Chapter XIII

32 3 0
                                    

Chapter 13

"LET'S BE OFFICIAL, LUELLA."

Napatanga ako at napahiwalay kay Aldrine nang sabihin niya iyon. Hindi ako nakagalaw at parang kinakailangan ko pang ipaulit-ulit sa kanya ang sinabi niya.

Did he just say official? We? Us? Official?

Umawang ang labi ko pero mabilis lang rin iyong tumikom. Napakagat ako sa labi ko at napapikit. Ang sinabi niya... iyon ang pinakaaasam kong marinig mula sa kanya. Ang maging kami, ang maging opisiyal na may pangalan ang kung anong relasyon naming dalawa. Sa wakas ay gusto na nitong magkaroon ng pangalan ang kung anumang nararamdaman namin sa isa't-isa. Maipagsisigawan ko nang akin siya at mas may dahilan na akong sundan siya at pagbawalan siya.

"Will you be my girlfriend, Luella?" Mahinang tanong pa niya.

Pero bakit ganun? Bakit nasasaktan ako? Bakit wala akong maramdaman? Bakit hindi ako masaya? Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko. Nauulol ako sa harap niya at nawawalan ng boses. Nangangapa ako at wari'y hindi alam kung anong ibig niyanv sabihin. Pero alam ko, sa loob-loob ko ay alam ko, sadyang hindi ko lang inasahan, hindi ko lang maintindihan at mas lalong hindi ko kayang panindigan.

"Luella?" Untag pa niya sa akin nang ilamg minuto at hindi pa rin ako makasagot.

Napalunok ako at kahit na nahihirapan ay mabilis akong umiling. Tinitigan ko siya at nakikita ko ang pag-asa bagaman kasabay niyon ang pagkalito, marahil sa iniasta ko. "Aldrine, ang t-tagal mong nawala. H-hindi ko na alam." Napayuko ako nang sabihin iyon at napasalampak sa sofa. Ramdam ko ang mga luha sa gilid ng aking mga mata na parang lason na pinag-iinit ang bahaging iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya pa. Halatang naguguluhan talaga ito at halatang hindi alam kung anong ibig kong sabihin.

Mas lalo lang akong napayuko at unti-unti na akong nakaramdam ng pagkailang sa harapan niya.

"H-hindi ko na alam ang tamang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nasanay nalang akong kapag andiyan ka ay hinahabol kita. Pero hindi ko alam kung totoo pa ba itong nararamdaman kong..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinabi ang mga katagang kahit ako ay hindi inaasahang masasabi ko sa mismong harap niya. "Gusto ko pa bang manatili ka sa tabi ko." Diretsong saad ko at nag-angat ng tingin, nakipagtitigan sa kanya.

Kitang-kita ko ang pagkabigla nito sa sinabi ko. Hindi nakaimik at halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Napakagat ako sa labi at napaiwas ng tingin.

Ilang segundo kaming natahimik bago ko naramdaman ang paggalaw niya. Umupo ito sa tabi ko. Napaigtad pa ako nang hawakan niya ang mga balikat ko't pinilit na pinaharap sa kanya. Nanatili akong nakayuko habang nakatagilid na paharap sa kanya.

"Are you telling me you don't want me anymore?" Aniya nang makahuma sa pagkabigla, mahihimigan ang kawalang pag-asa sa boses niya at maging ang lungkot na kaakibat niyon.

Mabilis na umiling ako ng sunod-sunod at napahilamos pa ako ng kamay sa mukha. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Nahihirapang sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya o ipaliliwanag.

I'm confused right now but I don't want him to leave my side! That's it! I like him but I'm not sure about him anymore! That's what I'm trying to say! But still I don't want him to stay away from me, I don't want him to be seen with other girls and I don't want him to leave me. Paano ko iyon sasabihing lahat nang wala akong naipagliliban?

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon