Chapter XXIV

14 0 0
                                    

Chapter 24

NAPADILAT ako ng maramdaman ang kama na umundag hudyat ng pag-alis ng katabi ko. Kaya kahit pagod ang katawan ay pinilit kong bumangon. Nakita ko pa ang pagsara ng pinto na nilabasan ni Aldrine.

Napayuko ako at napatingin sa damit ko. Nakapantulog na ako at malinis na ang katawan ko. Napangiti ako nang mapagtantong binihisan at nilinisan nga ako ni Aldrine kahit na pagod din naman ito ay hindi niya ako pinabayaan.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa beywang hanggang paa ko at tuluyang umalis sa kama. Nanlambot pa ang tuhod ko bago tuluyang umayos ng paglalakad. Sobrang pagod ko kahapon na ngayon ay katawan ko na ang sumuko.

Paglabas ko ng kwarto ay sala ang bumungad sa akin ngunit wala roon si Aldrine. Kaya alam kong sa kusina ito pupunta pero namangha ako nang wala ito sa kusina. Pinilig ko ang ulo ko at tumuloy sa lugar na hindi ko masyadong pinupuntuhan sa condo ko. Sa teresa.

Nakaawang ang pinto sa teresa kaya naririnig ko ang naka-loudspeaker na cellphone niya. Nasa dalawang kamay na magkahalugpong ni Aldrine ang cellphone niya habang nakapatong ang mga braso niya sa railings. Ang noo naman ni Aldrine ay nasa cellphone niya.

"Aldrine, I know very well that you'll be back but I need time and date. If you want to have half a year or a year, I'll give it to you. Pero bigyan mo ako ng eksaktong petsa kailan ka babalik. Hindi iyong sasabihin mong hindi mo alam." Isang banyaga ang nagsalita. Halata iyon sa tono nito.

"Mr. Min, I want to sail as much as I want to go. Gusto kong maglayag pero gusto ko ring makasama si Luella." Sa pagsasalita ni Aldrine ay halatang nahihirapan itong magdesisyon.

Kinurot ang puso ko at napakagat- labi. Hinayaan ko itong magsalitang muli.

"Alam kong naghihintay ka sa'kin, Mr. Min at ayokong isiping inaabuso ko ang kabutihan mo. Pero nahihirapan akong magdedesisyon. Natatakot, nangangamba na sa paglayag kong muli ay hindi ko na naman mahawakan si Luella. Na kakawala na naman siya sa mga pangako namin."


Natigilan ako at parang dinuyan sa lugar ko. Bigla ay nanikip ang dibdib ko. Bigla ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig ako at pakiramdam ko ay parang sinampal ako ng katotohanan. After all, ako talaga ang problema. Ako iyong kumawala. Ako nga iyong naiwan noon pero ako iyong nang-iwan. No justification. Just facts and truths. It leads him to not trusting me. Leads him not to be confident as he sails and it's breaking my heart into pieces. Ako lang ang may kagalawan nito kung bakit natatakot na itong maiwan ako sa pag-alis niya. Takot na siyang iwanan ako dahil baka sa pagbalik niya ay iniwanan ko na naman siya.

But my love for him is not that shallow this time...

Ilang minutong katahimikan ang narinig ko bago nagbuntong-hininga ang kausap ni Aldrine at nagsalita.

"I understand you. Kaya nga binigyan kita ng ilang linggo para makapag-isip kung kailan ka babalik, hindi ba?" Iyon lang ang narinig kong sinabi ng kabila.

Si Aldrine naman ang nagsalita ngayon.

"Anong gagawin ko Mr. Min? Sigurado akong di siya sasama. May trauma siya sa karagatan at sigurado akong di niya maiiwan ang career at pamilya niya rito sa Pilipinas."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko. Yes, hindi ko makakayang maglayag na walang nakikitang lupa. Hindi ko kayang puro dagat lang ang nakikita ko sa loob ng ilang buwan. Mababaliw ako kapag ganun. Hindi ko rin kayang iwanan ang career ko. Ipinaglaban ko ito sa mga magulang ko kaya paninindigan ko ito. At ang pamilya ko? Kahit gaano man kapangit ang sitwasyon namin ngayon ay sa kanila pa rin ako uuwi. Kaya hindi ko talaga makakayang sumama kay Aldrine. Hindi dagat ang tahanan ko, hindi sa gitna ng karagatan. Dito lang ako, dito sa Pilipinas. Maglilingkod sa mga tao.

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon