Chapter 4

22 14 0
                                    

Chapter 4

Maaga akong nagising. Hindi para mag-ensayo kundi para maghanda para sa pasukan.

Oo! Pasukan na ngayon at maglalakad ako kasama si Lolo dahil lilipat kami ng bahay doon sa bayan malapit sa eskwelahang papasukan ko. Masyadong malayo ang lalakarin kung dito pa ako uuwi. Kung lilipat ako mag isa, maiiwan naman itong si Lolo na walang kasama. Kaya napagdesisyunan namin na lumipat.

May bahay si Lolo na nakatirik doon sa bayan. Actually, nakwento niya sa akin na doon talaga sila nakatira noon. Pero nung makapasok sa hukbo at naging mataas na opisyal ay mas pinili niyang dito nalang manirahan.

 

Bahay iyon ng mga apoy ko na namatay na. Magkasama na sila ng mga magulang ko sa langit na kahit kailan ay hindi ko rin nakita.

Pagdating namin ay naglinis kami ng buong bahay. At dahil dalawang palapag ang bahay ay hiningal si Lolo kaka akyat baba tsaka masyadong ma alikabok. Tapos may garden pa sa harap na dapat ayusin. Ayaw pa naman ng matanda ng maagiw at hindi malinis na paligid. Matagal ng walang nakatira dito kaya napag iwanan na ng panahon ang bahay na to. Puro mga antique kadalasan ang nakikita ko like jars and paitings.

Habang naglilinis ay may biglang kumatok. Dahil nagpapahinga si Lolo sa racking chair ay ako na ang nagbukas nito.

Ngiting abot tenga ang bumungad sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko kay Leo na may dalang bag na akala mo mag babakasyon. May klase na tayo bukas oy!

"Dito na siya tutuloy." Si Lolo ang sumagot.

Dire-diretso siyang pumasok dala ang bagahe niya. I rolled my eyes.

Humarap ako kay Lolo at namewang. Nagtatanong ang mukha.

"Ba't dito yan lo?" Inis kong tanong.

"Ganun din ang rason kung bakit tayo lumipat dito. Hindi ka ba napapagod maglakad pagpasok noon?"

 
"Ihhh! Alam niyo naman ang sagot diyan! Ang tanong ko sagutin mo lo! Bakit kailangang dito pa?"
 

"Kaibigan mo. Dapat tulungan mo tsaka gusto mo bang pagbayarin yan sa upa? Malaki ang gagastosin niya dahil mag-isa lang siya. Dito maraming kwarto at bakante."

"Bahala nga kayo diyan."

Dahil sa inis ko ay tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglilinis.Pagkatapos dito ay doon naman sa kusina tapos sa garden na maraming basura. Parang haunted kase kung titignan ang bahay mula sa labas.

Pasulyap-sulyap ako doon kay Leo na walang ginawa kung hindi ang tumihaya sa sofa. Feeling Don ah.  Abah! Kumukulo ang dugo ko sa inis.

Lumipat ako sa garden at doon inayos ang mga pot na natumba at tinabas ang mga ligaw na baging. Nagwalis na rin ng mga bulok na dahon ng biglang sumulpot naman itong si Leo sa tabi ko.

"Ayaw mo ba ko dito?" Seryosong tanong niya.
 

Hindi naman sa ayaw pero nauumay ako sa itsura mo. Chos!

Ngayon ko lang napansin na naka maong pants at simpleng grey t-shirt lang siya. Kumakalat ang  matapang niyang pabango sa paligid at every time na humampas ang hangin ay sumasabog ito sa bango. Dumikit na yata ang amoy niya sa akin. Nakalimutan kong kaharap ko nga pala siya.

"Ba't mo naman naisip yan?" Patuloy lang sa pagwalis ang ginawa ko habang siya ay diretsong nakatitig sa akin.

"Akala mo hindi ko narinig ang usapan niyo ng Lolo mo?"

"Tyismoso ka rin pala."

"Ano nga kase? Ayaw mo ba ako dito? Kung ayaw mo edi maghahanap nalang ako ng malilipatan."ani ni Leo.

Mangongon-sensiya ka pa ah. Bulok na style na yan uuuyyyy!

Iiling iling ang ulo ko bilang 'di pag sang-ayon sa sinabi niya. "Hindi!Hindi sa ganon, hindi lang talaga ako sanay na dito kana tutuloy. Nasanay na kase ako na si Lolo lang ang kasama ko."

Nahinto ko ang pagwawalis at tumingin sa mga mata niya.

"Kaya kung bothered ka sa mga narinig mo, wag mo nang isipin yon." paniniguro ko sa kanya dahil halatang nalungkot siya na baka palayasin ko siya rito.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki saka kinuha sa kamay ko ang hawak na pantabas. Nagsimula ulit kami sa paglinis mula garden hanggang sa likod. Inaayos niya muli ang mga sirang kagamitan habang ako ay nagwawalis ng mga tuyong dahon. Pati pagpinta ng gate ay ginawa na namin.

Gabi na ng tinawag kami ni Lolo para sa hapunan. Pagkatapos naming kumain ay ako ang naatasang maghugas ng pinagkainan. Doon na naman sila sa sala at nagpapahinga.

Pagkatapos kong banlawan ang pinggan ay nilagay ko ito sa lalagyan pagkatapos ay nagpunas ako ng kamay saka lumabas sa kusina.

"Akyat nako lo! Magpapahinga na ako."

Hindi ko na nahintay ang sagot, tinalikuran ko na sila at dire-diretso ang akyat ko sa hagdan. Pagod na masyado ang katawan ko pero mabuti at natapos na rin namin lahat ngayon dahil paniguradong magiging busy kami kapag nag simula na ang klase. Hindi ko namalayan na sumunod pala si Leo.

I faced him. Napahinto siya sa harap ko.

"Magpapahinga na ko." Pagod kong sabi.

"So am I." Ngiting sabi niya. Ba't ba ngiti ng ngiti to?

"Asan ang kwarto mo?"

I raised my eyebrows.

"Baket? Anong gagawin mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Ano ba sa tingin mo?" He smirked.
 

Ano na naman bang katarantaduhan ang naiisip mo Leo!?

"Ano nga ba Leo?" I mocked him.

Napahalakhak siya bigla. Napahawak pa sa bewang ang mokong. 

"Hahahahahahahh! S-sige na. Hahhaah. E hahatid lang sana kita."

Mabuti at hindi ako green mag isip kung hinde.....

"Kaya ko! Anong akala mo saken? Lampa?"

Nagtuloy tuloy ang tawa niya. Nanggigigil nako sayo, Leo! Baka mabalibag kita.

"Sige. Sabi mo eh! San pala kwarto ko?"

"Halika."

Tumalikod ako at pumaunang maglakad. Ramdam kong sumunod siya sa akin pero hindi parin mawala wala ang bungisngis niya na rinig na rinig ko kaya hinarap ko siya ulit. Sinamaan ko ng tingin pero halatang nagpipigil ng tawa ang gago!

"Ayan!" Turo ko sa kwarto niya.

"Asan kwarto mo?"

I rolled my eyes. Anong pake mo?

"Dito." Tinuro ko ang katapat na pinto.

Binigyan niya ko ng ngiting tagumpay. Ano na naman bang iniisip neto?

"Goodnight!"

"Ghe!"

Pabagsak kong isinara ang pinto at nahiga.

Bwisit ka talaga Leo!argh!

Dala na rin siguro ng pagod ay nakatulog ako kaagad.

Oracle of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon