Chapter 4

40 6 1
                                    

"Sa'yo baon ko ng isang linggo"

"Sagot ko kwek kwek mo ng isang linggo"

"Lugi bakit kwek kwek lang? Akin iba ibang rekado kada araw"

"Edi pati kalamares na din at gulaman, deal or deal?"

"Nagbigay ka pa ng choices parang qaqo"

Seryosong pustahan 'to. Pinag-iisipan ng mabuti dahil baon ko nanganganib.

"Manok ko si Vivico s'yempre, nauna ako kaya akin siya!", sigaw ko.

Pinagpupustahan namin kung sino mananalo sa eleksyon.

"Sige, akin 'yung kalaban. Walang iyakan pag natalo, ha", ang kapal siya pa 'tong nagpaalala.

"Ano nanamang kalokohan pinagtatalunan niyo diyan? Dalian niyo diyam dahil magsisimula na. Pumunta na kayo sa Social Hall", andyan na pala si Mama.

"Ikaw Gaia, 'wag ka magwawala mamaya", paalala ni Mama.

Grabe siya, ah. Magwala kaagad, 'di pa p'wedeng energetic lang?

Habang papunta ba kami sa Social Hall ay may nabangga akong bata.

Tiningnan niya ako ng masama, "Alamin mo kung sino binabangga mo", grabe ang taray ng bata, ah.

Grade 7 pala siya, nakita ko sa kulay ng Id lace niya. Mapagtripan nga, malalakas na pala loob ng mga grade 7 ngayon.

"Luh? Ganda ka bhie?", pang-aasar ko.

"Mas maganda pa sa'yo", nag flip hair siya mga bakla!

"Kilala mo ba ako, bata?", pagtatanong ko.

"Hindi", ang siga niya, sis! May parole eyes pang nalalaman.

Kaya ang ginawa ko, pinitik ko noo niya at tumakbo papuntang Social Hall

"Aray! Isusumbong kita sa tatay ko, teacher siya dito. Si Sir Ricky!", Takot ko diyan sa tatay mo. Tinutulugan ko lang klase niya, pag Math kasi kusang pumipikit ang mga mata ko.

"Sige, pasabi nalang binabati siya ni Gaia", kinindatan ko siya sabay kaway parang Beauty Queen. Kung bitch siya edi bitch din ako.

"Pati pala bata pinapatulan mo?" Pota, si Vivico nanonood pala kanina?

"Bakit? Papatulan mo din ako?", sana umoo siya. Amen!

"Tsk", at pumasok na siya sa loob ng Social Hall.

Ang sungit niya, ha!

Pagdating ko sa Social Hall, katatapos lang pala ng Prayer at National Anthem. Kaya panahon na para mag-speech ako. Nakaisip na ako kanina ng content para sa kasal namin kaya kung ano nalang lumabas sa bibig ko ang speech ngayon.

"Hello everything! Washout shawat to everyone here. Ako si Gaia ang inyong YES-O President at ito ang aking pangatlong taong nagseserbisyo sa inyo", pagpapakilala ko.

Nagpalakpakan muna sila. I feel star na kaagad. Nang tumahan na sila tsaka lang ulit ako nagpatuloy.

Speech: (basahin niyo nalang 'di naman 'to seryoso)

Bago pa ako maging Presidente ng YES-O, tinanong muna ako ng mga ate't kuya ko n'un.

"Bakit mo gusto sumali sa YES-O?", S'yempre loka loka ako n'un kaya sinagot ko.

"Para po mahasa po skills ko sa trabaho ko in the future", ayan ang sagot ko.

"Ano naman sa trabaho mo in the future?", tanong nanaman nila.

"Maging asawa po, kung 'di papalarin katulong nalang"

Tumawa ang madlang pepol, grabe sila! Atleast nga may pangarap, eh.

Tulad niyo, natawa din sila. Pero 'di niyo ko masisisi, masarap buhay pag asawa mo mayaman tas ikaw tamang linis lang.

Going back, though 'yun ang unang rason ko tinanggap pa din nila ako sa YES-O. At doon unti unting nagbago ang rason ko para magpatuloy.

Nagpatuloy ako dahil sa YES-O ko nakita ang pagtutulungan at pag-asa para makatulong na din sa kalikasan. 'Di ito malayo sa SSG dahil ganun din ang hangarin nila.

Kaya pumili kayo ng karapat dapat. At tingnan niyo sila ng parang kape.

Bakit kape? Kasi kailangan niyong pumili ng matapang 'yung kaya kayong ipaglaban.

(End)

At doon natapos ang speech ko.

"Grabe 'yang anakis mo, Ma. Dati palang maharot na", nagsisimula nanaman ang kotrabida ng buhay ko si Jack.

Natawa naman si Mama. Atleast sa aming dalawa ako ang sure na yayaman kasi hahanap ako ng mayaman!

Simulan na nga natin ang digmaan para makita ko kung paano ako ipaglalaban ni Vivico.

"So, let's proceed with our program. Candidates, you may now begin your opening statements", paninimula ko.

"A pleasant afternoon to you all. I am Vichenzo Cordova, running for SSG President. Since I started here in MHS, I have seen great and worst things. Hardships and achievements, and I want to make this school an even better place than it was before. For the students coming and residing here." Nuks naman Vivico, englisher!

Nagpalakpakan ang madlang kababaihan. Mga etchosera sila! Akin lang si Vivico!

"Pinagpalang araw sa ating lahat. Ako si Luis Anthony Cruz, kumakandidato bilang Presidente ng SSG. Malaki ang pangarap ko sa paaralan na ito dahil naging parte na din ito ng buhay ko. Kaya nandito ako sa inyong harapan, kukunin ang inyong tiwala para kayo ay ipaglaban."

"Ang gwapo din neto, p'wede bang wala nang labanan? Panalo silang dalawa para sa'ken eh", add to hart kaagad, paano ba 'yan? Dalawa na sila.

"Teh, kalandian mo mamaya mo na i-activate. Debate na, dalian mo magsalita diyan, gusto ko na umuwi", walang suporta itong kaibigan ko ramdam ko talaga na tatandang mag-isa 'to.

"Since we've heard their opening statements. Let's proceed for the Debate, wherein they will answer the given question made by the officers of SSG", nakaka-nosebleed na 'to, ha.

"This is the only and last chance to prove yourselves, candidates. Here it goes, what do you think are the aspects of being a great leader that you will potray?", hindi siya mahirap sagutin, pero nakadepende sa sagot nila kung paano nila makukuha loob namin. S'yempre, nakuha na nila puso ko kaya katawan ko nalang ang iaalay ko dito.

" I believe, that the greatest aspects of being a leader I can potray is to be mature and organized that I can work with different kinds of people; To be able to conquer our fears and deal with challenges; and to be able to hear your voices and fight for what is right", bakit ganun? Kahit english basta galing sa kaniya, naiitindihan ko.

THAT'S MAH BEBE!

"Bilang isang lider, naniniwala ako na kinakailangan nitong magkaroon ng sipag at tyaga upang pamunuan kayong lahat; maging responsable at isang mabuting halimbawa na maari niyong tinghalain; at kaya kayong tulungan sa abot ng aking makakaya", mahabang saad ni Luis. Buti pa 'to tagalog.

THAT'S MAH ANADER BEBE!

At dahil tapos na ang harapang labanan ng dalawa, magkakaalaman nalang tayo kung sino ang iboboto ng sangkatauhan.

"Gaia, sarapan mo baon mo bukas, ha?", nakangising saad ni Jack.

"Unggoy ka, ihanda mo na pera mo! Baka kwek kwek palang ubos na pera mo", bwiset siya ang kapal ng mukha.

ElectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon