Chapter 5
Sabay kaming pumasok sa school ni Leo. Magkaklase rin kami kaya malamang ay magsasabay din kami sa pagpasok sa kwarto.
Dahil first day ngayon ayan na naman sa walang humpay na pagpapakilala. Lahat ay nakaupo at nakafocus sa harap.
"Hi. I'm Madelaine Jansen. Madel for short." Yun lang at naupo na ko. Pinagtitinginan nila ako.
Wala akong pake sa mga nagpapakilala dahil makakalimutan ko rin naman ang mga pangalan nila. Magsasayang ka lang ng segundo pagpinagtuonan mo pa.
Nilaro laro ko lang ang hawak kong ballpen. Pinaikot- ikot sa daliri saka tinapon kay Leo. Napasmirk ako ng mailagan niya ito.
Hmm..Mas gumaling na nga yata ako.
Bullseye sana eh ang kaso nakailag.Pinagawa kami ng first impression and expectation about sa klase at guro. Thirty minutes ang ibinigay na oras. Wala namang sinabeng mahaba dapat, basta para saken may maisulat.
Dear Ser,
Mukha kayong mabait pero tingnan nalang natin. Hindi ko pa kayo kilala kaya wala pa akong maisusulat tungkol sa inyo. Saka na pagkilala na kita. Makapasa lang ako ok na. Yon lang salamat ng marami!
-MJ
Wala pang limang minuto ay tapos na ako. Hindi ko muna ibibigay sa harap at baka basahin pa sa gitna. Hihintayin ko muna bago matapos ang 25 minutes na natirang oras.
Sinubmit na namin ang gawa pagkatapos ay lumabas. Pati sa second subject ay ganun din ang ginawa. Pagpapakilala tapos kung ano ang ineexpect mo sa klase. Boring. Kaya ayaw kong pumasok pag first day, nababanas ako sa pagpapakilala.
"Anong nangyari diyan?" Kakarating lang ni Yuna at umupo sa katapat kong upuan. Pabilog ang mesa namin at katabi ko itong si Shai na kumakain ng tanghalian.
Busangot ang mukha ko kaya napansin siguro ni Yuna.
"Gustong magskip ng klase. Boring daw kase masyado tapos puro pagpapakilala pa." Si Shai ang sumagot.
Habang wala kanina si Yuna ay napagkwentuhan namin ang mga naganap sa klase kaya ayun nasabi ko na gusto ko sanang magskip."Sama ka Khairo?" Ngiting tanong ko sa kanya. Napahinto siya sa pagsubo at tumingin siya sakin.
"Saan?" Excited niyang tanong. Binatukan agad siya ni Yuna kaya nagtawanan kaming lahat.
Pagkatapos naming kumain ay nagsiakyatan kami sa aming building. Pagkatapos din ng klase ay sabay sabay rin kaming nagsiuwian.
"Tambay kaya tayo?" ani nitong si Leo ng makalampas kami sa gate.
"Saan?" Si Yuna na mukhang thrilled.
"May nakita akong burol doon." Turo niya sa kakahuyan. "Puntahan kaya naten?"
Sumang-ayon ang lahat kaya sumunod kami sa kanya. Pumauna siyang maglakad kaya nasa likuran kami at nag-iingay. Maaga ang uwian namin kaya may oras pa kami bago magdilim.
Sa likod ng masukal at nagtataasang puno ay makikita mo nga ang isang burol na may nag iisang punong nakatayo.
Paano niya kaya ito nadiskubre?
BINABASA MO ANG
Oracle of the Past
FantastikMadelaine Jansen. She is a tough woman who can do anything. Anything. Para sa mahal niya. Para sa kaibigan at para sa pamilya. She would do everything para protektahan sila. Normal ang lahat ng dumating siya. Ang isang mapagpanggap na tao. Tila laha...