Prologue

259 8 2
                                    

Prologue

THE SHIP IS MOVING FAST...

Komento ko sa isip ko ng maramdaman ang bahagyang pagbilis ng sinasakyang barko. Napahigpit ang kapit ko sa bakal na nagmistulang railings para bigyang balanse ang katawan ko. Napalingon ako sa malawak na karagatan at nakita ang pagputi at pagkakaroon ng mahabang linya ng tubig na palatandaang doon dumaan ang barkong ito.

Di kalaunan ay napapikit ako ng maramdaman ang mabining hangin na siyang humahaplos sa mukha ko ng mga oras na iyon. Nakaramdam ako ng kapayapaan at maging kaginhawaan. Sinong mag-aakalang makakaramdam ako ng ganito? Sinong mag-aakalang sa gitna lang pala ng karagatan ako magkakaroon ng mapayapang buhay? Ni hindi ko maisip noon na mamahalin ko ang dagat.

Idinilat ko ang mga mata ko at tinangala naman ang kalangitan. Ang dating kulay asul na langit ay pinag-aagawa na ng dilim at liwanag. At alam kong kahit anong gawin ko sa mga oras na ito ay mananaig pa rin ang kadiliman. Dahil hindi ko hawak ang oras at hindi ko mapipigilan iyon.

"Luella."

Napatigil ako sa pagmamasid sa kalangitan sa tumawag sa akin. Nilingon ko ito at mabilis na nakita ang matalik na kaibigan ko, si Jaycienth, na siyang kasama ko sa biyaheng ito.

"Hours left and we're on land." She said in a smile and neared me. "Nag-enjoy ka sa bakasyong ito?" Nanunuksong mga ngiti ang ibinahagi nito sa akin.

I rolled my eyes.

The one week vacation on a cruise ship was on her. From my transportations, foods and even the tickets of this cruise ship, it was her treat for my 22nd birthday.

"I can so afford this vacay." Mataray na sabi ko dahil totoo namang kaya kong gumastos para sa sarili ko. Mapilit lang talaga ito sa gusto nito at hindi na ako pinagbigyang magreklamo.

Tumawa ito at lumapit sa akin.

"Dear, I know. Kaya nga binigla kita, di ba? Para hindi ka na makaangal?" She smiled sweetly at me.

Napangiwi ako ng maalala kung bakit niya ako nakasama. She just dragged me out of my condo unit without any reserved clothes brought and even just drive me directly to the airport, without me telling her plans. I didn't even know where did she got my passports and VISA for us to travel around Asia! And it was too late to back out.

"Whatever." Turan ko at umalis na para bumalik sa cabin namin.

On my way to our cabin I saw different nationalities that's hovering the cruise ship. Some are walking slowly, enjoying the sunset, some are looking at the slowly darkening ocean, some are just simply chitchatting.

"This ship is so wonderful!"

"How big is this ship, by the way?"

"Look at that gigantic swimming pool!"

"This is one of the best! What's the name of this ship anyway?"

I smirked inwardly and secretly eyed the group of old women discussing the physique of this ship. And of course I wandered my eyes to see the wholeness of this magnificent cruise ship. It has 12 decks with complete facilities and important places for necessities such as restaurants, cafes, mini-mall, gym and more. There's even a large swimming pool on the top deck. And from the great chandelier to the huge hall down the first floor and of course the international paintings that were plastered on the walls of this ship cries of extravagance.

Kung tutuusin ay para na akong nakasakay sa isang napakapresitihiyoso at napakamisteryosong barko tulad ng sa Titanic, hindi nga lang ito magkasing laki. Kaya kahit mas malaki pa ang makasaysayang barko ay maganda pa rin ito na makukumpara na sa mga international cruise ship. Because this isn't really just a simple cruise ship.

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon