Chapter 3
Sa wakas ay lumakad narin kami. Etong si Khairo ay bumalik na sa pagiging maingay. Dada ng dada! Kinukulit niya ngayon ang walang imik na si Leo. Bad mood pa rin yata. Nasa unahan ako kasama si Shai at Damian parehong tahimik na naglalakad. Si Yuna nakisali na din sa trip ni Khairo. Kung alam niya lang.
Mag-eenroll kami ngayon. Sabay sabay na kami dahil tinatamad pumuntang school at nakatambay lang kung saan saan ang trip namin. Hindi rin naman kami mag-papaenroll ngayon kung hindi namin nabalitaan na last day na ngayon. Alam na! Papetiks petiks din kami. Hahahahahahah!
Si Yuna 2nd year sa tertiary, Ako at si Leo grade 11. Tapos si Damian grade 10 ganun din si Khairo. Tapos si Shai na grade 9. Grabe ang pagitan ng year namin pero iisa lang ang laman ng isip. Mabuti at nagkakintindihan rin.
Pagpasok namin sa batong tarangkahan ay agad kaming dumiretso sa Field na tinayuan ng tent. Nagkahiwa hiwalay kami ng pumila kami sa designated area namin. Kaya magkasama kami ngayon ni Leo. Medyo may katagalan ang pila. Ngayon lang din siguru nila naisipang mag pa enroll gayong last minute na.
Nung turn ko na, tumapat lang ako sa parang Robot na babae.
"Name!" Sabi ng robot.
"Madelaine Jansen."
Alam nyo yun? Yung tunog pag gumagalaw ang isang robot, yun Ang naririnig ko. Ba't ba parang namamangha pa ko ilang bese ko narin yang nakita. Since Junior High hanggang Senior.
"Registered!"
Huli kong ginawa ay paglapatin ang thumb ko sa basang bagay na hindi ko din alam kung anong tawag dun. Hawak ng robot ang maliit na rectangular shaped na bagay. Ina identify yun kung ikaw ba talaga ang totoong nag enroll sa sarili mo. Astig diba?
Pagkatapos ko ay umupo ako sa mga nilagay na bench sa gilid, hinihintay ang kasama ko. Maraming pila especially sa senior kase alam mo na habang tumatanda mas nagiging tamad kami.
Pagkatapos naming mag enroll ay nagkitakita kami sa may acacia. Hapon na nung dumating kami dito kaya wala na kaming oras para maglakwatya.
Malayo layo ang lalakarin mo kung manggagaling ka pa doon sa Piadas, may South pa kasing madadaanan.
Deretso uwian na kami pagkatapos ng araw nato. Mahaba haba ang nilakad ko kaya medyo sumasakit ang binti ko. Pagkarating sa bahay ay diretso hilata na sa kama. Hindi ko na rin na abutan si Lolo dahil paniguradong tulog na yon. Nagpahinga lang ako saglit saka naligo at natulog. Tutal hindi naman ako gutom at inaantok na ko dahil sa pagod.
Pagka-umaga ay narinig ko na naman ang kalampag ng pinto. Yung kalampag na parang nanggigigil. Pag nasira yan hindi ko na problema.
Mga ilang minuto ang itinagal bago tumigil ang maingay na yun. Pero matakot ka na kapag naging tahimik ang paligid. Inis kong inimulat ang aking mata saka padabog na bumangon. Paniguradong may gagawing katarantaduhan yang si Lolo dahil itinigil ang pagkatok ng pinto. Kailangan naka-ayos na ko bago niya mabuksan ang pinto.
Minadali ko ang pagligo. Nang matapos ay nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pintuan. Ayon sira! Sabi na eh!
"Ba't mo sinira Lo? Bahala ka diyan, ikaw mag-ayos niyan ah?" Nagsusuklay kong sabi ng nakaharap sa salamin.
Pinandilatan niya ako. "Hindi ka kase sumasagot! Aba! Malay ko ba at baka tulog ka pa! Bilisan mo diyan dahil kanina pa ako naghihintay sa labas. Huwag kang tatakas. Malilintikan ka talaga sakin!" Yun lang at tumalikod na ang matanda.
Nyenye!
Mga tatlong oras kaming nag eensayo. Mula sa mano mano hangang sa mga sandata. Bata pa lang ay tinuturuan nako ng Lolo ng mga basic attack and defense. Kaya minsan pag nakikilaro ako sa ibang bata natatakot sila sa akin. Kasi daw sakanila laro laro lang sa akin sparring na at masakit kaya umiiwas sila sakin. Hindi ko rin naman sila masisisi, mabuti nga at lumayo sila dahil gagawin ko silang punching bag katulad ni Leo. Hahahahaha! Kawawa parate sakin yun. Siya kase ang training buddy ko.
Nasanay na ako sa mga pasigaw sigaw ni Lolo. Kaya minsan nagloloko ako para masaya naman, napakaseryoso niya kasi. Si Lolo ang hinahangaan ko sa pakikipag-away. Hindi yung basagulero, I mean isa siya sa mga commander noon ng hukbo. Kaya lang dahil sa katandaan at pinaretiro.
Pero kahit matanda na ay mabilis paring gumalaw. Walang kupas. Magaling parin sa labanan.
"Aray lo! Hinay hinay naman!" Tinamaan ako sa braso ng palakol na kahoy. Masakit! Pucha parang pinalo ako ng dos por dos.
"Ang bagal mo. Bilisan mo ang kilos mo! Hindi yung lalamya lamya ka.hmf"
Sinanga ko ulit ang atake niya pero sadyang napakabilis ng galaw ng matandang to. Akala mo teenager kung gumalaw. Tanda tanda na Hindi man lang bumagal.
Dahil sa pagsangga ko sa atake niya ay hinampas niya ako sa likod gamit ang kaliwang may hawak ng palakol.
Masyadong masakit! Potspa! Hakot ko na naman ang mga kulelat ngayon! Naman oh!
Nahampas ko siya sa tagiliran pero parang 'wa epek sa kanya. Kailan ko ba mapapatumba to?
"Ang sabi ko kailangan mong basahin ang galaw ng kalaban mo. Kung ano sa palagay mo ang susunod niyang gagawin, yon ang dapat mong pagtuunan ng pansin at paghandaan. Hindi yung sangga ka lang ng sangga! Kapag inulit mo pa yan isipin mong talo ka na mula umpisa."
Okay! Okay! Gets ko na Lo. Parang sirang plaka na sa tenga ko yan. Sinunod ko ang lahat ng itinuro niya sa akin. Lahat ng nalalaman niya ay ibinigay niya sakin bilang paghahanda ko raw sa mga magaganap sa hinaharap.
Kung makapagsalita etong si Lolo akala mo nakikita niya ang mangyayari sa hinaharap. Lahat na lang dapat paghandaan. Dapat nga i enjoy ko itong kabataan ko dahil baka maudlot pa at magkaroon ng gyera. Pero syempre hindi naman iyon mangyayari. Halatang excited lang si Lolo mamahinga. Lahat na lang ng bagay itinuturo niya sa akin, pati mga gamit inihahabilin. Hay......wag naman sana.
Dahil tuloy tuloy ang training ko ay hindi na ako nakakapag-gala. Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang mga kaibigan ko. Parateng pagod ang katawan ko at hindi ko na kakayanin pa ang maglakad ng malayo. Okay lang yun dahil ilang beses ko naring tinakasan si Lolo kapalit ng paglalakwatya. Hindi na masama. Sulit naman lahat ng pinaghirapan ko.
BINABASA MO ANG
Oracle of the Past
FantasyMadelaine Jansen. She is a tough woman who can do anything. Anything. Para sa mahal niya. Para sa kaibigan at para sa pamilya. She would do everything para protektahan sila. Normal ang lahat ng dumating siya. Ang isang mapagpanggap na tao. Tila laha...