Chapter 2

27 17 0
                                    

Chapter 2
 
"Oh! Uminom muna kayo."

Binigyan kami ni Shai ng tag iisang Juice pero magkaiba ang flavor. Blueberry sakin at Strawberry kay Leo. Nakalimutan ata nitong strawberry ang gusto ko.

"Hey Shai! Akin sana yung strawberry..."
  

"Ay! Oo nga pala. Magpalit nalang kayo."

Huminga muna ako ng malalim saka lumapit sa kinaroroonan ni Leo. Nagsusungit pa naman yon ngayon. Bahala na!

"Leo...."

  

"Oh?"

"Palit tayo? Please paborito ko yan eh. Hehe"

Naningkit ang mata niya na para bang inaaral ang bawat galaw ko.

 
"Sige na Leo...."

 
"Ayoko."

"Sige na, oy!"

"Ayaw nga! Sakin binigay to eh. Yan nalang sayo masarap naman yang Blueberry na yan. Dami mo talagang arte." Supladong sabi ni Leo.

-_-

"Magpapalit lang dami ng sinasabe. Edi wag!"

Akala mo kung sino. Siya ang maarte! Magpapalit lang dami pang sinasabe.

Tatalikod na sana ako ng hinila niya ako sa braso.

"Eto na. Uminom ka lng, bawal magpalit. Inom lang ha! Wag ubusin."

Binigay niya sakin ang juice saka ako uminom sa mismong baso saka ibinalik sa kanya. Nandoon parin ang kamay niya sa braso ko sinisiguradong hindi ko itatakas ang inumin niya. Pero mautak to! Hindi ko man nakuha, kalahati na ng ibigay ko sa kanya. Nanlisik ang mata niya.
  

"Oh. Salamat! Baka gusto mong tikman to----"

"Wag na. Ayaw ko niyan."

 

"Arte mo ngayon."

 

Tinalikuran ko siya saka lumapit Kay Shai.
 

"Nakipag palit ba?" Pambungad niya sa akin.

"Ayaw niya pero pinatikim niya saken.  Tara alis na tayo!"

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan yang si Leo. Dati rate siya ang pinakama-ingay sa barkada. Parati siyang nangungulit at nagpapapansin saming dalawa nitong si Shai. Ngayon naroon lang sa likod at nagmamasid sa paligid na akala mo ngayon lang nakalabas sa lunga. Napakatahimik pa. May mens nga ata to! Bahala siya. Hindi ko na kukulitin at baka magalit pa at makalbo pa ako ng di oras.

Papunta kaming tatlo ngayon sa ilog, doon sa kabila kung saan madadaanan namin ang bayan ng mga taga Silangan. Doon kasi namin napag-usapan na magkitakita.

Malapit lang naman ang bayan. Sa katunayan ito ang pinakamalapit na bayan sa Piadas kung kaya't sa Piadas rin sila namimili para makamura at makapili ng maayos ng magagandang kasangkapan. Sa dulo ng bayan ay may ilog doon. Pupwedeng gawing tawiran dahil hindi kalaliman ang tubig kung kaya't doon parati dumadaan ang mga Reapers at mga manlalakbay.

Nandito na kami ngayon sa tabing ilog, hinihintay ang mga kasamahan naming dumating. Naupo kami sa malalaking bato sa gilid. Tumabi sa akin si Leo sumenyas naman si Shai na doon nalang daw siya sa kabila. Tapos ang itsura parang nagsasabing 'kwentuhan mo na lang ako mamaya!' tumataas baba ang kilay. Tyismosa rin to.

Oracle of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon