Prologue

58 29 2
                                    

Simula

"Umakyat ka dito! Makikita mo ang sinasabi ko." Pagpupursigi ko sa kanya dahil natatakot itong umakyat sa matataas na puno.

Ano bang nakakatakot dito? Mas presko at mahangin nga dito kumpara sa ibaba. Maganda pa ang tanawin. Kung kanina pa siya umakyat edi sana nararanasan niya ngayon to.

Marahas na nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok kaya sagabal ito sa pagtanaw ko sa ibaba.

"Bilis na! Para makita mo ngayon na! Kalalaking tao,duwag!" Inabot ko ang ibang sanga upang doon kumapit at para makaakyat ako sa tuktok ng punong ito.

Nanlaki ang mata niya at naghihikahos ang paghinga na para bang napigti ang kanyang maliit na pasensya.

"Sinong duwag ha?"

Nagsimula siyang umakyat na parang tanga. Sa tingin ko nga nagdadalawang isip pa siya kung magpapatuloy siya sa pag-akyat. Palaging tumitingin sa ilalim kapag nakaka-apak sa mas mataas na parte ng puno.

"Duwag nga talaga,tss." Nausal ko na lang dahil sa kabagalan niya sa pag akyat. Hindi niya iyon maririnig dahil malayo pa ako sa kanya at mahangin dito sa itaas. Tanaw ang malawak na lupain at nagtataasang puno unti unting nagbabago ang kulay ng paligid dahil papalubog na ang araw.

"Oh, ang bagal." Pang-aasar ko sa kanya ng makarating sa kinaroroonan ko.

"Anong mabagal? Mabagal? Ako? Yun na yata ang pinakamabilis na pag-akyat ko sa puno!"

Natawa ako ng makitang nanginginig ang kamay niyang nakakapit sa sanga. Kita ang ugat sa braso niya dahil sa higpit ng pagkakapit.

'Duwag!ahhahaahha'

 
"Syempre..." Tatango- tango kong sabi, nagpapangap na kumbinsido sa mga sinabi niya. "Eto ba naman ang kauna-unahang maka-akyat ka ng puno...bilis nga eh."

"Ang yabang mo talaga! Porket mas magaling kana sakin ginaganyan mo na ako! Tandaan mo matatalo din kita sa pabilisan, kailangan lang mawala to." Tumingin siya sa baba na parang nalulula sa kataasan niya.

"Hoy! Hindi ako mayabang! Ganito po kasi yon. Kung hindi kita yayabangan edi sana hindi ka na magpupursiging umakyat ng puno ulit. Ginawa ko lang yon para naman matuto ka at mawala yang takot mo! Tingnan mo nga ngayon, sobrang takot ka sa matataas oh! Eh anong nangyare? Niyabangan lang kita umakyat ka naman! Galing ko talaga!"

Umiling lang siya habang nangingiti.

"Lintek na yabang na yan. Napapasubo pa ko."

Napahalakhak kaming dalawa maya-maya ay nauna siyang nahinto dahil sa mga nakita niya.

 
"Oh diba? Sabi ko sayo maganda dito!"

Namamanghang nakatingin siya ngayon sa himpapawid kung saan tumatama ang buntot ng papalubog na araw sa mga ulap na nagbibigay ng kakaibang kulay sa langit. Kakaiba dahil kumikinang iyon sa ganda. Pinaghalong kahel, rosas, at asul ang kulay ng kalangitan ngayon.

" Tangina. Ba't ngayon mo lang ako sinama dito Madel? Napaka ganda ng tanawin nito."

"Kung hindi ka lang takot edi sana noon pa kita sinama dito."
  

Unti-unting nagsilabasan ang mga alitaptap dahil dumidilim na.

"Paano mo ba ito natuklasan ha?"

Sinikop ko ang buhok kong nililipad at nilagay sa likod ng aking tenga.

"Napagalitan ako noon ni lolo. Yon ang kauna-unahang nagalit siya sa akin kaya nagtampo ako at naglayas. Sutil talaga ako kaya wag mo ng sabihin dahil alam ko naman iyon. Nabigla lang talaga ako at medyo....nagalit narin dahil ang pinakamamahal niyang apo ay sinaktan niya."

"Oh tapos?" Kyuryoso niyang tanong.

"Ayon na nga, napadpad ako dito dahil sa paglayas ko noon, dito ako namalagi sa gubat dahil alam ko namang hahanapin niya ako sa mga kaibigan ko. Eh hindi ko naman alam na susugurin ako ng baboy ramo dito kaya dali dali akong napaakyat sa punong ito. Mabuti nga at may dala akong pagkain nun. Bantay sarado pa ako ng baboy na yon sa ibaba pero sa huli ay umalis din ito."

Napahalakhak siya sa kwento ko kaya pinagalaw ko ang puno para matakot siya. Napakapit siya ng mahigpit at ayun na naman ang pagkalula sa mga mata niya. Haahahahha

"Madel!"matinis na sigaw niya. Kalalaking tao parang bakla kung sumigaw.

Bumaba na kami ng punong iyon ng gumabi na. Maliwanag ang paligid dahil sa ilaw na nagmumula sa buwan at sa mga alitaptap kaya hindi sagabal sa pagbaba ang kadiliman ng paligid. Nauna akong nakababa.

"Bilis naman!" Sigaw ko ng nasa gitnang bahagi palang siya ng pagbaba.

"Maghintay ka!" Mukhang nahihirapan niyang usal. Sa wakas ay nakababa narin ng puno.

"Tara! Lumalalim na ang gabi at baka hinahanap na tayo." Sabi ko.

Nasa gitnang gubat kami kaya mahirap na at baka may makasalubong kaming hayop. Hindi basta basta ang mga hayop dito dahil mga kakaibang nilalang sila. Kaya nilang pumatay pagtrip ka nila. Maraming peligro dito pagsapit ng gabi kaya ipinagbabawal ang pagpunta dito kapag lubog na ang araw. Mas aggressive sila pag nasa dilim at home court nila to kaya mas lamang sila dahil saulo nila ang pasikot sikot dito kung sakaling tatakas ka.

 
Pero syempre may paraan naman para hindi ka nila saktan at maging trip. Kaya nga halos araw-araw akong pumupunta dito dahil alam ko kung paano sila iiwasan.

Huwag kang titingin sa mga mata nila.

Ako lang ang nakakaalam non kaya ako lang ang pumupunta dito. Ito rin kasi ang takbuhan ko kung may problema ako at may iniisip. Pero ngayon isinama ko na tong duwag nato para naman mawala na ang takot niya sa matataas na lugar. Balak ko pa sana siyang dalhin sa mas mataas na puno ang kaso baka mangisay at maihi na siya sa takot at lula.

Palabas na kami ngayon ng gubat ng may mahagip ang mata kong hayop. Agad akong tumakbo sa kasama ko at tinakpan ang mata dahil mukhang tititigan niya ito.

"Huwag kang titingin sa mata at baka hindi pa tayo makalabas dito."

Ako na ang gumabay sa kanya palabas ng gubat dahil kapag binitawan ko to ay awtomatikong titingin siya sa lugar kung nasaan ang hayop. Nang makalabas ay doon lang lumuwag ang aking paghinga. Hindi ko kasi namalayan na pigil na ang paghinga ko kanina. Curiosity kills nga talaga.

"Sinabihan na kita na kahit anong mangyare wag na wag kang titingin sa mata ng mga hayop sa lugar na yon dahil wala silang sinasanto."

"Edi sorry na nga. Na curious ako eh."

"Sa susunod talaga hindi na kita isasama don, mapapahamak tayo sa ginagawa mo eh!"

"Sorry na nga...Hindi ko na uulitin pramis." Pagpapacute pa niya.

"Alis na ko ingat ka sa pag-uwi, malapit lang naman sa inyo. Baka gusto mong ihatid pa kita?" Pambubuyo ko sa kanya.

  

"Anong akala mo sakin? Bakla? Sige na umalis kana. Hanggang sa muli!"
Naglakad na siya at patalikod na kumaway sa akin.

Napailing lang ako at napangiti. Nagsimula na akong maglakad at umalis sa lugar na iyon. Babalik naman ako bukas...Siguradong hinahanap na ako ni lolo ngayon.

Oracle of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon