Chapter VI

43 4 0
                                    

Chapter 6

FRIDAY at nasa loob kami ng meeting hall. Andito na ang mga producers ng docu-series at ang mga staffs na magiging bahagi niyon.

Ibinigay na sa akin ang script at habang nagmemeeting kami ay binabasa ko iyon.

"There will be five episodes of the docu-series. We'll have an episode about you, Captain Tiazon, if that's okay with you." Lumingon si Ma'am Eula kay Aldrine kaya napalingon din kami rito.

Ang pabilog na conference table ay ang nagpadali sa aming magkakitaan. Nasa kabilang dulo si Aldrine malapit lang sa may pinto at seryosong nakatingin sa amin. Ako naman ay nasa unahan sa tabi ni Ma'am Eula kung saan may malapit na projector. Sa hindi kalayuan ko ay si Trisha na sasama sa lahat ng shoots namin.

"We'll give the public the untold sotry of Captain Tiazon." Dagdag pa nito.

Isang matalim na titig ang ibinigay ko sa kanya dahil sa sinabi ni Ma'am Eula. Ayokong pagpiyestahan na naman siya ng mga babae dahil sa docu-series na ito. Gusto kong mabuhay pa rin siya ng pribado at hindi pinoproblema ang mga tagahanga. Hindi naman sa ayokong hangaang siya ng iba pero kapag ganitong mas makikilala siya ay sigurado akong hindi siya magkakaroon ng payapang buhay.

Napalingon si Aldrine sa akin at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Nagtataka kung bakit matatalim ang mga titig ko sa kanya. Nagtatagis ang bagang ko at pinandilatan ito ng mga mata. Nakita ko ang pagluwag niya sa neck tie niya at ang paglunok. Makuha ka sa tingin! Ayokong ibinabalandra mo ang buhay mo at maging ang mukha mo! Masyadong masalimout ang buhay ng media!

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makitang naguguluhan ito sa ginagawa ko. Itinaas ko ang hawak na papel na naglalaman ng script, tapos ay nilingon ko si Ma'am Eula na nagpapaliwanag pa rin tungkol pagpapakita ng buhay ni Aldrine.

Am I so selfish for doing this?

Nakita ko ang pagkaasiwa niya sa upuan at nag-iwas ng tingin sa akin. Naapektuhan yata sa mga tingin ko at mukhang naiintindihan na ang gusto kong mangyari.

Tumikhim si Aldrine kaya ang atensiyon ng lahat ay napunta sa kanya ngayon.

"Miss Eula..." Tawag niya sa nagsasalita sa harap. Napatigil naman sa pagsasalita ang babae at agad na binigyan siya ng atensiyon.

"Yes, captain?"

"I suggest... maybe let's not focus on my life. I really want to focus on my ship and how it works. If that's okay." Mahinang boses na aniya pero rinig naman sa buong kwarto.

Sumandal ako ng maayos at ibinalik ang mga mata sa papel na hawak. I feel relieved. Mabuti at nakukuha ka pa sa tingin.

"Oh... Is that what you want?" Parang natatauhang sabi pa ni Ma'am Eula.

"Yes..."

Nagpatuloy ang meeting at napag-usapan na ang buong plano. Kaya hindi na ako magtataka kung sa paglabas namin ay gabi na. Dahil napag-usapan na ang mga pwedeng ipakita sa bawat episodes ng docu-series.

First episode will be about the history of the 'Into the Innocent Ocean Cruise Ship'. Second episode will feature the capacity, places and even the services of the ship. Third episode we'll travel around Asia, all expenses are handled, showing how well-off the ship and showing the privilege the ship can offer. Fourth episode will highlight the successful and famous people who experienced the cruise ship package. The last episode are supposed to be the story of the man behind 'Into the Innocent Ocean' but he declined. So the script writers will search again to think what content should be replaced in the last episode.

Depths Of An Innocent Ocean (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon