Chapter IV

51 6 0
                                    

Chapter 4

HIGH school ako at kagaya ng mga nagdaang araw ng pasukan ay late na naman ako. Lunes ng umaga at alam kong mayroong flag ceremony ngayon. Sinilip ko ang quadrangle mula sa sasakyan kung saan ang karamihang mga estudyante ay nasa linya na. Naghahanda para sa pang-umagang seremonya.

"Mom, alis na po ako!" Mabilis na turan ko. Hinalikan ko ang nasa front seat na si mama at ang nagda-drive na si papa.

"Hintayin mo si Ellia, Luella!" Sigaw ng mama ko.

Hindi ko na ito pinansin at nagdire-diretso lang ng takbo papuntang quadrangle. Hindi pa nagsisimula pero alam kong ilang segundo nalang ay hindi na naman ako makapapasok nito. Ganito kasi sa paaralang ito. Para disiplinahin ang mga estudyante, dapat bago matapos ang pag-awit ng Lupang Hinirang ay nasa linya ka na kundi ay isasara ang gate at paglilinisin ka. At hindi isang beses o dalawang bese kong naranasan iyon! Dahil halos buong linggo ay nakapaglilinis ako.

Halos madapa na ako sa pagtakbo pero hindi ko iyon alintana. Ang gusto ko lang ay hindi makapaglinis ngayong araw! Bukod sa mainit ay palagi akong late sa unang subject ko, palagi pang napagagalitan.

Nagpang-abot na ang pawis sa noo ko at sa leeg ko ng makaabot ako sa linya ng mga kaklase ko. Hinanap ko agad si Jaycienth na nakita kong nasa unahan. Lumingon ito sa akin at nagulat pa ng makita ako. Mabilis niya akong pinalapit gamit ang kamay niya. Lumapit naman ako sa unahan. Mabuti nalang at hindi ako ganoong kataas kaya ayos lang na pumunta ako sa harap.

"Himala, maaga ka ngayon, ah?" Asar pa sa akin ni Jaycienth.

Inikutan ko lang ito ng mga mata. Grade 9 Junior High School na kami ni Jaycienth pero kung umasta kami ay parang mga elementarya pa rin.

"Shh. Tumahimik ka na nga lang." Inis na turan ko naman sa kanya.

"Mga kababayan ang Pambansang Awit ng Pilipinas..."

Napaayos na ako ng tayo at napaharap sa may flag pole. Inilagay ko naman ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko at nagsimulang kumanta.  At dahil nasa harap ako ay kitang-kita ko ang humihila sa watawat pataas. Dalawang nakasuot na boy scout uniform ang nasa paanan ng flag pole. Tikas na tikas ang tindig ng dalawa habang seryosong nakatingin sa harap lang ng mga ito.

Kilala ko ang nakatalikod at nakahawak sa lubid na siyang nagtataas ng watawat. Si Alejandro o kilala ko na bilang Jandro. Boyfriend ito ni Jaycienth. Mag-iisang buwang pa nga lang ang mga ito. Masyadong malandi si Jaycienth at pumatol sa isang graduating senior high student. Nabaling naman ang atensiyon ko sa nasa tapat ng flagpole, ang isang kamay nito ay nasa gilid ng mata at sumasaludo.

Napalunok ako. Sino ito? Bakit iba yata ang dating sa akin? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na masilayan ang isang katulad niya o kabahan. Sa mga tindig pa lang niya ay alam kong maraming babae na ang nagkakagusto rito. Pero talagang hindi ko kayang balewalain ang isip ko. Kahit na nga ang nagwawalang dibdib ko. Iba yata talaga ang lalaking ito.

Hanggang sa matapos ang flag ceremony ay hindi nawala ang tingin ko sa lalaking iyon. At maging pabalik na kami ng classroom ay hindi ko magawang iwala sa isip ko ang lalaki. Sino ba siya? Anong pangalan niya? Saang seksiyon siya? Senior High na rin ba ito? O Junior High pa lang?

Hindi ako nakatiis at tinanong ko si Jaycienth. Ang sabi ng kaibigan ko ay kaklase nito si Jandro. Senior High School din at grade 12.  Kasali rin sa boy scout ito. Aldrine Reese Tiazon, 18 years old turning 19, one of the campus heartthrob.

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon