Chapter 1
"Lo! Aalis nga ako ngayon! May gagawin akong importante!" Pagpipilit ko sa kanya dahil aalis naman talaga ako ngayon. Maglalakwatsa ako ngayon at na schedule ko na yon.
"Abah! Palagi ka nalang umaalis! Parati mo nalang tinatakasan ang pagsasanay mo! Walang aalis ngayon kung hinde makakatikim ka saken!"
Sinong tinakot mo! Sanay nako sa pananakot mo lo! Immune na to, oy! Kala mo saken ah.
Sinukbit ko ang maliit kong straw bag saka tumalikod.
"Alis nako lo! Gabi na ako makaka-uwi kaya wag niyo na po akong antayen tsaka sa susunod nalang na linggo ako magsasanay ulit! Paalam!"
Tumakbo ako ng mabilis para hindi matamaan ng batong hinagis! Ngingisi ngisi akong nagpatuloy sa paglalakad dahil naisahan ko na naman si lolo.
Babalik ako ngayon doon sa bukana ng gubat para kumuha ng mga ibebenta ko sa Piadas(market) tulad ng mga bulaklak na may mga kakaibang katangian, mapalason man o gayuma o gamot. Malaki ang kinikita ko sa pagbibenta dahil ako lang ang nakakakuha at nagbebenta ng mga ganoong uri ng halaman. Minsan pagpumapasok ako sa loob ng gubat at nakakakita ng patay na hayop at yon na ata ang pinakaswerteng mga araw ko dahil may nakukuha akong mga balat. Mas mahal kase ang kuha ng Piadas pag ganun ang naibebenta ko.
Pero ngayon may hahanapin din akong bato at metal. Inihabilin iyon sakin ng kaibigan kong naroon sa Piadas dahil mag iimbento na naman iyon ng mga sandata. Akala niya siguro madali lang hanapin ang mga yon eh sa hindi naman nagbabayad kesyo magtropa naman daw kami. Parang Gago! Luge talaga ako don.
Wala ng katok katok sa maliit na kubong pinasukan ko. Binulabog niya ang pananahimik ko kaya bubulabugin ko din siya! Akala niya ah.
"Oh!" Nakita ko siyang nakaupo sa lapag at kumakain. Hinagis ko ang dalang sako.
"Sa susunod talaga pagbabayarin na kita. Yung malupet na bayad! Ang sabi mo madali lang hanapin! Eh sang katutak na bangag ka! Iisang lugar nga makikita yan mamamatay ka naman bago ka makakuha! Pektusan kita diyan eh!"
"Eh, sa ikaw pa?! Itlog lang yan sayo. Oh! Eto paborito mo, yan nalang bayad ko...."
Nagpatuloy siya sa pagkain at ako naman ay kumuha nung tinapay at naupo sa sahig ng magkaharap.
"Ano na naman bang gagawin mo? Tapos mo na ba ang ginagawa mo nung nakaraang araw?" Ngumunguyang sabi ko.
"Syempre naman! Andoon sa likod, sa stock room. Tingnan mo na lang pagkatapos mong kumain."
"Sige. Pero samahan mo muna ako may susunduin pa ako eh. Ipagpabukas mo nalang yang paggawa mo ng kung ano man yan tutal marami ka namang oras."
"Importante ba yan? Kung hindi ay igagawa ko nalang ng mga nito." Turo niya sa mga dala kong bato at metal.
Kinuha ko ang sako na naglalaman ng mga kakailanganin niya at inilagay sa likod ko.
"Paghindi ka sumunod babawiin ko talaga sayo to!" Pagtutukoy ko sa hawak kong sako.
Ngumisi ito at nagpatuloy sa pagkain.
"Sige na! Minsan nga lang ako nagpapasama sayo ayaw mo pa! Sa susunod hindi na kita pagbibigyan sa mga kahi---"
"Oo na! Oo na! Aish, ang ingay mo! Bilisan mo na diyan para matignan mo yung nasa baba at makaalis na tayo. Akin na yang bag! Dali!"
" Op! Pag-aalis na tayo saka ko ibibigay sayo baka tino-talkshit mo lang ako eh!"
Umikot ang nagbibilugan niyang mata at saka huminga ng malalim.
"Abah! Marunong ka na niyan ah! Para ka ng babae! Yiieeee!hahahhahahah"
"Tumigil ka diyan at baka masakal kita. Bilisan mo ng kumain at aalis tayo!"
"Suplado mo ngayon? May mens ka no?"
Tumingin siya ng seryoso at tinapos ang pagkain. Binilisan ko ang pag nguya tsaka uminom ng tubig. Sungit!
Naghuhugas siya ng pinagkainan niya ng bumaba ako para tignan ang bagong gawa niyang sandata. Nakakabilib din kasi ang talento niya sa paggawa ng iba't ibang uri ng sandata. Natatandaan ko pa nung e kwento niya sa akin noon kung saan niya natutunan ang paggawa ng mga ito. Nagsimula daw siya sa pahatid hatid ng pagkain ng lolo-lolohan na hindi niya namang totoong Lolo. Halos araw-araw ay tumatambay siya sa malaking bahay na yon para hatiran ng pagkain at makita ang mga nag gagandahang mga gawa ng matanda. Pansin din naman ng matanda na gustong matuto nitong kasama ko kaya daw tinuruan siya kung paano gumawa. Itinuro sa kanya ang mga dapat gagamitin na mga bato at metal tsaka ang proseso ng paggawa nito.
Nasanay siya sa paggawa ng mga sandata kasama ang matanda. Ultimo ang kabataan niya ay hindi niya na enjoy hindi katulad nung iba na naglalaro ng patintero at pitik bulag. Kuntento na siya sa pasimpleng bagay kasama ang mga kagamitang panggawa ng sandata.Tinawag niya ako mula sa itaas, palagay ko'y tapos na sigurong maghanda iyon. Pagdating ko pa naman kanina ay wala pang ligo ang isang yon. Hindi man lang nahiya!
"Akin na yang sako at ibababa ko sa stock room."
Binigay ko sa kanya saka siya umalis para itago sa baba ang sako. Nang bumalik ay saka kami umalis.
"Sino bang pupuntahan natin?"
Nandito parin kami sa loob ng Piadas pero nasa liblib na bahagi ang kubong tinutuluyan nitong kasama ko. Dala ko ang straw bag ko at sako na laman ang mga kinuha ko sa gubat.
"Ihahatid ko lang to kay Shai. Doon sa tindahang bagong bukas sa kanila yon."
Tumatangong nagpatuloy siya sa paglalakad saka kinuha sa kamay ko ang sako saka isinukbit niya ito sa balikat niya. Straw bag nalang ang natira sa akin.
Unti-unting dumadami ang taong nakikita ko ng papalapit na kami sa tindahan ni Shai. Mukhang mabenta ngayon ang produkto nila. Nagsisiksikan at maingay ang paligid ng makarating kami sa harap ng tindahan.
Walang pakealam ang mga ito kaya mahihirapan kaming sumingit. Mabuti nalang at nakita ko si Shai sa harapan kaya sumipol ako para mapansin niyang nandito kami. Napatingin siya sa direksyon namin at lumabas sa gilid na pintuan. Patakbo kung maglakad ito sa kinaroroonan namin.
"Hay Madel, mabuti at nandito na kayo. Grabe ang bentahan ngayon mukhang isasara ng maaga ang tindahan."
"Nandito ka rin pala Leo! Anong ginagawa mo dito? Himala naman yata at nakalabas ka sa lungga mo ah. Anong pinakain mo sa kanya Madel?! Hahhahhha!"
Inirapan ko si Leo ng tumingin ng masama sa akin saka ako napahalakhak tumawa narin itong si Shai.
"Kailangan pa ngang e-block mail yan para sumama. Hindi nako magugulat kung gagawin niyang asawa ang mga sandata niya. Ahahahhahahah"
"Ang OA niyo! Lumalabas rin naman ako ah. Hindi niyo lang talaga nakikita. Tsh! Alis nga!"
Tinabig niya kaming dalawa bago siya tumalikod sa amin. Tatawa tawa kaming dalawa ni Shai dahil ang pikon ng isang yon ngayon. Hindi naman siya ganyan noon.
"Hayaan mo na, may dalaw ata yon!"
"Tatapusin ko nalang yung mga ginagawa ko doon. Pupwede rin naman kayong tumambay diyan tutal mukhang mapapaaga nga ang uwian namin."
"Sige. Doon nalang kami sa may wooden bench. Bilisan mo ah!"
"Oo nga!"
BINABASA MO ANG
Oracle of the Past
FantasyMadelaine Jansen. She is a tough woman who can do anything. Anything. Para sa mahal niya. Para sa kaibigan at para sa pamilya. She would do everything para protektahan sila. Normal ang lahat ng dumating siya. Ang isang mapagpanggap na tao. Tila laha...