Chapter XIV

26 3 0
                                    

Chapter 14

KINABUKASAN, kahit na nahahapo ako at wala sa sarili ay pinilit kong bumangon, kahit na para lang akong nakalutang sa ulap ay itinulak ko ang sarili patayo. Nahihirapan ako, nasasaktan sa nangyari kagabi. Pero ano pa nga bang magagawa ko?

Nagpasalamat nalang ako at ang nangyari kay Ellia na pagkabulag ay panandalian lang. Epekto lang ng sobrang pagkakabagok ng ulo niya at hindi tatagal ay babalik din ang paningin niya. Iyon nalang ang inaasahan ko, iyon nalang ang kinakapitan ko, iyon nalang ang ikinalalakas ko sa mga nangyari.

Nang matapos akong mag-ayos ay muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako nang makita ang kabuuan ko. Na-miss ko rin ang pag-aayos sa sarili. Sa barko kasi ay hindi ako masyadong nag-aayos dahil trabaho rin naman ang pinunta ko roon. Isa pa hindi ako komportable mag-outfit sa gitna ng karagatan. Nawawala ang poise ko kapag ganoon.

Tumaas ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa repleksiyon ko at napangiti nalang din. Nakasuot ako ngayon ng Red leather trench coat, iyon na mismo ang suot ko na binutones ko nalang. May suot akong itim na boots na pinaresan ang aking itim na pouch bag na gamit. Nakalugay lang ang unat na unat kong buhok pero nakasuot pa rin ako ng black pearl dangling earrings. Hindi masyadong makapal ang make up ko pero sinuguro ko pa rin ang pamumula ng labi ko. Just to complete my get up.

Kung tutuusin ay parang wala akong kinahaharap na problema ngayon at parang hindi man lang ako dinadalawan ng bangungot. Sa mga ayos kong ito, sa bawat mamahaling gamit at damit ko ay doon ko inilalabas lahat ng galit ko sa mundo. Dahil gusto kong kapag nakita ako ng mga tao ay sasabihin nilang ayos lang ako. Na walang problema sa akin, na wala akong iniinda, na malakas ako. Kahit sa mga suot ko nalang sila hahanga sa akin, titingala sa akin.

My clothes is my signature mood. If I'm dressing fancy that means I'm trying to hide something. If I'm dressing mild that means I'm excited on what I'm doing. And if I'm dressing fiercely that means I'm about to breakdown.

Just like today...

Tumaas ang dalawang kilay ko bago ko pinaglandas ang kamay sa bewang ko papunta sa pang-upo bago tinalikuran ang salamin. Hindi ko kinalimutan ang cellphone at susi ng sasakyan ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Mabilis ko namang nakita si Aldrine sa sofa na natutulog pero nang tuluyan kong isirado ang pinto ay nagising ito at nagmulat ng mga mata. Dumapo agad ang tingin niya sa akin at dahan-dahang nagsalubong ang kilay niya.

Huminga ako ng malalim at saka tumuloy sa paglalakad papuntang pinto. "I'm going out. There's food in the fridge or you can ask for delivery. Or you can go home. I won't mind." Malamig kong sinabi ang huling mga tinuran.

Nang hindi ito nagsalita ay tumuloy na ako sa paglapit sa pinto. Pero bago ko pa tuluyang maabot ang pinto palabas ay isang matigas at malaking kamay na ang sumakop sa siko ko, pinipigilan akong lumabas. Taas ang isang kilay na nilingon ko si Aldrine, nagtatanong ang mga mata.

"You're not yet okay. Huwag mong ipilit na umalis. At saka san ka ba pupunta?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at halatang inis ito o sadyang naalimpungatan lang.

"I need to work." Iyon lang at binawi ko ang siko ko mula sa kanya.

"Luella," pigil na naman niya sa akin, hinarangan niya ang pinto para hindi ko tuluyang mabuksan.

Napipikon na humarap ako sa kanya, tumaas ang dalawang kilay at nagtatanong pa rin ang mga mata. Hangga't maaari ay ayaw kong magkaroon ng kaaway ngayon o kasalitaan man lang. Masiyadong magulo ang utak ko at baka kung ano pa ang masabi ko.

"May sasabihin ka?" Malamig na sabi ko pa.

"Take a rest. Hindi ka pa ayos sa nangyari kagabi. Alam kong naaapektuhan ka pa at nasasaktan kaya sana naman ay magpahinga ka naman-"

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon