na niyang maipapahayag ang pagmamahal niya sa dalaga.

Maiiyak dahil sa tears of joy. Sa walas, maaari na silang magkasama ng walang hahadlang at walang nilalabag na batas.

Malulungkot, dahil alam niyang pangarap ito ni Gracia. Hindi niya alam kung ano ang dahil kung bakit magku-quit ito pero wala naman siyang karapatan na itanong ito sa dalaga.

ROUGH MEN SERIES 3: Luis Joaquin Ferellehy (COMPLETED) (UNEDITED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon