Chapter V

45 5 2
                                    

Chapter 5

"DON'T YOU HAVE ANY DECENCY?" nanggagalaiting tanong ko kay Aldrine ng marating namin ang condominium unit ko.

Pagkapasok na pagkapasok kasi namin sa unit ko galing doon sa event ay mabilis itong naghubad ng tuxedo niya. Ngayon naman ay dahan-dahan niyang tinatanggal ang butones sa polo niya. Respeto naman! Malapit ng tumulo ang laway ko!

"Why? Do you have that decency when you talk with your ex earlier?" Marahas na tumingin siya sa akin habang patuloy na tinanggal ang mga butones sa polo nito. Ang mga mata niya ay matatalim at delikado. Umirap ako sa kanya para hindi mahalata ang mga iniisip ko.

Pero napalunok lang ako ng makita ang itaas na parte ng dibdib niya. Dahil sa pagtatanggal nito mga butones pababa ay nalalahad na ang dibdib niya sa akin! Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Binabaliw niya ba ako? Nag-iwas ako ng tingin ng maramdaman nalang ang sariling sumisilip sa dibdib niya. Pinipilit na makita ang kung anong nasa loob.

"Our conversation didn't even last long! If I know it was just a minute!" I retaliated when I gained my sanity to speak up.

"At talagang inorasan mo pa ang pakikipag-usap mo sa kanya?!" Nagbabaga na ngayon ang mga tingin niyang ibinibigay sa akin. Ang boses niya'y parang isang leon na nagwawala.

"Ano bang pinagsasabi mo riyan? Iba ka rin mag-isip eh!" Nagtatagis ang bagang na sigaw ko rin. Hindi pinapahalata ang hindi paminsan-minsang pagsilip ko sa dibdib niya.

"Talagang iba ako mag-isip!" Sigaw niya na parang isang tigre na ngayon na handa na akong dambahin.

Napaatras ako ng biglang mabilis na humakbang siya palapit sa akin. Iba na ang tahip ng dibdib ko at nawawala na ako sa huwisyo. Para akong lasing na naghihintay nalang mawalan ng malay. Lunod na lunod na ako sa mga mata niya. Mas lumala pa ang nararamdaman ko habang nakatingin sa mga nag-aapoy niyang mga mata. Ang kanyang paghinga ay bumibilis din na animo may pinipigilan din.

Napalunok ako. Hindi ito tama! Mas nagugustuhan ko siya habang ganitong delikado ang anyo niya. Galit at hindi maaamo. Nagwawala at sasabog na kahit anong oras simula ngayon. Pero hinding-hindi ko ipapakita ang totoong damdamin ko sa harap niya. Hindi ko hahayaang malaman niya kahit katiting na nasa isip ko.

"Bakit? Ano ba ang iniisip mo habang nag-uusap kami? Ha?" Sinasabayan ko ang kanyang galit na mga mata. Pati na ang kakaibang galit o inis o tampo ng damdamin niya ay sumasalamin sa akin.

Ilang minuto kaming nagkatinginan lang at tahimik na pinapakiramdamn ang isa't-isa. Walang kahit anong salita ang naisatinig namin. Walang kahit na ano.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Now, I'm wondering. Just when we decided to become like this? Just when we decided to finally leave what's behind us? Just when did he ever give up on me?a

My heart is sinking, it's drowning once again and even drunk. And slowly while I'm in my state of insanity I felt my heart being ripped. Being in pain and even being broken.

Gusto kong magsalita. Gusto kong tanungin siya kong saan nagsimula ang lahat ng ito? Itong kapabayaan namin at itong kawalang-pakialam niya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Leave." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Hindi ko magawang dagdagan kung anuman ang sasabihin dahil baka ano pa ang masabi ko.

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon