Chapter 7

17 7 0
                                    

Chapter 7

Nang matapos kami ay nag volunteer si Bea na magsubmit ng gawa namin para sa lunes. Since maaga naming natapos, kailangang maipasa namin before Thursday.

Maganda ang kinalabasan ng gawa namin. Ang akala ko nga ay papalpak dahil maraming beses kaming nagkamali. Pero okay naman at naayos ni Leo.
 

It's just a simple metal sword with a logo of our school in handle area. May kabigatan at kalakihan din ito. Ginawan narin ng pocket ni Leo para iwas disgrasya at maayos tingnan.

 
I teased her. May nakikita akong pagkahambog dito kay Bea, ewan ko lang kung pikon din ito. Kaya naiinis ako tuwing nakikita ko siya sa paligid.

Naayos na namin lahat at handa na kaming umuwi. Bitbit ang kanya-kanyang gamit.

"Siguraduhin mong mai-sasubmit mo yan sa lunes ah! Baka ma late yan, lagot ka talaga saken."  She looked at me and put her right leg on the chair.

"Sure!" Taas noo niyang sagot.

Pag yan hindi nasubmit, malilintikan ka talagang hambog ka saken.

Magkasama kaming umuwi ni Leo samantalang sa kabilang daanan si Bea dahil mas malapit iyon sa kanila. Mapapalayo pa daw ang lalakarin niya pag sumama pa sa amin.
 

Pagkauwi sa bahay ay diretso kwarto ako para magbihis pagkatapos ay bumaba narin ako para magluto ng hapunan. Nang matapos ay tinawag ni Leo si Lolo sa garden para maghapunan.

Ng mag Monday ay nalate kaming pumasok dahil napasarap ang tulog ko. Hindi rin daw ako ginising ni Leo at baka masipa ko lang siya sa mukha kaya pagkagising ko ay hindi ko na naligpit ang higaan ko, deretso banyo ako at dali daling nagshampoo. Wala ng sabon sabon, nakapagshampoo naman!

Mabuti nalang at late yata ang first subject teacher namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Dinig ko pa naman ay patatakbuhin ka ng sampung beses sa grounds pag nalate ka sa klase. Hays. Mabute na lang talaga at tinakbo namin papunta dito. Hindi ko lang maimagine na tatakbo ulit ako sa grounds pagnagkataong nahuli ng prof.

"Uy! Issa! Nabalitaan mo ba? May bagong student daw tapos ang pogi!" Kilig na sabe ng kaklase kong hindi ko maalala kung anong pangalan.

"Tapos ka year pa natin! Kaya possibleng mapunta siya dito."

"Oo! Pogi daw sabi nung mga nasa baba tyaka dumaan ako kanina sa faculty room maraming nag aabang don. Baka andon siya!"

"Puntahan kaya natin? Wala pa naman si sir. Baka absent! Hindi pa naman yon nalelate."

"Gaga. Ano ka ba! Bet mo bang tumakbo ngayon? Baka patakbuhin kapa ni sir pag nalamang nakikityismis ka lng don."

 
"Sayang naman. Ang pogi nun eh. Sana mapunta siya saten para naman ma inspire ako sa pagpasok. Hihihihi!"

 

Maraming nagbubulungan ngayon. Ang ingay ng paligid! Kadalasang naririnig kong topic ay about doon sa newbie na gwapo daw. Psh.

Biglang pumasok ang isa naming kaklase na bakas sa itsura na tuwang tuwa sa ibabalita.

"Classmates, wala daw si sir! May emergency daw na pupuntahan kayaaa wala tayong klase!!!"

"Yes!"

"Hoo!"

"Waahh! Punta tayo sa faculty! Dali!"

Nang marinig ang magandang balita ay nagsitak buhan ang iba papunta sa faculty. Mostly ay mga babae na tili ng tili.

Kinuha ko ang gamit ko saka ko ginising ang natutulog na si Leo. Kinaladkad ko siya hanggang makababa kami sa hagdan.

"Wait lang. Mauna kana, naiiihi ako eh."

Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Hihintayin kita doon sa acacia. Bilisan mo, nagugutom nako." Bored kong sabi sa kanya.

Magkakasunod na tango and iginawad niya sa akin bago tumalikod at tumakbo patungong cr. Nasa second floor ang classroom namin kaya tumungo siya ulit sa taas para 'dun umihi. Hindi pupwedeng gumamit ang mga estudyanteng magkaiba ang floor ng iisang cr. Hindi ko din alam kung bakit pero sinusunod na lang namin para iwas gulo.
 

Naglakad ako papuntang acacia. Hindi ako naka pag agahan kaya medyo mainit ang ulo ko. Hate ko pa naman ang magutom kaya pag umaalis ako may baon akong tinapay. Akala ni leo paborito ko to kase parati niya akong nakikita na may baon na tinapay pero nagkakamali siya dahil iba ang paborito ko.

Kinuha ko ang tinapay sa bag. Ipinulupot ko yon sa tela para hindi madumihan wala kase akong nakitang paper bag kanina. Nagsimula na akong kumain ng nakaupo sa damuhan na nilililiman ng puno ng acacia. Hindi mainit at hindi rin malamig. Katamtaman lang ang panahon ngayon kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.

Matagal umihi si Leo. Maarte pa kapag naghugas ng kamay dahil kailangang lagpas dalawang minuto dapat ang gugugulin mo sa pagkiskis at banlaw. Ganon siya kaarte pag umihi. Pano ko nalaman? Ikinukuwento sa akin ni Khairo kung paano siya mabagot kakahintay na matapos ang orasyon ni Leo.

Wala naman akong pake diyan ang kaso sobrang tagal niya talaga. Nauubos ang oras ko na dapat ay iginugugol ko sa ibang bagay, katulad ng pagkain.

So, ayon nga. Dahil isang buong tinapay ang dinala ko ay hinati ko yon sa dalawa para kung sakaling magutom ako may kainin ako ulit. I put my bag in my side saka ko nilagay sa loob ang natitirang tinapay. I didn't close my bag dahil wala namang kukuha non at wala naman akong kasama.

Papaubos na ang kinakain ko pero wala pa rin si Leo. Kukuha na ako sana ng bottled water sa bag ng makitang nawawala ang kalahating tinapay. Hinalughog ko iyon at napag-alamang nawawala nga!

Kakaunti lang ang mga estudyanteng dumaraan sa pwesto ko pero sino namang tarantado ang magnanakaw ng tinapay ko! Lagot talaga saken yu---

"Ah." Narinig kong dighay mula sa likod ng punong kinauupuan ko kaya dali dali akong tumayo at sinilip kung sino. 

"Mukhang busog na busog ka ah." I crossed my arms over my chest.

Nakaupo siya ng naka cross sitting position. He stopped chewing and his gunmetal eyes remained on me. Gulat na gulat.

"We've already met. Ikaw yung nasa gubat hindi ba?" Siya pa talaga ah.

"Grabe naman ang pasasalamat mo.....nagustuhan ko." Sarkastikong sabi ko. Ngumiti ako ng plastic  atsaka ko kinuha ang bag ng padabog at naglakad papalayo.

Bakit ba ang tagal ni Leo!

"I'm sorry! Hindi kase ako nakapag agahan bago pumunta dit..." Habol niya sa akin.

"Tingnan mo ang bulsa mo at baka mahanap mo ang pake ko."
  

"Kinuha mo ang baon ko ng walang paalam and worst, kinain mo pa at wala ka man lang naitira! Anong akala mo saken foundation?." Gigil kong sigaw sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa pagsabog ko at hindi nakapagsalita kaya sinamantala ko na iyon para sermonan pa siya.

"Sa susunod na kukunin mo ang pagkain ko, ulet, puputulin ko na yang mga daliri mo! ahh..." Napatingala ako at napatango-tango. "Wala na palang susunod. Maliwanag?"

Hindi siya nakapagsalita kaya tinalikuran ko siya at naglakad ng mabilis papalayo.

Bwisit na Leo! Dahil sa kanya to!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oracle of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon